BMW VIII

6 2 0
                                    

Nagulat ako ng marinig ko ang mga boses niya ng may tumawag sakin HONEY. Tumingin agad ako sa likod, at nanlaki ang mata ko.

"The heck?!" Bulong ko.

"HONEY!!" Tumatakbo sya papunta sakin at---

"Andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap eh. Honey, okay ka lang?"
IKAW? OKAY KA LANG?! Niyakap nya ko ng sobrang higpit tapos humarap sya sakin ng alalang-alala yung tipong teenager na maagawan ng girlfriend.

"O---kaayy lang ako." Mautal-utal kong sagot.

"Buti naman honey." At bigla nya akong niyakap ULIT.

"Sumakay ka na lang. Nililigtas lang kita." Bulong niya sa tenga ko. Tss, yun lang pala.

"/coughs/ *EHEM*"

"Ayy sorry alex. Si Xander pala." Bitaw agad ako sa yakap at pinakilala sya.

"Xander?" Sabi ni Blaire.

"Yes. Xander, why?"

"You mean his fullname is Alexander also?" Ay tangina, ginagalit talaga ako.

"Yes. Any problem with that?" Sasagot na sana ako ng biglang sumingit tong mokong na 'to.

"Not at all. By the way, so I guess kayo?"

"Actually---" Sasabihin ko na sana na wala talagang kami ng biglang-

"Yes. We are already celebrating our 8th year anniversary today." Ramdam na ramdam ko ang paghawak nya sa kamay ko, yung malambot nyang kamay. Tumingin sya sakin sabay ngiti.

"Diba honey?" Pakiramdam ko nagslow-mo ang paligid. Nagpause sa pagngiti nya.

"Honey?"

"Ha?" Nawawala na ata ako sa sarili ko.

"I was saying that its already our 8th anniversary, right?"

"Yes. Yes! Hahaha!" Humarap ako sa kanila ng tumatawa. At kitang-kita ko sa mata ni Alex ang pagkagulat, samantalang inggit naman kag Blaire. TAMA LANG YAN!

"Will you please excuse us then? Our childrens are now waiting for us at home."

"CHILDRENS?" Sabay na sabi ni Alex at Blaire.

Napangiti ako bigla, "Yes. May tatlo na kaming anak."

"Wow! Congratulations autumn!" Yayakapin sana ako ni alex ng biglang sumigaw si Blaire.

"Babe! A----raaa--yyy!" Best actress.

"Mauna na din pala kami autumn at xander sinusumpong na naman si Blaire eh."

"Okay! Bye!"

Tinitigan ko sila palayo ng nakangiti, pakiramdam ko nanalo ako sa pagkakataong ito.

Nang medyo malayo na sila, nagsimula na ulit akong maglakad.

"THANK YOU!" Sigaw ni xander. Di ko sya nilingon, bakit ba? Bwisit pa din ako sakanya kahit na niligtas niya ako kanina sa kahihiyan.

"HOY!"

"HINDI KA TALAGA BABALIK?"

"Wala kong naririnig, la la la la "

Sinuot ko ang earpone ko at pumikit.

"Ang sarap sa feeling." Bulong ko.

Pansamantala akong tumigil sa paglalakad nakatayo lang ako at nakikinig ng music.

Pagkabukas ko ulit ng mata ko, handa na kong kalimutan lahat ng sakit ng nakaraan. Kakalimutan ko na ang dapat kalimutan, ayoko ng manatili sa kabanatang tapos na, oras na para magsimula ulit lumakad at ipagpatuloy ang aking istorya.

"Ajja!"

()_()

"Ajja? /smirk"

Hindi ko sya pinansin at nilampasan ko lang sya.

"Teka, gumaganti ka ba?"

"Hindi."

"Eh bat hindi ka namamansin? Pasalamat ka niligtas kita kanina."

"Sino ba kasi nagsabing tulungan mo ko? I can take care of myself. "

"Take care of yourself? Kung kaya mo yun, edi sana may asawa't-anak ka na ngayon. Hindi yung nagmumukmuk ka dyan sa isang tabi na parang teenager na hinihintay makipagbalikan ex nya."

"Tapos kana?"

"Oo."

Nilagpasan ko na sya ulit, wala akong oras makipagaway. Uuwi na ko, masyadong nakakapagod ang araw na 'to. Maybe its time for me to take a rest.

Baka magworkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon