CHAPTER 08

11.5K 362 106
                                    

CHAPTER 08

"Anong gagawin mo diyan sa kumot, kuya OJ?" tanong niya sa kanyang kuya OJ nang kuhain nito mula sa marumi ang ginamit nilang kumot nang mag camping.

"Dami mong tanong." pag susungit nito at lumabas ng kanilang kwarto dala-dala ang dalawang kumot. Ingat na ingat pa ito habang hawak ang mga iyon.

Hindi niya na lamang ito pinagtuonan ng pansin at nagtungo siya sa kanilang paliguan. Medyo nalalagkitan narin kasi siya sa kanyang balat. Hindi rin kasi siya nakapag hugas ng katawan kagabi dahil nga nasa campsite sila.

Tinagalan niya ang paliligo. Na miss kasi niya ang maligamgam na tubig mula sa kanilang shower na may heater. Sinabon niya rin ang bawat parte ng kanyang katawan at ginamit ang paborito niyang shower gel na strawberry ang amoy. Nag shampoo rin siya at conditioner. Matapos ang halos kalahating oras na paliligo, lumabas na siya na tanging tapis sa dibdib ang suot.

Wala ang kanyang kuya OJ kaya malaya siyang nakapag bihis. Nag deodorant at nag lotion narin siya. Bago lumabas ng kanilang kwarto at bumaba sa sala.

Medyo naasiwa parin siya na tumingin sa sofa. Tandang-tanda pa niya kung saan pumwesto ang kanyang mama at papa habang— umiling siya at mariing napa-pikit. Hindi niya maipaliwanag pero parang siya pa ang nahihiya na humarap sa mga ito gayon sila itong nahuli nila ng kanyang kuya OJ sa akto.

Napa ungot na lamang siya at nagtungo sa kanilang hapag pero walang tao roon at mang magtungo siya sa kanilang kusina ay narinig niya ang ugong ng washing machine mula sa kanilang laundry room. Dala ng kuryosidad ay sumilip siya roon at naabutan ang kanyang kuya OJ na naka upo sa kanilang dryer, hinihintay na matapos ang inilagay nito sa washing machine.

Napatingin rin ito sa kanya pero halos salubong na naman ang mga kilay nito. Minsan naniniwala na lamang siya na ipinaglihi ito sa sama ng loob. Hindi niya kilala ang mama nito pero ang alam niya ay na kwentuhan na ito at napaliwanagan sa tunay nitong ina ng kanilang magulang. Syempre hindi na siya nagtatanong kung sino ang tatay. Halos pinagbiyak na bunga lamang ito at ang kanilang papa.

Pero mas hindi siya makapaniwala na nasa laundry room ito. "Pwede naman na si mama na lang ang maglaba ng kumot natin eh." aniya pero mas lalo lamang sumama ang tingin nito sa kanya.

"Alis dito. Ang dami mong opinyon." pagtataboy nito at muli nitong itinuon ang atensyon sa dalawang puting kumot na nagpapaikot-ikot sa loob ng automatic nilang washing machine. Sakto rin na natapos na ang timer.

Agad itong tumayo at kinuha ang kumot. Siya naman ang napakunot ng noo nang makita ito na masinop na sinuri ang kumot. Rinig pa niyang napa-ungot ito sa inis bago nito muling ipinasok sa washing machine ang puting kumot at padabog na isinara ang salaming takip at pinindot muli ang timer.

"Ummm... Tawagin ko na lang si mama, kuya OJ para matulungan ka niya na matanggal ang mantsa kung meron man." presinta niya.

"Puta! Huwag!" inis nitong pigil sa kanya. "Lalabhan ko ba ito sa sarili ko kung gusto ko lang rin namang makita ni mama?" angil nito.

Medyo nahiya siya. "Sorry, kuya OJ."

"Kasalanan mo ito eh." usal pa nito.

Nabigla siya at nagtatakang napatingin sa kanyang kuya OJ. Hindi niya alam kung papaanong siya ang may kasalanan gayong lagi na nga lang siyang nagigising na nasa marumi na ang mga kumot nila. Una ang kumot nito, sunod ang kanya na pinagsaluhan nila gabi bago ang umaga na natagpuan niya na nakahalo na sa marumi nilang mga damit ang puting kumot na ginamit.

"May patabi-tabi ka pa kasing nalalaman." anito at aburidong tumingin sa washing machine.

Medyo natigilan man. Hindi niya parin alam kung bakit siya ang may kasalanan.

BROTHER'S DESIRES [BXB] [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon