HLP 2

5 0 0
                                    

Hell Like Princess -ericaxshane

Chapter 2

Nabawasan na ang kaba at takot ko, pareho ng panginginig ko. "yaya Cecillia?" tawag ko.

"Char, bakit ngayon ka lang? ala-siyete na ng gabi ah." Bungad niya sa akin. Mukhang galing siya ng kusina. Siya na ang yaya ko since elementary palang ako. At siya nadin ang madalas kong kasama sa bahay na 'to. Bunso ako saming tatlong magkakapatid.

"ah may project po kasi kaming tinapos.." Actually hindi pa po tapos dahil sa mga nangyari kanina. Gusto ko pa sanang idugtong yan kaso hindi pwede.

Kung sa school ka-pareho ko si Troy na hindi pala-kibo, ganun din naman ako dito sa bahay. Hindi din naman ako masyadong nagsasalita unless kinakausap ako. Hindi naman ako bastos na bata.

"ah okay. Kumain ka na ba? Paghahandaan kita ng pagkain." Aalis na dapat si yaya sa harap ko at akmang babalik na ng kusina pero pinigilan ko.

"sandali! Wag na po ya. Busog na po ako. Kumakain na po kami kanina habang gumagawa ng project. Pagod na po ako. Akyat na po ako sa kwarto ko." Yes, I lied. Tao padin naman ako. Nagsisinungaling. Gumagawa ng kasalanan. Umakyat na ako sa kwarto ko at humiga sa kama.

"Chartreuse, baby. Congratulations!!" sabi ni mommy.

"manang-mana ka talaga sakin. Ang galing-galing mo baby." Sabi naman ni daddy.

With that, niyakap ko sila pareho. Mas hinigpitan naman nila ang yakap sakin. Hanggang sa h-hindi a-ako m-maka-hinga..

Napa-upo ako. Hinahabol ko ang pag-hinga ko. Nahihirapan ako huminga o hindi talaga ako makahinga.. napatingin ako sa suot ko, naka-uniform padin pala ako. Nakatulog na ako sa pagod.

Bumangon ako at kumuha ng pj's sa closet ko at nag-derecho sa banyo. Naligo ako para mahimasmasan. Ilang gabi na akong nananaginip ng ganun. Yung tipong binabati ako ng iba't ibang tao dahil sa mga achievements ko tapos magigising ako bigla ng hindi ako makahinga. Parang pinapatay ako sa panaginip ko dahil sa mga magagandang nakukuha ko. Natapos akong maligo at bumalik na sa kama ko. Tinignan ko ang orasan ko sa side table ko. 1:16 am. Ilang araw na talagang ganito ang nangyayari sakin.

Pilit kong binabalik ang tulog ko pero balewala. Maya-maya naramdaman ko ang vibrate ng phone ko, inabot ko 'yon. "Sino bang magte-text sakin ng ganitong oras?" tanong ko sa sarili ko na akala mo naman sasagot.

From: unregistered number

Lumabas ka sa terrace mo.

Sino 'to? At obviously, alam niyang gising pa ako. Curiousity could kill me kaya tumayo ako mula sa pagkakahiga. Sumilip muna ako sa pinto ng terrace ko na tinatakpan lang ng kurtina. Nakita ko si.. Troy? Lumabas na ako.

Napatingin ako sa hawak kong phone dahil biglang nag-vibrate. May tumatawag. Unregistered number. Baka siya 'to. Tumingin ako kay Troy na nasa pagtawid ng bahay ko, may hawak siyang phone sa tenga niya. Sumenyas siya na sagutin ko yung phone ko.

"b-bakit ka nandito? At ganitong oras?" nagkaroon ng kaba ang boses ko. Hindi kami close ni Troy. Wala naman kasi talaga akong ka-close sa school dahil nga sa hindi ako pala-kibo. Ang laki ng pinagbago ko simula nung mag-highschool ako at nawala sa tabi ko ang parents ko. Kinakausap ko siya sa phone habang nakatingin ako sakanya mula sa pwesto ko na nasa terrace at siya naman sa pagtawid ng kalsada.

"gusto kitang makausap." Malalim at seryosong sabi ni Troy.

"sa ganitong oras talaga?!" medyo tumaas yung boses ko. Pwede naman kasing sa school nalang diba?

"oo. Ikaw ang bababa dito o ako ang aakyat diyan sayo?" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Nakita ko naman siyang ngumisi.

Ewan ko pero parang nainis ako sa lalaking 'to. I never expected him to act like this. Ang childish niya!

"hey? Ano? Tutunganga ka nalang ba diyan?" sabi niya ulit habang tumatawa-tawa. Ugh naiirita ako sakanya.

"tigilan mo nga ako! Umuwi ka na! inaantok na ako!" pasigaw kong sabi.

Napalingon ako sa likod ko dahil narinig kong nagbukas ang pinto, si yaya Cecillia. "Char? Anong ginagawa mo diyan? Sinong sinisigawan mo diyan? Rinig na rinig ka sa baba." Binaba ko agad yung phone ko without pressing the end call button at itinago bandang likuran ko.

"ah, ano po, wala po. Nagising lang po ako dahil sa panaginip ko at nagpahangin.." palusot ko. Dami ko nang kasalanan ah.

"okay, sige na. matulog ka na ulit." Sabi ni yaya at lumabas na ng kwarto ko.

Nang makalabas na si yaya Cecillia ng kwarto ko, inangat ko muli yung phone ko at wala na yung call. Binaba na niya siguro. Nilingon ko din yung pwesto niya kanina pero wala na siya dun, baka umalis na. Pumasok na ako ulit sa loob ng kwarto ko, nilapag ko yung phone ko sa side table at hihiga na sana ako sa kama ko ng may marinig akong ingay mula sa terrace. Parang may tumalon. Pero hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa paghiga.

Maya-maya pa ay biglang nagbukas ang pinto ng terrace ko at talaga namang nanlaki ang mata ko dahil si Troy ang taong nagbukas nun! Hindi ko nil-lock yung pinto ng terrace ko..

"A-ano? B-bakit nandito ka parin?" Nauutal kong tanong sakanya. Tinakpan ko ng kumot yung katawan ko. Wala akong tiwala sa lalaking 'to. Baka kung ano pang gawin sakin.

Tumawa siya ng mahina. "Wala akong gagawing masama sayo, okay? Kalma!"

Naglakad siya papalapit sa akin.

"A-ano bang sadya mo? Wag kang lalapit! Sisigaw ako!" sabi ko sakanya na medyo napalakas yata kasi sinenyasan niya ako na wag akong maingay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hell like Princess (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon