CHAPTER 1

80 4 0
                                    

CHAPTER 1

"TITA AYOKO PO" ganoon na lamang ang pagtanggi ko sa binibigay na offer sa akin ni tita. Hindi ko kasi alam kung makakaya ko at matatanggap nila ako gayong ako ay may deperensiya.

"Please anak, gawin mo na lang ito para sa akin total temporary lamang naman kapag nakahanap ako ng papalit sa'yo ay puwede ka nang umalis"

"tita"

"Tatanggalin kasi ako kung hindi ako makahahanap ngayon ng papasok bukas bilang sekretarya niya"

Naaawa ako kay tita mula kasi noong bata ako at namatay ang mga magulang ko ay siya na ang tumayong magulang ko. Wala siyang asawa at anak kaya inampon na niya ako para may makasama siya dito sa bahay niya.

"Sige po tita" nahihiya na din ako sa kaniya dahil siya ang gumagastos lahat dito sa bahay. Kasi ayaw niyang mawala ako sa pokus sa pag-aaral ko at ngayon na nakatapos na ako maghahanap na din ako ng trabaho ko. "Payag na po ako tita na maging sekretarya ng amo niyo" dagdag ko pa.

"Salamat iha, salamat" halos mangiyak-ngiyak ito na lumapit sa akin at niyakap niya ako.

"Tita ako po dapat ang magpasalamat sa inyo dahil kagragraduate ko pa lamang heto at binibigyan niyo na naman ako ng blessing" ngumiti ako ng bahagya pero ng sandaling tamaan ng mga mata ko ang paa kong isa ay nawala bigla ang tuwa na nadama ko.

"Pero tita baka hindi po nila ako matanggap lalo na at bakal lamang ang isa kong paa"

"Anak lagi mong tatandaan na hindi sukatan ang pagiging kulang sa kung ano man ang maitutulong mo sa kompanya. Ang mahalaga ay ang kabutihan ng iyong puso at ang iyong talino" iyon ang naging tugon ni tita. Alam niya na nag-aalinlangan ako dahil sa paa ko.

Ng gabing 'yon ay hindi ako makatulog dahil iniisip ko kung matatanggap ba ako sa kompanya na pinapasukan ng tita ko. Hindi ko din maaalis ang kaba sa dibdib ko lalo na at masungit daw ang boss nila at strikto. Ako pa naman na babagal-bagal ang kilos ang magiging secretarya niya baka masesante ako agad.

Nasapo ko ang noo ko at nakatingin lamang ako sa ceiling hanggang sa makuha ko na ang tulog ko doon. Nagising na lamang ako sa yugyog sa akin ni Tita

"Bangon na anak at may mga importante pa akong sasabihin sa'yo"

Kinusot ko ang mga mata ko at umupo pagkatapos "Sunod po ako sa baba mamaya tita maliligo lamang ako"

"Sige hihintayin kita"

Pagkasara ng pinto ay agad na akong tumungo sa banyo upang maligo. Pagkatapos noon ay namili na ako ng damit ko. Pero halos lahat ng damit ko ay mahahaba na bestida na may mahahabang manggas. Ganito kasi ang gusto ko na istilo para matakpan ang paa ko. Ang sapatos ko ay sarado at tanging maliit lamang na parte ng puting medyas ko ang nakikita.

Humarap ako sa lamesa kung saan naghihintay ang tita ko na kumain.

"Anak ang boss natin ay strikto pero gwapo" nakangisi na ani ni tita. "Marami na siyang naging secretary pero lahat ay hindi nagtatagal. Hindi pa umaabot ng isang araw ay tinatanggal na niya"

"Tita parang natatakot tuloy ako"

"Kaya ng ito ang tandaan mo para magtagal ka sa trabaho mo Thalia HUWAG NA HUWAG KANG MAGKAKAGUSTO SA BOSS NATIN"

"Tita Aila alam mo naman na mahiyain ako at 'di pa ako nagkakagusto sa isang lalaki"

"Oo pero baka 'pag nakita mo ang boss natin ay mafall ka na agad"

"Tita, kahit na mafall ako hindi din 'yon nararapat dahil alam ko po na walang tatanggap sa akin dahil sa kalagayan ko."

Hindi na nakapagsalita pa si tita ngunit dinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Maski ako ay napabuntong hininga. Sumakay kami sa taxi para mas madali kaming makarating sa kompanya nila. Napakalaki niyon at halos hindi ko mabilang ang palapag. Sa pagkakaalam ko ay isa itong kompanya ng mga sasakyan.

Pagkapasok na pagkapasok pa lamang namin sa entrance ay maraming mga mata ang lumingon sa akin. Nahiya tuloy ako nagbaba ako ng tingin. Alam ko na hinuhusgahan na nila ako sa isip-isip nila. Hanggang sa pagsakay sa elevator ay nahihiya ako.

Sinusundan ko lamang si tita hanggang sa huminto kami sa isang pinto.

"Ako muna ang papasok tatawagin kita mamaya"

"Sige po" mahinang tugon ko

Kinakabahan ako baka mautal ako o kaya hindi ako matanggap. Bahagya akong napapikit at humugot ng malalim na hininga at pagkabukas ko ng mga mata ko ay siya namang pagbukas ng pinto ni tita.

"Pasok ka na daw sabi ni boss"

"Tita hindi-hindi ko po yata kaya"

"Sige na baka masesante ako"

Wala na akong nagawa kundi ang pumasok. Sa sobrang kaba ko ay halos pagpawisan ako kahit na fully airconed ang room.

"Sir heto na po ang pinapahanap niyo na sekretarya"

Nakatalikod ang swivel chair nito kaya humugot muli ako ng hininga.

"Thank you, you can leave us alone" maawtoridad na boses nito.

"Sige po boss" agad naman na tugon nito pero bago nito nilisan ang opisina ay nilingon niya ako at isenenyas na tandaan ang pinakamahalang bilin niya. Nang nakalabas na si Tita Aila ay siya namang pag-ikot ng swivel chair paharap napayuko tuloy ako ng bigla.

"Nathalia Louisse Vallente right?"

"Y-yes sir" halos nauutal pa na sagot ko.

"Hmm so can you please show me your face?"

"P-po?" nag-aalinlangan pa na tanong ko pero nanatili akong nakayuko.

Dinig ko ang pagbuntong hininga nito "Do you know my rule?'

"O-opo sir at iyon ang huwag mafafall inlove sa'yo"

"Good you can start now, iyon ang magiging desk mo" ani nito at palihim ko naman iyon na sinulyapan. Pero wala pa rin akong lakas ng loob na tignan siya.

"Puwede ka ng pumunta doon at magsimula"

"Opo sir"

Kahit na 'di ko siya tignan ay alam ko na nakamasid siya sa akin. Nakakatatlong hakbang pa lamang ako ay pinatigil niya ako sa paglalakad.

"Stop" ani nito at napatigil naman ako bigla. Hindi lamang iyon dahil kumabog ang dibdib ko ng maramdaman ko na lumapit siya sa akin. Napakabango niya halos lahat na yata ng isang bote ng pabango ay pinanligo na niya.

"Can you look at me?" ani nito na siya namang ikinagulat ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko. nahihiya ako sa kaniya ngunit wala akong nagawa kundi ang sundin siya.

"Now tell me gwapo ba ako?" tanong nito sa akin habang napakamulsa siya na nakaharap sa akin.

"S-sir"

"Hmm. I'm waiting for your response"

Halos 'di ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Lalo na at nakita ko ang mga mata niya. Amoy pa lamang niya ay sigurado ako na habulin na talaga siya ng babae. Sa sandaling pagtatama ng mga mata namin ay ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.

"Si-sir gwapo ka po" hindi ko alam kung bakit ko 'yon nasabi. Gwapo nga talaga siya. "Pero sir pinapangako ko po na hindi ako magkakagusto sa'yo. Susundin ko po 'yong pinakamahalagang rule sir" may lungkot ang boses ko at napayuko ako at nakita ko ang paa ko na nakatago sa mahabang bistida ko. Alam ko sa sarili ko walang magkakagusto sa akin.

Umalis si sir sa harapan ko at bumalik sa upuan niya. Hindi na din ako nagpaligoy-ligoy pa bagkus ay nagtungo na din ako sa lamesa ko.

"Sana magtagal ka bilang sekretarya ko" ani nito habang ang mga mata niya ay nakatuon sa mga papeles.

Sa unang araw ko naging maaayos naman ang takbo. Lahat naman ng iutos sa akin ni sir ay nagagawa ko naman pero hindi pa din talaga mawala ang kaba ko sa tuwing magsasalita siya. Ayoko kasi na magkamali at higit sa lahat ayoko na magalit siya dahil si tita Alia ang malalagot. 

WANTED: UGLY SECRETARYWhere stories live. Discover now