BMW VII

6 1 0
                                    

Hindi ko alam kung ano dapat kung gawin eh. Nandito ako sa sasakyan nya, nakaupo at hindi nagsasalita. Samantalang siya nagdridrivw ng tahimik. Okay. AWKWARD.

TEKA LANG!!?

"HOY! IKAW LALAKI! Anong drama yung kanina?"

"Akala ko mapapanis na yung laway mo e."

"Ano?!"

"Wala." Tignan mo 'to, pasungit effect pa.

"San ba tayo pupunta ha?"

"My home?"

Nanlaki yung mata ko ng marinig ko yung sinabi niya.

"ANO? HOME?"

"Oo, bahay."

How could he act cool in front of me? The hell. Rapist ata tong lalaking to.

"Hoy!"

"Stop calling me HOY, I have my name."

"Ayoko sa pangalan mo. Tunog manloloko."

*EEEEEEEKKKK*

Bigla syang nagbrake ng sobrang lakas, muntik na nga akong masubsob sa harap eh. Hinayupak talaga to!

"Stop acting like a child, will you?"

Napataas ako ng kilay habang nakatitig sakanya, aba't sumusobra na to ah!

"LEAVE."

Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya.

"Fine." Binuksan ko agad ang sasakyan sabay sarado ng pinto ng malakas.

Pinatakbo nya ng sobrang bilis yung sasakyan.

"GAGO KA! WAG KA NG MAGPAPAKITA SAKIN! IPAPABUGBOG KITA SA MGA TAMBAY SAMIN! TANGINA MO HOY!"

Pagkatapos ko isigaw yun medyo gumaan yung pakiramdam ko at nagsimula ng maglakad, bakit? Kasi walang taxi.

Kahit mukhang nakakatakot, naglakad pa din ako kesa naman sa gumapang ako noh. Nakakainis talaga yung lalaking yun! Dadalhin-dalhin ako dun pagkatapos ano? Eto! IIWAN AKO!

"Tang inang mga lalaki to. Pare-parehas lang talaga kayo eh noh?" Walang may pake kahit mangrant ako dito. Tss. Pasalamat sya pumunta-punta pa 'ko dun sa walang kwentang party na yun. Puro mga burgis.

"Argh!" Para na akong baliw dito, kinakausap ang sarili. Bakit ba kasi walang tao ha?!

Medyo malapit na ko sa pedestrian lane ng may nakita akong mag-asawa ata. Pamilyar kasi yung lalaki.

Tumingin ako ng bahagya sa orasan.

"10 pm?" Alanganing oras na pero ginagala pa nila baby nila? Baka naman mahamugan yung bata. PERO ANO BANG PAKE KO? Okay, wala hahaha.

Tatalikod na dapat ako sa direksyon nila ng bigla silang humarap sakin.

"Au---tu---mn?" Mautal-utal na sabi nung lalaking nakaitim. Hindi ako pwedeng magkamali, siya to. Sa dinami-dami ng lugar, bakit dito pa? At kasama pa talaga ang magina niya? LORD NAMAN. Ayoko ng suicide!

"Uy! Goodevening!" ACT COOL. NAKAMOVE-ON KA NA DIBA?

Bahagyang ngumiti si Blaire, alanganing ngiti. NGITI NG ISANG WITCH NA BITCH.

"Baby niyo?" Ang galing ko, nakuha ko pang itanong ang isang bagay na obvious.

"Oo. Si Axl." Todo ngiti namang banggit ni Alex. Tarantado to ah.

"Ang cute naman, kamukha mo alex hahahaha!" TAMA! GANYAN NGA! MASAYA KA! IPAKITA MONG DI KA NASASAKTAN!

"Talaga? Hahaha. Mana sa daddy eh." Oo, tangina! MANA SA KATAKSILAN nyong mga hayop kayo.

"Uhm. Kamusta ka na pala? Lovelife mo?" ABA ANG HIGAD! KAMUSTA? EH DIBA NGA INAGAW MO? Wow ah! May gana ka pang tanungin yang malandi ka!

"Lovelife ko? HAHAHA!" I sarcastically laugh.

"Wala ka pa bang asawa?" Tanong ni Blaire.

Natigil ako sa pagtawa.

WALA KA PA BANG ASAWA?

WALA KA PA BANG ASAWA?

WALA KA PA BANG ASAWA?

WALA KA PA BANG ASAWA?

WALA KA PA BANG ASAWA?

WALA KA PA BANG ASAWA?

WALA KA PA BANG ASAWA?

WALA KA PA BANG ASAWA?

"Honey!"

Baka magworkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon