CHAPTER 13

11.5K 373 58
                                    

CHAPTER 13

"Hi," nakangiting bati sa kanya ni Aleksandr na ginantihan niya rin ng simpleng pag ngiti at tango. Habang ang kanyang kuya OJ naman ay bagot lamang siyang tiningnan. Nasa paanan nito ang kanilang alaga na masayang nginangatngat ang tsinelas nito.

"Napadalaw ka?" tanong niya kay Aleksandr nang balingan ito. Umupo siya sa sofa at inilapag sa kanyang tabi ang sling bag.

"I just want to pay you a visit." nakangiti nitong ani, "and in hopes to know you a little bit better."

Nag iwas siya nang tingin dahil nakaramdam siya ng pag iinit sa kanyang pisngi. Hindi niya alam kung manliligaw ba ito o makikipag kaibigan kaya hindi niya alam kung ano ba dapat ang itugon.

Nag itaas niya ang kanyang paningin. Nakita niya ang masamang tingin na ipinupukol ng kanyang kuya OJ kay Aleksandr. Hindi iyon pansin ng huli dahil sa kanya nakatuon ang atensyon nito.

"Thanks?" hindi niya siguradong tugon.

Bahagyang tumawa si Aleksandr. "So, how are you? I already confirmed your friend request by the way." ani Aleksandr.

Natigilan siya. Kinakabahan siyang napatingin sa kanyang kuya OJ at nakita niya na sa kanya na nakatuon ang masama nitong tingin. Nagbabanta ang mga mata nito kaya napakagat labi na lamang siya.

"Ayos lang naman. Ikaw?"

"Well, better now that I saw you." anito na mas napa pula sa kanyang pisngi.

"Bolero." anas ng kanyang kuya OJ kaya napalingon silang dalawa ni Aleksandr dito. Walang ekspresyon sa mukha nito pero nagbabanta ang tingin nito kay Aleksandr.

Ngumiti lamang si Aleksandr sa kanyang kuya OJ. "No, I am not. I'm Aleksandr by the way. Oscar James, right?"

"Prangkahin mo ako. Nililigawan mo ba ang kapatid ko?" seryoso nitong tanong kay Aleksandr.

Asiwa siyang napatawa. "Kuya OJ," pag saway niya rito. Hindi niya kasi gusto na parang nagkakaroon na ng tensyon mula sa dalawang lalaki.

"I am planning to, if he's on the legal age already. You don't have problem with it naman siguro." sagot ni Aleksandr.

Parang siyang sinisilihan sa kanyang upuan. Gusto niyang tumayo at paghiwalayin ang dalawa. Halos hindi na nga niya napag tuonan ng pansin ang rebelasyon ni Aleksandr na may plano itong ligawan siya kapag tumungtong siya sa hustong gulang.

"May problema ako doon." sabat ng kanyang kuya OJ. Wala itong pag kurap na nakatingin kay Aleksandr, naghahamon ang tingin nito.

"But know that it won't stop me." sagot ni Aleksandr pabalik. Kalmado parin ito at parang wala lamang rito ang nagbabagang titig na ipinupukol ng kanyang kuya OJ.

"Hindi kita gusto para sa kapatid ko." anas ng kanyang kuya OJ.

Parang gusto na niyang maglumpasay at pigilan ang dalawa. Bukod sa walang may pumapansin sa kanya, natatakot rin siya na baka bigla na lamang sumugod ang bugnutin niyang kuya OJ.

"Then that's your problem. Malinis ang intensions ko sa kapatid mo and I came here to know him better." sagot ni Aleksandr, nawala narin ang pagiging friendly nito.

"Kuya OJ, Aleksandr." pag tawag niya sa dalawa.

"I'm sorry, Argo. Sana ay hindi ka nabigla. Trust me, I want to be friend with you but your older brother, put me under fire." hinging paumanhin nito sa kanya.

Tutugon na sana siya nang dumating ang kanyang mama na may dalang tray ng merienda. Inilapag iyon ng kanyang mama sa center table. "Mag merienda muna kayong tatlo. Huwag kang mahihiya, Aleksandr ah."

BROTHER'S DESIRES [BXB] [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon