Mabuti pang hindi ko na
Pinayagan pang lumisan ka,
Kung sa kabila ng pangako't pagtitiwala,
Sa tukso'y nagpadaig ka.Ni minsa'y hindi ako napagod na—
Sa iyo'y umasa,
Maghintay,
Kahit pa araw-araw ay
kinakatok ako ng pagdududa at lumbay.
"Bakit? Bakit mo 'ko ginaganito?"
Anong pagkakamali ang nagawa ko?"Punyeta, Julian! Nagtiwala ako sa pangako mo."
Tanging sa lapag lamang napukol ang titig mo.
Sana una palang, pinaniwalaan ko na ang sarili ko."Patawad, esperanza."
'Yan na lamang ba ang masasabi mo?— Esperanza
BINABASA MO ANG
Pangako't Pagdududa | COMPLETED
PoetryUmalis si Julian para magtrabaho sa kabilang bayan. Nangako siyang pagbalik niya'y pakakasalan na niya si Esperanza. Nagtiwala siya; nagtitiwala siya. Ngunit paano kung sa muli nitong pagbalik ay hindi na madama ang dating pag-ibig? Isang storyang...