PROLOGO

3.2K 72 11
                                    




PROLOGO

"Argo," napamulat siya mula sa pagkatulog nang marinig na bigkasin ng kanyang kuya OJ ang kanyang pangalan. Sa pag aakalang tinawag siya nito, bumangon siya at sinubukang sumilip sa kinahihigaan nito ngunit dahil sa taas ng higaan nito ay nabigo siyang makita ito. Double deck kasi ang kanilang higaan at ito ang umuukupa sa itaas na parte. "Argo." rinig niya muling pagtawag nito. Mahina lamang at banayad ang boses.

Napakagat siya ng labi. Wala siyang ideya kung bakit siya nito tinatawag pero ayaw niya naman na magalit ito sa kanya kapag hindi siya sumunod sa gusto nito. Huminga siya nang malalim at nilakasan ang loob. Maingat siyang umakyat sa hinihigaan nito. Napalunok siya nang makita na nakahiga ito, hubad-baro at tanging boxers lamang ang suot.

Pagapang siyang lumapit sa mukha nito para tingnan sana kung gising ba ito pero nabigla siya nang umikot ito ng higa dahilan para makabig siya ng braso nito. Napahiga na rin siya habang nakadantay ang braso at binti nito sa kanyang katawan. Halos manigas siya sa kanyang posisyon nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa kanyang pisngi. Napakalapit ng mukha nito sa kanya at isang maling lingon ay maaring magtagpo ang kanilang mga labi.

Nahigit ang kanyang hininga nang lukubin ng realisasyon na nakakulong siya sa tabi nito ngayon. Hindi siya makagalaw dahil sa higpit ng pagkakayakap nito sa kanya at higit na mas malaki ito sa kanya. Natatakot rin siya na baka magising ang kanyang kuya OJ na nasa tabi na siya nito. Ano ang sasabihin at iisipin nito kapag nagkataon? Mabilis nataranta. Gusto niyang gumawa ng paraan na makaalis pero natatakot naman siya.

"Argo, kailangan kita."

Napalingon siya sa pag aakalang gising na ito pero hindi. Nakapikit pa rin ito at sa tagpong iyon ay mas ramdam na niya ang kanilang pagkakalapit. Ga-hibla na lamang ng buhok ang pagitan ng kanilang mga mukha. Malakas na kumalabog ang kanyang dibdib. Naguguluhan siya bakit kinakabahan siya at natutuwa sa kanilang sitwasyon. Bakit siya natutuwa sa ideyang maaring ito ang kanyang maging unang halik?

Mas napadiin ang pagkagat niya sa kanyang labi. Halos mapadaing pa siya sa sakit na naramdaman. Mali iyon. Bakit niya gugustuhing mahalikan ng kanyang nakatatandang kapatid? Oo, hindi niya ikakaila na gwapo ito at matipuno. Ito ang kanyang ideyang lalaki. Para itong hinulma mula sa kanyang panaginip at pantasya pero mali, mali na hangarin niya na mahalikan ang labi nito.

Halos mag blangko ang kanyang isip nang maganap ang kanyang ikinatatakot. Nagmulat ang mga mata nito at binati siya ng pares ng kulay-kape na mga mata. It was the darkest shade of brown. Pakiramdam niya ay nakikita rin nito ang kanyang pagkatao at lahat-lahat ng kanyang itinatagong sikreto. Alam kaya nito na ito ang naglalaro kung minsan sa kanyang mga panaginip?

"Argo?" bumakas sa gwapong mukha nito ang pagtataka. Bago pa man ito magalit sa kanya ay mabilis na siyang tumayo at bumaba sa higaan nito. Narinig pa niya ang pagtawag nito sa kanyang pangalan pero hindi siya lumingon. Humahangos siyang tumakbo palabas ng kanilang kwarto at pababa sa kanilang hagdan. Tumakbo siya nang tumakbo. Sa kanilang sala ay namataan siya ng kanyang papa. Tinawag din siya nito pero hindi niya iyon pinansin.

Hingal siyang tumigil sa kanilang garden na nasa gilid ng kanilang dalawang palapag na bahay. Kinakapos siya ng hininga sa pagtakbo. Napayuko siya at itinukod ang magkabilang kamay sa kanyang mga binti. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili ngunit nahihirapan siyang gawin. Paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isip ang gwapong mukha ng kanyang kuya OJ.

Mula sa gilid ay nakita niya ang kanyang mama Ethan na abala sa pag aayos ng mga pananim nitong bulaklak.

"Ma," pag tawag niya rito.

Lumingon ito sa kanya at nginitian siya. "Oh, Argo, anak. Anong nangyari at parang hinahapo ka?" binalot ito ng pag aalala. Ibinaba nito ang gunting na ginagamit nito sa pag-trim ng mga halaman.

BROTHER'S DESIRES [BXB] [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon