𝑃𝑟𝑜𝑙𝑜𝑔𝑢𝑒:

250 9 1
                                    

LIZZY POV

I walked inside and was no longer surprise by the noise it was. Loud music, eye painful lights, Everyone dancing to the sound like you'll lose your senses, each Carrying their own wine and each has their partners.

They said students are not allowed here but I don't think so. I came here not to have fun, kundi, ay susunduin ko lang naman pauwi ang baliw kong kailangan. 

Nadapo agad ang tingin ko sa babaeng naka light blue dress at may kainuman siyang lalaki. Dahil sa labis na pag aalala ko sa kanya agad ko itong nilapitan. Sabog na ito, at namumula na ang mukha niya. nagwawalwal sya dito sa loob ng bar matapos siyang maging heartbroken dahil sa babaero niyang boyfriend.

Agad ko syang hinila at naghahanda na sana akong iuwi siya ng biglang may nagpigil sakin.
Siya yung Manong na kainuman niya.

"Hindi mo siya pwedeng pauwiin. Alam mo ba kong gaano siya nag-eenjoy sakin?"

Napataas kilay ako dito, problema ng taong ito? Lasing na siya kaya naman hindi ko nalang ito pinansin.

"Gusto ko ng matulog"
Ani sakin ni Bien, kahit kailan talaga sakit sa ulo ang babaeng ito...agad ko siyang I-sandal sakin para naman maiuwi ko na siya.

"Hoy bastos ka ahh!! sinabi ko nang huwag mo siyang dadalhin nakikita mo bang nag-eenjoy siya sakin?"

Bigla akong nakaramdam ng kaba Sa inasal nito. Sino kaya mas bastos sa amin ngayon? Halata namang May binabalak siya sa kaibigan ko buti at napaagap ako kundi kung ano na ang nangyari sa babaeng ito.

Nahinto ang ibang taong nagsasayawan at nag-e-enjoy at napatingin ang mga ito sa kinaroroonan namin.

"Kaibigan ko po siya kaya naman, Iuuwi ko na po siya.

Anang ko dito at kumulo bigla ang dugo ko sa lalaking ito. Ang kapal niya ah siya pang May ganang magalit sakin.
Nagulat ako nung nainis ito sakin at akmang sasampalin na niya sana ako ng may isang lalaking bigla ng sumulpot sa tabi ko and bigla niyang sinipa yung lalaki sa ibabang parte nito.

"W-walang H-hiya ka!!

Napaluhod ito sa subrang lakas ng pagsipa ng lalaking bigla nalang sumulpot sa harap namin.

Dahil sa nangyari sa amin nagkagulo na sa loob ng bar.
Maraming lalaki ang nagsilapit sa kinaroroonan niya at tumulong doon sa bastos na lalaki na kasama ng kaibigan ko. Animo'y isa silang grupo ng gang at rinig ko pa ang pagtawag sa kanya ng mga lalaki ng boss.
Nagsi atrasan ang mga tao na nagkakasaya at pinanood nalang nila kami.

"WAHHH!!

Sigaw ko ng biglang may hahampas na sana ng upuan sa kinaroroonan ko.

Ngunit bigla itong sinipa ng lalaking naka suot ng Itim na T-shirt at naka leather jacket with a cool pendant sa kuwentas niya.

He look at me, and stared at me as if he was ready to save me from this bad people.

Yay, ang galing ko mag English bwahahaha..
Actually pasensya na kasi nag-aaral talaga ako ng English para naman mas lalong bibilib sakin yung mga teacher.
Napaatras ako habang inaalalayan si Bien. When he suddenly winked at me.

LUH?!

This time hindi ko alam kong prince charming ko siya and knight in shining armor.

Pagkakatiwalaan ko ba ang taong nagligtas sa buhay ko o hindi?  Para kasing may Something din itong si kuyang pogi.

Ang hirap talaga mag-isip..

"ANG ANGAS NIYA!

Yun lang nasabi ko at binugbog pa niya ang lalaking Hahampas sana sakin ng upuan. Akala ko katapusan ko na nang sandaling ito..

𝗖𝗛𝗔𝗦𝗘𝗗 𝗕𝗬 𝗔 𝗚𝗔𝗡𝗚𝗦𝗧𝗘𝗥 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon