Chapter 54.1: #Worries

2.4K 87 8
                                    


*Bilang treat sa inyo dear readers... bibigyan ko kayo ng 3 part special ng trip nila Jicu sa Baguio :-) stay tuned!

♥Tell him what's wrong♥

JICU'S POV

Asa bus station na kami. Hinatid kami nila Tito Kenken, Kuya Tonio at ng kambal.

" Angelico ha! Alagaan mo ang bebe boy namin! " paalala na naman ni Tito Kenken..

Napatingin ako ke Yuan. Di na sya nagreact sa " Bebe boy " na tawag sa kanya ni Tito. Eh dati rati nagagalit sya pag tinatawag syang ganun...

May problema nga talaga...

Hanggang sa makasakay na kami medyo malamlam parin si Yuu-ko.

Nagsimula na ang byahe... nakatingin lang si Yuan sa bintana...

" Yuu-ko.... " dinutdot ko ang tagiliran niya... iniwas niya lang...

" Yuu-ko... "

" Jicu.... wag makulit.. mahilo ka nyan... " sabi niya sabay akap sa backpack nya..

Ano kayang nangyayari kay Yuan?

Kanina pa sya ganto. Sa kotse di nya ko pinapansin, nung bumibili kami ng baon wala siyang imik. As if hangin lang kausap ko... nagkaganto lang naman sya after ng pag-uusap ni Mama.

Pag-uwi nga namin kakausapin ko si Mama...

" Jicu... " biglang nagsalita si Yuan

" Oh Yuu-ko? "

Siniksik niya ang kamay niya sa kamay ko.. hinawakan nya iyon... syempre kinilig ako... :-)

" Jicu... sorry kung wala akong imik masyado ha... may iniisip lang. Love you... "

" Ano ba kasi iniisip mo? " tanong ko. Umiwas sya ng tingin..

" Ikaw. " simple nyang sagot.

" Ako nga lang ba? " biro ko.

Pinisil niya ang kamay ko...

" Oo... Magdamag kaw lang iniisip ko Jicu ko... " humiga sya sa balikat ko... hinalikan ko ang noo niya.

May bumabagabag nga sa mahal ko... ano kaya yun? Pag-uwi naman ni Fino kagabi wala naman syang nabanggit sakin. Sabi niya lang na kinailangan na umuwi ni Yuan kaya nagmadali syang umuwi kahapon...

Pero I think otherwise... may hindi pa ko nalalaman...

YUAN'S POV

Sa wakas nakikita na namin yung pine trees.. malapit na kami sa Baguio...

Tulog na tulog tong katabi ko... throughout this trip hawak hawak lang nya kamay ko...

If only I can hold these hands forever...

" Kung totoong mahal mo ang anak ko sigurado ako pipiliin mo ang mas nakakabuti sa kanya... "

Kailangan ko isipin ang mas makakabuti.... bahala na.... Habang andito pa to susulitin ko...

" Love you Jicu..." biglang bigkas ko... di ako magsisinungaling.. totoo to...

Ilang saglit pa....

" Oh mga bababa po ng Baguio magready na po! " sigaw ng conductor...

Ginising ko si Jicu...

" Jicu... baby. Dito na tayo... gising na.. "

Niyuyugyog ko ang mga kamay niya. Aba ang lalim ng tulog nito ah!

Ang Childhood Friend Ko 2: An Angel's Promise [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon