CHAPTER 59

29 3 2
                                    


LIZZY POV

Hindi ko maintindihan ang lahat sabay ng matinding buhos ng mga luha ko ay ang walang tigil na pagpakalma ko sa sarili ko... naninikip yung dibdib ko na para bang hindi na ako makahinga pa.

Huminto ako ng sandaling May tumigil na taxi sa harap ko... medyo pamilyar nito sakin pero hindi ko maala kong kailan ako nakasakay sa taxi na ito.

Napatayo ako at hindi rin nagtagal ay sumilip sa labas ng bintana ng taxi yung driver nito.

"OYYY! Miss sakay na!
Ganun na lang ang pagkamangha ko ng makita ko si Manong..

Hindi ko inaasahan makikita at maalala ko pa si Manong driver na siyang sinakyan ko ng hinabol ako ni Tyron.

Grabe naman medyo namiss ko siya hehehe

Ngumiti ito sakin ewan at naingganyo akong sumakay.

"Kamusta Kana ija? Bakit ka umiiyak?"
Tanong nito.

tskk... hanggang ngayon shismoso parin ito

"Niluko ako Manong!
Bulalas ko at hindi ko na talaga mapigil ang pag-iyak ko. Kaya naman nagulat ito sa lakas ng paghikbi ko at yung garalgal na boses ko.

"Sino?"
Halatang gusto niya talaga malaman ang lahat...chismoso talaga!

"Wala manong chismoso ka po"

Tumawa siya kaya naman napaismid nalang ako.

"Hayssttt oo na nagtatanong lang ako..o siya saan ko ito ihihinto?"

Napaisip ako kahit wala naman talaga akong naiisip.

"Hmm sa kanto nalang po!
Nanlaki yung mata niya.
At tinignan ang mukha ko sa salamin na nasa harap niya.

"Pulubi ka ba ah?"

"Ho? Hindi po"
Sagot ko sa kanya...ako pulubi? Tsk Kahit mukha akong basura hindi naman ako pulubi....Angshakit namannnn!!

"Ehh, bakit hindi mo sinasabi sakin yung lugar mo?!

Naalala ko nga yun... hindi ko pala sinabi noon kong saan niya ako ibaba.
Hay naku siguro dahil narin yun sa matinding pagkataranta ko.

Pero ngayon ganun ganun din naman ayaw kong umuwi at gusto ko muna mapag-isip isip.

"Kamusta ka naman? Ginugulo ka parin ba ng lalaking yun?"
Nagulat ako sa tanong nito kaya naman agad akong napatingin sa kanya... naaalala niya pa pala iyon.

Ang tagal na noon ahh... naalala niya pa pala!

"Ahmmm...ok namn na po ako!
Walang gana kong sagot.

"Yung gangster malungkot ka ba dahil sa kanya?"

LUH paano niya nalaman na andito pa si Tyron at gumugulo sakin?

"Haha...alam mo sa tingin ko hindi nagkakamali ang puso! Natatawa nitong saad sakin.

"Pinagsasabi mo kuya?"

Tumawa siya sa bay iling.

"Pag ang lalaki May gusto sa isang babae hindi siya tumitigil na gawin ang lahat para sa mahal niya.
Napayuko ako sa sinabi niya.

Nagkakamali siya..

"Pero hindi niya po ako mahal!
Malungkot at naiiyak nanaman ako.

"Asus haha....matagal narin ang panahon na unang beses kang nakita ng taong yun at ako lang ata nauna naka-witness nun..hahaha gusto ko lang sabihin na masyado narin matagal ang araw nayun para sakin at ngayon lang ulit tayo nagkita.
Sa tingin mo ba kung hindi ko naabutan na andyan pa ulit siya sayo hindi ako naniniwalang wala siyang pakialam at hindi ka niya mahal.

𝗖𝗛𝗔𝗦𝗘𝗗 𝗕𝗬 𝗔 𝗚𝗔𝗡𝗚𝗦𝗧𝗘𝗥 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon