Chapter 32: #PikonTalo

3.1K 98 0
                                    


♥Sa love: ang PIKON. Laging TALO. Pero sasaya ka rin... don't worry.♥

YUAN'S POV

Pumayag ako kay papa sa alok niya. Pumayag din naman sila Fino at Jicu. Sa next saturday na ang first practice namin.

Kasama ko ang magpinsan sa Varsity basketball practice nila. Pinagmamasdan ko si Fino. Parang bumalik ang energy nya sa pagbabasketball. Si Jicu naman gumagaling lalo, natututukan kasi ni coach.

" AHHHH! "

Nagulat ako ng marinig ko ang sigaw ni TK. Nadulas siya. Dali-dali namang nagsilapitan ang mga teammates nila. Napaupo siya. Halatang nasaktan. Ako naman nagpipilit na di tumawa xD

" Bro okay ka lang? " sabi ng isang teammate nila.

" Uh.... shit ang sakit.... " reklamo niya.

" Alves... kaya mo pa ba? " si Coach.

" Uh.... o-opo.... Uh... Angelico... patulong naman ako.... "

Teka? Ano daw???

" Uh oh sige... " si Jicu. Nilahad ni Jicu ang kamay niya. Kinuha naman to ni TK..

" uh... ang sakit talaga... tulungan mo ko tumayo... "

Aba. Ayos to ah.... abuso... to namang isa manhid!

Tinayo ni Jicu si TK. Kumapit naman si TK kay Jicu na parang sakit na sakit nga.. si Jicu naman hinahayaan lang! Si Fino naman nagkakamot ng ulo. Yung mga teammates nagbubulungan na.

" Okay! Serafino! Bantayan mo muna si Alves. Tutal you played fine... "

" Ako po? " tanong ni Fino.

" Yung pinsan mo... " tanong ni Coach.

" Yes coach... " sagot ni Jicu...

Naupo sila sa harapan. Pinagmamasdan ko sila. Umalis saglit si Jicu. Tumingin naman sakin si TK na parang nambubuwisit!

May araw ka rin sakin Terrence...

Maya-maya bumalik si Jicu na may dala-dalang mineral water. Inabot nya kay TK yun.

Tumingin na naman si TK sakin. Urgggh! Gusto ko na siyang sugurin! Tangina... teka! Nagseselos ba ko??

" Thanks bro... " sabi niya sabay akbay...

Putangina..!!!

Kinuha ko yung gamit ko at nagdiretso nalang sa students council room.. mahanap nga si Jasper!

" Yuan! " narinig kong sigaw ni Jicu.

" Angelico. Hayaan mo na.! Baka me pupuntahan e. " rinig kong sabi ni TK.

Basta ang alam ko nalang naglalakad ako palayo sa gym. Nakarating din ako sa room nila Jasper.

Sumilip ako sa salamin ng pintuan ng students council room.

Teka... akala ko ba meeting ginagawa nila? Nagchichismisan lang naman sila ah!! Kumatok ako. Napatingin naman sila sakin.

" Hey... Yuan.. pasok! " sabi ng president namin. Tumabi naman ako sa kanila ni Jasper.

" Oh... kala ko ba may meeting kayo? " ako.

" Hinihintay namin si Ma'am... tagal e.! Syangapala napunta ka rito? Diba kasama mo ang magpinsan? " si Jasper.

Ang Childhood Friend Ko 2: An Angel's Promise [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon