CHAPTER 38

21 1 0
                                    

LIZZY POV

Napuno ng alak ang baso niya, problema ng taong ito?

"Tama na yan Tyron!
Awat ko sa kanya pero inalis niya ang kamay ko.

"Tyron ano bang problema mo? Sabihin mo sakin! Sabi ko at tumawa siya.

"Sabihin mo sakin, Kailangan ko ba talaga itong gawin?" Napatingin ako sa subrang gulat sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Haha, Tatanungin lang kita kong masaya ka bang na sa harap mo ako?"
Napaupo ako sa tabi nya anong pinagsasabi ng taong ito?

"Ah, O-oo naman, B-bakit h-hindi diba?"
Nauutal kong sabi sa kanya yun ay nakakagulat lang talaga mga sinasabi niya ngayon sakin kaya hindi ko alam kung ano isasagot ko napaka moody naman kasi nito ehh.

"Liar"
Natahimik nalang ako sa sinabi niya.
Bigla siyang tumayo at Akmang aalis na ng pigilan ko siya.

"Saan ka pupunta?" Taranta kong tanong dito hindi siya humarap sakin.

"I need to go"
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Iiwan niya ako dito? Teka dapat niya ako samahan hindi niya ako pwedeng iwan dito anong nangyayari sa taong ito?

"Sasama ako!!

"No, dito kalang"

"P-pero b-bakit? Ihatid m-muna ako sa Bahay pwede ba bago ka umalis?" Humarap siya sakin at ngumiti habang ayuko talaga magpaiwan dito natatakot ako.

"Huwag kang tanga haha, babalik rin naman agad ako May kailangan lang akong gawin" pinaupo niya ako sa couch. Halos maiyak iyak na ako sa sama ng loob sa kanya lakas ng loob niya dalhin ako dito tapos iiwan niya... Astig ahh, nakakainis yung taong yun. Babalik pa ba yun? May kasalanan ba ako sa kanya? Baka kasalanan ko nga kaya siya umalis. Wala na akong kasama ngayon sana bumalik agad siya.

10 MINUTES LATER

Kanina pa akong nakaupo at hindi na talaga ako mapakali gusto ko na umuwi pero baka Maslalo yung magalit sakin pag bumalik siya na wala na ako.

"Hi, Miss mukhang May inaantay ka ata?" Napaatras ako ng upo ng May isang lalaki yung lumapit sakin.

"Kanina pa kita tinitigan, Ang ganda mo naman" Bigla akong nainis dito dahil sa paghawak niya ng kamay ko at siyempre hindi ko hinayaang mahawakan niya ako. Nasan na si Tyron? Natatakot na ako dito eh, gusto ko ng umalis dito.

Agad kong kinuha yung phone ko para tawagan si Tyron and then buti nalang sinagot niya.

"T-Tyron asan kana bumalik Kana dito"
Kabado at naiiyak kong tanong.

"Sorry hindi muna ako makakabalik dyan  May emergency kasi mag ingat ka"
Natigil ako at hindi makapaniwala na binabaan niya ako ng tawag. Emergency??

"Huwag mo nang hintayin yun Miss hindi nayun babalik ako nalang, sakin ka nalang"
Dagdag pa nito at parang May binabalak ng masama sakin.

Hindi ako maka-paniwalang iniwan niya ako dito.

"Miss, easy kalang huwag kang matakot Alam ko kung paano mawawala ang takot mo sumama kalang sakin"

"Bastos ka!! Sabi ko na ikinainis naman nito. Napatayo ako sa lalaking ito Aalis na ako.

"Miss dahan dahan ka naman sa pananalita mo, gusto mo bang tikman kita ahh??" Kailangan ko na talaga makaalis dito.

SOMEBODY POV

Humarap ako sa lalaking na nakasandal sa tabi at May pinapanood.

"Hahayaan mo lang sya? Papanuorin mo lang ang nangyayari sa kanya?

Nakasandal siya sa tabi at sumisilip. Ang totoo hindi siya umalis. Nakita kong gaano siya binabagabag ng mga nasa isip niya at pinapakita iyon ng malungkot niyang mga mata.

"Bakit mo ginagawa yan?" Ngumisi siya.

"Haha, hindi mo ba nakikitang nag eenjoy ako sa nangyayari sa kanya?" Napabuntong hininga nalang ako.

"Kailangan kaniya"

"It's my plan dude" walang reaction mukha niya habang tinitingnan lang yung babaeng dala niya kanina.

"Kawawang babae, U know what haha ikaw rin magsisisi sa huli"

"That's not going to happen"
Napabuntong hininga nalang ako pagkatapos ko siyang ewan.

~~~~~

𝗖𝗛𝗔𝗦𝗘𝗗 𝗕𝗬 𝗔 𝗚𝗔𝗡𝗚𝗦𝗧𝗘𝗥 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon