CHAPTER 02

15.2K 451 43
                                    

CHAPTER 02

"Usog." pag uutos nito. Kinakabahan siyang umusog ng higa. Halos sakto lamang ang kanyang higaan para sa isang tao paano pa kaya kapag tumabi pa ito sa kanya. Malaking bulas rin ang kanyang kuya OJ.

Humiga ito sa kanyang tabi. "Usog ka pa. Ang sikip." reklamo nito kaya umusog pa siya kahit na siksik na siya sa gilid ng higaan.

Parang wala lamang rito na tabi silang matutulog dahil ipinikit nito ang mga mata. Gamit nito ang magkapatong nitong kamay bilang unan kaya kitang kita niya ang kili-kili nito, ang side view ng mukha nito kung saan malaya niyang napagmamasdan ang may katamtamang haba nitong pilik mata, ang makapal nitong kilay na madalas ay naka-kunot, ang matangos nitong ilong, at ang bahagyang nakaawang na bibig.

Nakatagilid siya ng higa. Hindi niya maiwasang mamangha sa kagwapuhan nito. Hawig na hawig ito sa kanilang papa ang ipinagkaiba lamang ay ang pagtrato ng dalawa sa kanya. Mahal na mahal siya ng kanyang papa na halos lahat ng gusto niya ay ibigay nito samantalang ang kanyang kuya OJ naman ay mahilig siyang pagsungitan.

"Huwag mo akong titigan." usal nito habang nakapikit parin.

Namula ang kanyang pisngi sa hiya. Tumihaya siya ng higa upang hindi maakit na muling titigan ang gwapo nitong mukha.

"Salamat nga pala sa pag sagot mo sa assignment ko kanina. Tama ang lahat ng sagot." anito.

"Walang anuman, kuya OJ." tugon niya.

Ramdam niya parin ang eratikong pag tibok ng kanyang puso. Tinatambol iyon ng malakas. Kinakabahan siya, nagagalak, masaya. Hindi na niya alam kung ano ba ang nararamdaman niya dahil halo-halong emosyon ang gumugulo sa kanya ngayong magkatabi silang mahiga ng kanyang kuya OJ.

"Pero bayad na ako sa iyo. Ako nagbayad ng kinain mo kanina." dagdag pa nito.

Gusto nya na lamang mapa-iling. Kahit kailan talaga ay ayaw nitong magpakumbaba sa kanya.

"Ikaw pa rin ba magbabayad ng kakainin ko bukas, kuya OJ?" lakas loob niyang tanong. Gusto pa niyang pahabain ang kanilang walang ka buhay-buhay na usapan. Mas gusto niya iyon kesa sa hindi sila nagkikibuan. Ayos na pabalang ito kung tumugon. Ang mahalaga para sa kanya ay pinapansin siya nito, na kinikilala nito ang kanyang presensya.

"Hindi mo ako nobyo para gawin iyon." sagot nito na nagpatahimik sa kanya hindi dahil nasaktan siya, kundi sa gulat. Hindi pumasok sa kanyang isip ang ideyang iyon.

"Hindi ko naman iyon-"

"Wag ka nang magdahilan pa. Ikaw magbabayad nang kakainin mo bukas." pag putol nito sa kanya. "Mas marami ka pa ngang allowance kesa sa akin eh."

Muli siyang natahimik. Sa kanyang pagkakatanda ay parehas lamang sila ng allowance kada linggo. Pwera na lamang kapag sabado dahil binibigyan siya ng kanyang papa ng pangliwaliw niya kasama ang kanyang mga kaibigan. Pero alam rin niyang palihim rin itong binibigyan ng kanyang mama.

"May nanliligaw na ba sa iyo?" tanong nito kalaunan na nagpalaki sa kanyang mata. Akmang sasagot na sana siya ng "wala" nang magsalita na naman ito. "Tanggihan mo. Kung gusto niyang manligaw humarap muna siya sa akin para maturuan ko ng leksyon." galit nitong ani.

"Kuya OJ!" pag saway niya rito. Sobrang diin ng mga salita nito at parang nagbabanta. Walang may nanliligaw sa kanya at kung meron man, wala pa sa kanyang plano ang magkaroon ng nobyo. Abalang-abala pa siya sa pag aaral at natatakot rin siya sa magiging reaksyon ng kanyang papa at ngayon ay dumagdag pa ang kanyang kuya OJ.

"Matulog ka na." anito at tumahimik.

Pipikit na sana siyang muli nang magsalita na naman ito. "Huwag mo nga palang papaki-alaman iyong box sa loob ng damitan ko. Pribadong gamit ko iyon."

BROTHER'S DESIRES [BXB] [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon