BMW V

19 2 0
                                    

"So girl pano na yan?" Sabi ni lealyn habang naglulunch break kami sa office.

"Hindi ko alam! Nakakainis! Bakit ba kasi uminom-inom pa 'ko?!" Napahilamos na lang yung kamay ko sa mukha ko. Hindi ko na alam kung ano gagawin ko .-. Hindi ko nga kilala yung lalaking yun eh tapos pupunta pa 'ko? Pano kung rapist? Holdaper? Kidnapper? Murder? pala yun? WAAAH! Ayoko pang mamatay TtOtT

"Huy!"

"Ay!"

"Ano ba kasing pumasok sa isipan mo at bigla kang napainom?" Ano ba dapat kong sabihin kay lealyn? Hindi nya kasi kilala si EX e.

"Isang mapait na nakaraan." At isang mapaklang ngiti ang nilabas ng mukha ko.

"Sus! Ang drama girl. Kung ako sayo pupunta ako dyan, sasamahan na lang kita mamaya tapos pag nakita kong mukha namang maayos yung lalaki. Gogora na 'ko. Okay ba yun?"

"Talaga? Gagawin mo yun?"

"Oo naman. Konsensya ko pa pag narape ka."

"Gaga ka lealyn!"

"Maganda naman hahaha!" At sabay naming tinawanan ang aming isa't-isa. Actually I'm not really sure e, kahit sasamahan na ko ni Lealyn. There's still doubt.

Natapos na ang lunch break ng medyo pumanatag ang kalooban ko.

"What's wrong? Tingin ka ng tingin sa orasan mo?" Tanong ni Lealyn.

"Kasi 5 na, 5:30 magoout na 'ko. Tapos 7 pm yung makikipagkita." Hindi mapakali kong sabi para akong natatae na di mailabas na naiihi pero hindi pinayagan umihi .-. Ang hirap ng ganto >.<

5:30 pm.

"Lealyn, itetext kita pag nasa hotel lobby na ko ah."

"Osge. Magingat ka hintayin mo 'ko."

"Okay sissy."

Dumiretso ako ng apartment at nadatnan ko dun sila Winter, Rain at Summer. Ang aga naman nila umuwi.

"Raiinnnnnnnn!" Binulabog ko si rain habang nagtitingin sya sa blog nya.

"Autumn, tune down your voice. Nakakastress ang pagsigaw. What's the problem ba?" Malumanay niyang sabi. Tignan mo 'to, ang kalma-kalma. Masaya kasi love life eh.

"Kasi may guy na gustong makipagmeet sakin. Sya yung naghatid sa bahay namin last time na naglasing ako sa bar, hindi ko sya kilala. Then he texted me tapos gusto nya ko mameet The Cassiopeia Hotel daw wear something elegant. Tapos sabi nya pag di daw ako pumunta iuupload niya sa internet yung nude photos ko."

"Oh My GGGGGOOOOSSSSHHHH!"

"Bibig mo rain!" Sabi ni Winter.

"San kayo galing yung malakas na sigaw? Tsk. Ang ingay." Sabi naman ni Summer. Napafacepalm na lang ako. Ang tanga talaga nito ni Summer.

"Girls! May big problem si Autumn!"

Agad namang gumulong si Summer papunta at naglakad si Winter. Kung bakit ganyan si summer? Abangan niyo sa kwento nya.

"Ano yun?" Tanong ni Winter.

"Blah blah blah blah  blah blah bh blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah." Kwento ni Rain.

"Ahhhh. So pano yan?" Tanong ni Winter na medyo nagaalala na din.

"Saglit lang guys, pano niyo naintindihan yung BLAH BLAH BLAH?" Face palm summer! .-.

"Tsk! Summer, pwede pakibulsa muna yung katangahan mo haa?!" Inis na sabi ni winter.

"Sorry na." Nagkamot na lang ng ulo si Summer.

"Girl, kung ako sayo wag kana tumuloy." Advice ni winter.

"Ha? Pano kung?"

"Tama, tama si Winter." Sabi naman ni Rain.

Bigla akong tumingin kay Summer.

"Magkaiba ang tama sa mali. Pero minsan mas mabuti nang gawing tama ang mga mali."

"Kwento mo summer ." Sabay hampas ni Winter kay Summer at naghampasan sila.

Napaisip ako sa sinabi ni Summer. Sya ang pinakatanga sa lahat ng tanga pero sya ang reyna ng sense of humor. Wag kayong magalala maski ako di ko alam kung pano nangyari yun.

"Rain, pahiram ng elegant dress. Pupunta ako."

No choice.

Baka magworkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon