Chapter 45: #TheirSong

3.1K 100 4
                                    


♥What's the trigger?♥


+Here in my room, thinking about you and me+

YUAN'S POV

Dumadalas na yung pagsakit ng ulo ni Jicu. One time nung nakisleepover ako sa kanila nakakita ako ng notebook na maliit...

Binasa ko to. Parang memory journal to. Dun niya sinusulat lahat ng mga flashbacks na nakikita niya pag sinusumpong.  Halos lahat ng mga memories namin andoon. Maliban sa isa...

Nandoon yung first na nagmeet kami, si Yuji, lahat.... maliban don sa kanta namin...

Masaya ako kasi finally maaalala na niya... kahit pala sa simpleng ginagawa ko naibabalik ko na memories niya...

Malapit na rin ang final exams namin... konti nalang! Gagraduate narin kami sa high school!

Nagrereview kami ngayon sa bahay. Asa kwarto kami... delikado sa sala at baka kung ano na naman gawin ng kambal kay Jicu.

" Okay! Eto tanong ko Jicu.... ano ang difference ng need at want? " tanong ko. Nangalumbaba siya... nag-iisip

" Yuu-ko NEED kita.... kaya I WANT your sweet yes... "  napangiti ako... tae talaga to! Sinisingit kakornihan kahit sa pagrereview.

*PAK!*


Hinampas ko siya ng notebook. Natawa naman siya.

"  Angelico Serafino kaw ah... saka na sweet talk.. review muna tayo...  " saway ko. Inakap nya ko sa waist..

" Eii.... kunyari naiinis daw.. kinilig ka kaya Yuu-ko. " sabi niya sabay patong ng baba sa shoulder ko.

" Jicu talaga... hoy! Magrereview pa tayo... " 

" Sagutin mo muna ako... " atat talaga to..

" Sagutin mo muna questions ko... "  hamon ko.

" Sige pag nasagot ko lahat yan tayo na ha! "  sabi niya sabay kalas sa pagkakaakap sakin.

" Sige... ano ang hierarchy of needs ni Maslow? " tanong ko. Madali lang to! Nag-isip siya...

"  Hmmm... sirit! " sabi niya... hay to talaga... di kasi nagrereview e..

" To notebook ko... kaw naman Jicu.. sa isang araw na yung exams. " saway ko.

" Sorry na po... " sabi niya na parang napagalitang tuta. Syempre concerned ako. Gusto ko gagaraduate kami ng sabay na may honors! Kaya naman namin e.

Nagreview kami. Nagtanungan kami. Nagegets na namin ang mga nirereview... sarap magreview pag kasama mo mahal mo.... nakakainspire.. nakakagana..

JICU'S POV

12:30 na pala! Di namin namalayan ang oras. Kaya pala medyo inaantok na kami e.

" Yuu-ko. Tulog na tayo... late na e... " niligpit ko na mga gamit namin.... siya naman naupo sa may piano nila.

"  Jicu... wait lang... tutugtog muna ako.. namiss ko to e. " tumabi ako sa kanya at inakap siya sa may bewang niya... ambango niya talaga. Amoy baby...

" Jicu... pakinggan mo to ha.... "

Tumugtog na siya... napakapamilyar nitong kantang to...kumanta na si Yuan...

" Late at night when all the world is sleeping

I stay up and think of you

Ang Childhood Friend Ko 2: An Angel's Promise [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon