CHAPTER 41

28 1 0
                                    


LIZZY POV

Kinaladkad nanaman niya ako at sinakay kay Dino (yung motorsiklo)
Umiiyak lang ako sa tuwing nakikita ko parin yung mga nakabulagtang lalaki.
Mamamatay tao ang kasama ko ngayon.

Nasa bahay na ako ngayon.. at ito kasama si na Bien at Aisa na kanina pa nagchichikahan sa kung ano ang nangyari sakin kahapon. Ayukong sabihing May bumastos sakin sa loob ng bar habang pinapanood lang ako ng taong nagdala sakin doon. Ayukong sabihing kinidnap ako tapos nakakita ako ng multo at tumambad sakin yung mga patay na tao.
Baka pag isipan nila akong nababaliw na dahil sa Rami ng mga nangyari sakin kahapon... Sino naman kaya maniniwala sakin kundi si Tyron hayssttt..

"HAHA, Mukhang stress ka talaga sa lalabs mo NUH?" Natatawang sabi ni Aisa.

"Si Tyron? Naku, ehh ayaw na Atang Pakawalan si Lizzy"
Sagot ni Bien

"I don't know but I really don't like that Tyron Cy"
Napatingin kami sa direksyon ni Aisa sa May dulo ng kama ko nakaupo.

"Bakit naman?"
Taka ni Bien

"Hmmm it's because mukhang pinapasakit niya lang ang ulo ng kaibigan natin" tama siya yun nga Ginagawa sakin ng Tyron nayon.
Lumapit sakin si Aisa at umakbay ito.

"Hindi maganda pakiramdam ko sa lalaking yan Lizzy, You must avoid that man baka sa susunod baka ano pa ang mangyari sayo"
Bulong nito sakin na ikinabigla ko saka ko siya tinitigan ng mabuti at nakita kong ngumiti siya.

Nanlaki ang mata ko ng biglang dinikit ni Bien ang tenga niya samin.

"Kayo Lang ba dyan magbulungan ahh?? Hindi niyo ba ako pwede isama??"
Binatukan nanaman siya ni Aisa napabuntong hininga nalang ako sa kanila.

Hindi ako sure pero parang kailangan ko nga talaga e pursue yung plano ko and this time ako na mismo ang lalayo sa kanya total hindi naman siya tumitigil sakin so ako nalang kahit hindi ko magawang layuan siya dahil kahit saang lupalop ako makarating andun siya.

Ano kaya ang nangyari sa mga namatay?
Makukulong kaya si Tyron? Paano kong makulong rin ako? Diba ako yung cause ng trouble nayun? Kasalanan ko ang lahat sinabe sakin ni Tyron na prinotektahan niya lang ako kaya niya yun ginawa. Ng dahil sakin namatay silang lahat..

Kahit ilang beses kong pagplanuhan ang lahat balewala parin yun kase pum'tay si Tyron ng napakaraming tao ng dahil lang sa ayaw niya akong bitawan. Ano pa kaya ang mangyayari kong Hihiwalayan ko siya diba? Sino susunod niyang p'p'tayin? Baka sa susunod totoong pasl'ngin niya nga ako. Paano siya mawawala? Sa paanong paraan kong gagawin na bumitaw na siya sakin? Kung patuloy niyang gagawin ang mga bagay na ito, Malamang mamatay ako dahil sa konsensya o kundi naman dahil sa karma..

Gusto ko ng fairy tales love story ng walang p'p'tayang nagaganap...

________

CAFETERIA

Nasa harap ko ngayon si Tyron at mukhang hindi niya talaga ako titigilan sa kakatitig sakin.

"Nakikita kong maganda ang panaginip mo?!
Sabi niya tama siya hindi ako binangungot kagabi pero sa tingin ko binabangungot ako ngayon dahil kaharap ko siya.

Hinawakan niya ang mukha ko.

"Alam ko ang iniisip mo"
Napatingin ako sa kanya..Magaling siya mambasa ng expression ng tao at ang mga iniisip nito. Kailanman hindi ko maitatanggi na matagal niya ng alam lahat ng mga binabalak at mga plano ko sa kanya.

"Let's Forget about last night"
Sa tingin niya ba madali lang kalimutan ang bagay nayun?

"Hindi kaba nagsisisi?" Huminto siya sa pagsubo ng pagkain.

"YEAHH"
tipid niyang sabi.

"Bakit ko kailangang magsisi eh pinagtangol ko lang naman ang taong mahal ko"
Sabi niya..

"Anong kinalaman ng pagkamatay ng kapatid mo sakin?" Nabigla siya sa tanong ko. I feel like yung multo ng bata actually parang hindi siya multo nanggaling lang yun sa utak ko..

May Trauma ako sa ganung klaseng lugar at hindi ko alam kong paano ako nagkaroon ng ganong klaseng trauma.

"Tsk, Wala" medyo nakita kong naiinis siya sakin.

"Wala? Pero bakit niya ako binabagabag? Lagi ko siyang napanaginipan?" Umiiyak kong sabi sa kanya.

"Those people killed my little sister and u will be their next target. I just want to protect you..

Napayuko ako sa sinabi niya.. hindi ko alam eh umiyak lang ako sa harap niya.

"Why don't you trust me? Do I really need to explain these things to you ng paulit ulit?
Hindi ko pinagsisisihan kong ano mang ang mga nagawa ko. I'm not the one who kills someone who's innocent"

"So ok lang sayo ang pumatay?" Bulyaw ko at medyo nakita kong namumula narin yung mata niya galit sakin.

"Wala ka talagang tiwala sakin?
Lizzy Girlfriend kita natutuwa akong naging akin Kana pero galit ako kasi gusto mo sakin kumawala....

Natahimik ako sa kanya.

"Iisipin mo parin ba ang tungkol sa mga taong yun? Do you think makukulong ako? Haha, Lizzy magpapasalamat pa sakin ang mga pulis.

Pinaglalaban ko ang nararamdaman ko sayo kahit pumatay pa ako tapos iisipin mo lang sakin ay kung pano mo ako aalisin sa buhay mo?

Ang babaeng handa kong isakripisyo ang lahat maging mamatay man ako ay isa lang ang tingin sakin kundi isang halimaw sa harap niya.
Hindi ko alam kong tama bang nagmahal ako sa taong katulad mo!!"
Galit niyang sabi sakin sabay alis.

Dahil doon sa sinabi niya hindi ko na alam kong ano ang paniniwalaan ko May mga bagay ako na nasa isip ko pero hindi ko kayang sabihin sa kanya. Tapos ngayon umalis siya matapos niyang sabihin na ang mga lalaking kumidnap sakin ay yun ang pumatay sa kapatid niya at pinoprotektahan niya lang ako. Nagsasabi ba talaga siya ng totoo? O sadyang pinapaikot niya lang ako?...

O sadyang hindi ko lang talaga matanggap na ang taong yun mahal na mahal niya ako kahit anong gawin ko. Pumunas ako ng luha ko ngayon ay galit siya sakin. Anong gagawin ko???

𝗖𝗛𝗔𝗦𝗘𝗗 𝗕𝗬 𝗔 𝗚𝗔𝗡𝗚𝗦𝗧𝗘𝗥 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon