"Pagbalik ko'y magpapakasal tayong dalawa."
Nasaan na?
Nakabalik ka nga,
Ngunit ang bagay na ito'y batid ko
Na hinding-hindi na matutupad pa.
"Umalis ka na."
"Alis na!"
"Hindi na kita ibig makita pa."
Halos ipagtulakan kita,
Nagpupumilit na lumalapit ka,
Ngunit tila ba ga'y pader
Ang aking binabangga.
Ganoon ba 'ko kahina?
O ika'y mas malakas lang sadya?
"Esperanza, makinig ka..."
"Hindi na! Lumayas ka na!"
"Esperanza, mahal na mahal kita."
"Mahal? Paano mo nagawang buntisin siya?"
"Kung tunay ngang mahal mo 'ko,
Hindi tayo nagkakaganito!"
"Esperanza..."
Ang huling pagtawag mo.
Sa likod ng saradong pinto,
Naghihintay kang buksan kong muli ito,
Habang, nakasandal naman ako,
At pilit iniisip na ang lahat ay isa lamang bangungot.
Ngunit nababatid ko,
Sampalin ko man nang ilang ulit ang mga pisngi ko,Ako'y hindi na gigising,
'Pagkat nagising na 'ko sa pantasyang hatid mo.— Esperanza
BINABASA MO ANG
Pangako't Pagdududa | COMPLETED
PoetryUmalis si Julian para magtrabaho sa kabilang bayan. Nangako siyang pagbalik niya'y pakakasalan na niya si Esperanza. Nagtiwala siya; nagtitiwala siya. Ngunit paano kung sa muli nitong pagbalik ay hindi na madama ang dating pag-ibig? Isang storyang...