PROLOUGE

121 4 0
                                    


WANTED: UGLY SECRETARY

PROLOGO

ALAM KO naman sa sarili ko na wala talagang magkakagusto sa akin. Sa ganitong kalagayan ko ay iilan lamang ang maaari akong tanggapin.

Hinawi ko ang buhok na inililipad ng hangin. Umaabon na pero nanatili pa rin ako na nakatayo sa labas ng aming bahay. Nakatingala lamang ako sa kalangitan habang hinihintay ko na bumuhos ang ulan. Wala na akong pakialam kung mabasa man ako ang gusto ko lamang ay makalimot mula sa masasamang ala-ala at pangyayari sa buhay ko.

Hindi ko naman ginusto ang lahat ng 'yon kundi nakiayon lang ako sa takbo ng buhay pero sa huli ay ako pa rin ang nasaktan.

"Anak uulan na halika na dito at baka magkasakit ka pa"

"Susunod po ako tita" tugon ko ngunit wala pa talaga akong balak na pumasok pa sa loob. Ang gusto ko lamang ay damhin ang ulan. Marahil ganito nga talaga ang buhay. Dahil sa kapansanan na mayroon ako ay malabo na may magkagusto sa akin at tanggap ko na iyon. Napangiti na lamang ako at muling tumingala sa langit. Nagpapasalamat ako at sa kabila ng lahat ay nakakaya ko ang mga pagsubok.

Bumuhos ang malakas na ulan. Nakapikit ako habang nakatingala pa rin sa kalangitan. Damang-dama ko ang bawat patak ng ulan at hinayaan ko lamang na mabasa ako. Wala na akong pakialam basta ang alam ko gumiginhawa ang pakiramdam ko. Nanatili akong nakatayo at nakapikit pilit na iniibsan ang sakit na dala ng mapanghusgang mundo. Pero gayon na lamang ang pagkabigla ko ng maramdaman ko na wala ng ulan. Kaya dahan-dahan ko na iminulat ang aking mga mata. Hindi kalangitan ang aking nakita bagkus ay isa itong payong na itim.

"Sa ginagawa mong ito baka magkasakit ka" ani niya habang nakatingin sa akin.

"Ano pong ginagawa niyo dito?"

"I'm here for you" aniya sa kaniyang matamis na boses. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.

Ang kabog ng puso ko ay 'di ko maipaliwanag. Napatingin ako sa mga mata niya at nakikita ko ang ningning ng mga ito.

WANTED: UGLY SECRETARYWhere stories live. Discover now