Chapter 17: #MrMysterious

3.3K 123 23
                                    


♥Mysteries add spice to a great story♥

YUAN'S POV

Hay... impyerno ang araw-araw ko. 5 days a week katabi ko ang Class Demon.... namangha nga sila e. Kasi nakatagal daw akong katabi niya.

Hanggang isang araw sa Homeroom class namin...

" Class... may ibibigay akong assignment sa inyo... "

Syempre. Natural na sa estudyante na magreklamo pag assignment.

" Class... dahil 4th year na kayo I want you to make good memories with your classmates.... especially with your seatmate. "

Nagkatinginan kami ni Fino. Parang yung tingin na what-the-F*** look.

" Yuan and Fino!  May problema ba? " paninita samin ni Ninong.

" None sir! " sabi ko. Tiningnan naman niya ko na may halong paninisi.

" Ok! As I was saying... I'll give you an assignment. Yung goal is to find 5 things that you don't know about your seatmate... "

Andaming nagreact. Yung iba positive reaction yung iba (kasama na ko don) hindi maganda.

Pinass na samin ni Sir ang mga papel. Kumuha kami isa-isa.

Binasa ko yung papel. Eto yung nakasulat.

-----------------------

NAME:

SECTION:

NAME OF SEATMATE

5 THINGS I DON'T KNOW ABOUT MY SEATMATE

1.

2.

3.

4.

5.

---------------------

Dali-dali namang nilukot ni Fino yung papel niya sabay shoot sa bag ng kaklase ko. Nahuli naman siya ni Sir.

" Fino! Nakita ko yun.... dahil mabait ako sige bibigyan pa kita ng isa pa.. pag nilukot mo uli yan. Alam mo na... " sabi ni Sir sabay nguso sa direksyon ng Principal's office.


" Yes Sir... " sabi niya na parang napagalitang tuta.


" Ok! Sige write your name and your seatmate's name... " utos ni Sir. Sinulat ko na yung name ko. Naiwan ko yung space para sa pangalan ni Fino... ilang linggo ko na siya katabi pero hanggang ngayon Fino lang ang alam ko na pangalan niya...

" Someday class you'll thank me for this... " sabi ni Ninong/Sir (whatever)

" Fino... uh.. ano pala complete name mo? " tanong ko. Napabusangot siya.

" Anak ng tokwa naman.... ilang linggo na tayo magseatmate di mo pa rin alam ang pangalan ng poging to! " sabi niya.

" Tsk! Yabang....dali na! Ano ba pangalan mo? "

Nilahad niya yung I.D niya... titingnan ko sana pero....

*KRIIIIIINNNNNNNG!*

" Ok! Time na Sebastian! Saka mo na silipin I.D ko! " sabi ni Fino sabay hablot ng I.D niya.

" Pamysterious pa e.! " reklamo ko. Tiningnan niya ko ng masama.

" Pasalamat ka nagpapakabait ako ngayon! Kunde.... alam mo na.. " banta niya.

Ang Childhood Friend Ko 2: An Angel's Promise [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon