CHAPTER 39

25 1 0
                                    


LIZZY POV

Mabilis akong tumakbo palabas ng bar, tama bang iwan ako dito ni Tyron? Gusto niya ba akong mamatay sa loob dahil sa manyak na taong yun?

"AHHH!!
sigaw ko ng biglang may sumulpot na mga lalaki sa harap ko.

"TYRON'S GIRLFRIEND RIGHT?"
Ani nito na may nakakabwesit na ngiti.

"O- h-hindi!! Nag-aalangan kong sagot
Kaya naman tumawa sila.

"Alam ko na ang dahilan kong bakit pinabayaan ka na niya ngayon!!
Ani nila saka tumawa.

Pinagsasabi nila?

"Pinaubaya ka na niya samin miss, Ganda!!
Bigla akong naiyak sa sinabi ng lalaki.

"Hindi yan totoo!!
Sigaw ko at hindi na talaga mapigil ang pag iyak.

"Oh?? Hahaha!!

"Mahal ako nun, Sabi niya babalikan niya ako!! Sigaw ko sa kanila at nagmadaling tumakbo para makatakas sa kanila ng humarang ulit sakin yung lalaking manyak sa loob ng bar.

"I told you, hindi ka na niya babalikan!!
Sabi nito at tinulak ko siya pero hindi ko kinaya kaya naman nagpupumiglas nalang ako habang mahigpit niyang hawak mga kamay ko at sasabayan pa sana niya ng mga halik.

Tyron, Asan Kana???

May biglang nagtakip ng panyo sa bibig ko at nahilo ako bigla sa subrang lakas ng amoy nito, sandali unti unting pinipilit ko ang mata ko.

Ayukong matulog

Tulungan mo ako Tyron.....

𝗠𝗔𝗞𝗔𝗟𝗜𝗣𝗔𝗦 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗥𝗔𝗦

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. At bumungad sakin ang isang daga. Gusto ko na sanang sumigaw dahil natatakot ako sa daga pero May nakabara sa bibig ko at hindi lumalabas ang salitang sinasabi ko.
Nakatali ang dalawang kamay ko sa likod ko at hirap akong makatayo.

Lumang masikip na lugar, napapalibutan ng insekto at mga nakakadiring hayop sa kapaligiran. Naka stock na mga gamit at mga sirang ari-arian. Takot ako sa masisikip at ganitong klaseng lugar May trauma ako sa mga ganitong lugar bakit nila ako nilagay dito? Tumulo nanaman ang luha ko.

Tumingin ako sa paligid at nakita kong nakasira ang pinto. Anong kasalanan ko sa mga taong yun? Asan si Tyron??

"Lizzy?"
Napatingin ako sa gulat ng makarinig ng boses ng isang bata at subrang Lamig ng tunog nito. May tao ba dito? Hindi parin ako paawat sa paghahanap kong saan nanggaling ang boses nayon. Tinatawag niya ako ngunit paano niya nalaman ang pangalan ko?

"Lizzy?

Sino ka? Yan ang gusto kong itanong ngunit hindi ko magawa biglang nagsitayuan ang balahibo ko at nakahiga parin dahil sa mga nakataling Paa ko.

*Blaggggsshh*

Nagulat ako ng May nahulog na gamit sa tabi ko dahil sa daga. Natatakot na ako sa lugar na'to palabasin niyo na ako..

"Hahaha, Lizzy?!!

Sino ba ang batang tumatawag sakin na para bang binu-bulungan niya ako kahit wala naman akong nakikitang kasama ko dahil sa masikip na lugar na'to.
Nanlaki ang mata ko ng May nakita akong gumalaw sa harap ko na malaking Aparador at subra akong natakot ng May isang batang sunog ang kaliwang mukha at puno ng dugong nakaharap sakin ngayon.

"Ikaw si Lizzy hindi ba? Haha" nagsitayuan ang balahibo ko May multo sa lugar na'to minumulto ako ng isang batang babae.. Nakakatakot ang mukha niya gusto ko ng mahimatay bago niya pa ako malapitan ngayon napapikit ako para hindi ko na siya makita..

Pero hindi ko parin mapigilan mapa ka creepy ng mukha niya at tumatawa siya sakin at doon ko nakita nama'y dala siyang manika.
Nakangiti siyang nakakatakot na para bang gusto niya ako patayin at pilit akong napaatras nang dahan-dahan itong gumagapang sa harap ko.

Lumayo ka sakin....
Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong. Nanginginig na ang buong katawan ko.

"Lizzy, ako si Tintin haha ako si Tintin ako si Tintin ako si Tintin"
paulit ulit niyang banggit sa pangalan niya at halos sumigaw na ako ng umikot yung ulo niya at tumingin ng nakakatakot sakin.

Papatayin ako ng multong ito..

LUMAYOOOO KA SAKINNNN!!!

..............….....................................................

EXP:
𝙆𝙪𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙛𝙚𝙚𝙡 𝙣𝙞𝙮𝙤 𝙣𝙖𝙢𝙖𝙮 𝙝𝙖𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙠𝙖𝙩𝙖𝙠𝙤𝙩 𝙞𝙩𝙤, 𝙥𝙬𝙚𝙨 𝙢𝙖𝙩𝙖𝙠𝙤𝙩 𝙣𝙖 𝙠𝙖𝙮𝙤 hahaha..

~~~~~~~

𝗖𝗛𝗔𝗦𝗘𝗗 𝗕𝗬 𝗔 𝗚𝗔𝗡𝗚𝗦𝗧𝗘𝗥 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon