HLP 1

20 2 2
                                    

Hell Like Princess -ericaxshane

Chapter 1

"kuya, mags-stay po kami ng mga kaklase ko. Kami nalang po ang maglilinis ng classroom. Gagawa lang po kami ng project." Sabi ko kay kuyang Janitor.

Kailangan na kasi naming tapusin 'tong group project na 'to. Dapat matagal ng tapos 'to eh kaso 'tong mga ka-grupo ko ngayon lang naisipang simulan kung kelan nalalapit na yung deadline.

"okay, pero bilisan niyo nalang ah. Ako kasi malalagot dito. Kailangan kong isara ng maaga ang mga pinto ng classrooms." Sabi naman ni kuyang Janitor.

Sinimulan na naming gawin yung project para nga matapos din agad. 3pm ang class dismissal at ngayon ay mag a-ala singko na. malapit na sana naming matapos yung ginagawa naming nang may marinig kaming ingay sa labas ng room. Nagtayuan kaming bigla at nanahimik. Walang umiimik kahit isa samin, nagpapakiramdaman lang.

Lumapit sa may pinto si Zen, kaklase kong lalaki na ka-grupo ko din sa project na 'to. Sinenyasan niya kami na wag maingay. Dahan-dahan niyang binuksan yung pintuan at sumilip sa maliit na awang ng pinto. Pigil hininga kaming lahat na nandun sa room na yun. Kinakabahan ako. Nanlalamig ako.

Maya-maya pa ay sinara narin ni Zen yung pinto at ni-lock ito, lumapit siyang muli samin. "m-may tao s-sa labas.." huminga siya ng malalim. Halata sakanya ang takot. "m-may dala silang mga b-baril." Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Zen. Hindi namin alam ang gagawin.

"a-anong gagawin natin? S-sino sila?!" tanong ni Tanya na nakakapit sa braso ni Ax. Halatang natatakot rin. Sino nga ba ang hindi matatakot dun? Nandito kami sa classroom bandang 5pm na tas kami-kami lang at may mga tao sa labas na hindi naming alam kung sino at may dalang mga baril.

"ganito nalang.." napatingin kaming lahat sa nagsalita, si Troy. tumingin siya sa paligid ng room at huminto ang tingin niya sa bintana. "..tumalon nalang tayo sa bintana." Walang bakas ng takot sa mukha niya. Hindi naman siya mahilig magsalita. Katulad ko, tahimik lang din siya. Hindi na ako nabigla sa reaksiyon ng mga kaklase ko dahil nga hindi naman talaga 'to pala-kibo. Maya-maya pa ay sumang-ayon nadin sila. Hindi ako nagsasalita o ano man. Nakikinig at nakikiramdam lang ako sakanila.

Tumayo na sila at lumapit na sa may bintana. Nasa ikalawang palapag ang classroom naming sa building na 'to kaya hindi naman ganoon kataas kung tatalunin ito. Hindi padin ako kumikilos sa kinakaupuan ko. Nakatingin lang ako sakanila. Natatakot din naman ako sa sitwasyon naming pero ewan ko, hindi ko alam kung bakit 'di ako kumikilos.

Pinapa-una ng mga lalaki yung mga babae sa paglabas ng bintana, pero bago pa man makatalon yung isa kong kaklaseng babae ay narinig naming ang galaw ng doorknob. Pilit itong binubuksan. Kinabahan ako. Napatingin kaming lahat sa pintuan ng room. Ako ang malapit sa pinto. Napatingin ako sa mga kaklase ko, bakas sa mukha nila ang takot. Napabalik ang tingin naming sa pinto ng bigla itong kumalampag. Pilit talagang binubuksan ng mga tao sa labas ang pinto. Natatakot na talaga ako. Dahil dun sa pagpupumilit ng mga tao sa labas na buksan ang pinto mas nagmadaling magsilabasan ang mga kaklase ko sa bintana.

Hindi padin ako umaalis sa pwesto ko na malapit sa pinto. Hindi ko talaga alam kung bakit. Natatakot na ako pero ewan. May naramdaman akong humawak sa braso ko. Tumingin ako. Si Troy. Wala talaga akong makitang takot sa mukha niya. "bakit hindi ka kumikilos diyan?" kalmado niyang tanong. Umiling lang ako at yumuko. "h-hindi ko alam." Naramdaman ko nalang ang kamay niya sa bewang ko na para bang inaalalayan niya ako. Dinala niya ako sa may sulok ng room at tinakpan ang bibig ko. "shhh." At sumenyas siya na wag akong mag-ingay.

Bumukas ang pintuan. Napakalakas ng pagkakabukas dito. Halatang ginamitan ng malakas na pwersa. Nakaharang sakin si Troy. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa dingding habang ako ay napapagitnaan nun. Tinatakpan niya ako. Hanggang sa bigla nalang siyang tumayo.. o napatayo? May humatak sakanya pataas. Yung lalaki. Na may dalang b-baril.

Pero maya-maya din ay binitawan niya si Troy ng matitigan niya ito. Inayos naman ni Troy ang polo niyang nagusot. Tumingin sakin yung lalaki. Nanginig ako bigla. Nanghihina ako. Parang anytime pakiramdam ko mawawala ako sa mundo. Pero biglang nilahad nung lalaking may dalang baril ang kamay niya sa harap ko, ewan ko pero humawak ako dun. Inalalayan niya akong tumayo. Hindi ko na naiintindihan ang mga nangyayari.

Nakatitig lang ako sa lalaki at kay Troy nang biglang magsalita si Troy. "sige na, umalis ka na. ako nang bahalang magpaliwanag kay dad. Ako nadin bahala sakanya." Tumango naman yung lalaki kay Troy at umalis nadin. Naiwan kami ni Troy sa sulok ng room na yun. Naguguluhan ako. Ano bang nangyayari?

Ilang minuto pa ng katahimikan ang bumalot sa paligid namin nang maisipan kong tignan ang oras dahil halatang madilim na sa labas at wala kaming ilaw sa room na 'to at nasa sulok pa kami. 6pm na. isang oras na agad ang lumipas? Ang bilis naman ng oras. "k-kailangan ko ng u-umuwi." Ayos lang naman kahit na anong oras ako umuwi eh, dahilan ko nalang yun dahil may takot padin akong nararamdaman hanggang ngayon. Wala sa bahay ang parents ko. Busy sila sa trabaho.

Hinawakan niya bigla ang kamay ko, dinampot niya ang bag ko at bag niya at hinatak palabas ng walang kahit na anong sinasabi. Hindi naman marahas na hatak ang ginagawa niya, sakto lang basta hindi masakit. Nang makalabas kami ng room, dumerecho nadin kaming labas ng school.

Binitawan niya na ang kamay ko. Nabawasan ang takot ko sa ginawa niya. "Chartreuse.." tawag niya sa pangalan ko. Tumingin ako sakanya. Sa mga mata niya. "yung mga nakita at narinig mo ngayong gabi. Sayo lang muna please." Tinitinigan ko siya mabuti at tsaka tumango.

"p-paano yung iba nating mga kaklase?" tanong ko.

"wag mo ng intindihin yun. Nasaktan ka ba?" tanong niya sakin. Nakatingin padin ako sa mga mata niya, pareho sakanya. Halatang nag-aalala siya. Teka, kaya ba kanina hindi siya natatakot kasi kilala niya pala yung mga lalaki kaninang may mga baril? Pero paano? Hay wag ko na ngang isipin.

"hindi naman. Okay na ako." Tumango naman siya. Katahimikan padin ang bumalot sa paligid naming. Hanggang sa makarinig na naman kami ng ingay, putok ng baril. Nanlamig na naman ako. Hindi na naman ako maka-kilos. Malapit lang samin yung putok ng baril. Lumingon ako kay Troy. Kalmado padin siya pero lumilingon-lingon siya sa paligid at maya-maya din ay hinatak niya ako papunta sa gilid kung saan may mga halaman.

Nakatago kaming dalawa dito sa malalaking halaman sa gilid ng gate ng school sa labas. Maya-maya din may lumabas na ilang mga lalaki na may mga hawak na baril. Napansin ko din na isa sakanila ay may hatak na lalaki na duguan?! Nanlaki ng literal ang mata ko. Nanginginig ako sa nakikita ko. Punung-puno ng dugo yung lalaki. P-patay na ata..

"wag kang magi-ingay." Bulong sakin ni Troy. Hindi ako tumingin sakanya. Wala sakanya ang atensiyon ko kundi nasa mga taong 'to. Sino ba sila?

Maya-maya pa ay naramdaman ko nalang ang kamay ni Troy sa braso ko at pilit na akong tinatayo. Nanginginig talaga ako sa takot. "tara na." sabi niya. Tumayo nadin ako. Nakaalalay padin sakin si Troy. Baka anytime na bitawan niya ako ay matumba nalang ako, hindi ko makayanan yung mga nakita ko. Hindi pa yun live na pinatay sa harap ko ah pero kahit na! may baril padin sila at may dala-dala silang duguan na lalaki. Ano pa bang maiisip mo dun? May matino ka pa nga bang maiisip?!

Nang makalayo kami dun, inalalayan ako ni Troy maupo sa isa sa mga bench. Malapit ang park na 'to sa school. "ihahatid nalang kita sainyo." Sabi niya. Tumingin ako sakanya, seryoso siya. Pwede pa naman akong mag-pasundo sa driver naming eh kaso baka hindi lang ako makapagsalita kapag tinawagan ko at kung ite-text ko man nanginginig nga ako. Tumango nalang ako kay Troy. Nilabas niya yung phone niya at may tinext ata. Di nagtagal, may dumating na itim na kotse sa harapan naming. Inalalayan akong muli ni Troy patayo at pinasakay sa kotse. Magkatabi kami sa loob at parehong tahimik lang.

"Ah Chartreuse, tsaka ko nalang ipapaliwanag ang mga nakita mo. Basta saiyo lang at wala ka ng iba pang pagsasabihan nun." Sabi niya. Tumango lang ako.

Huminto na ang sasakyan. Tumingin ako sa labas, nasa bahay na kami? Sandali. Eh hindi man lang nila ako tinanong kung saan ang bahay ko ah? Di bale, hayaan na nga.

Bumukas na ang pinto malapit sakin, pinagbuksan ako ng driver ni Troy. Bababa na sana ako ng biglang hawakan ni Troy ang kamay ko, napatingin ako sakanya. "b-bakit?" tanong ko dahil nakatitig lang siya sakin. Umiling siya at binitawan na ang kamay ko. Bago ako bumaba, tumingin ulit ako sakanya "s-salamat Troy." At dumerecho na ako sa loob ng bahay.

Hell like Princess (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon