Pinikit ko ang mga mata sa tinis ng boses ni Sheeda.

"You shouldn't have gone there! Veronica, ano ba?! You believed what that girl said?! Paano kung may balak pala silang masama sa'yo?! At malala pa na client nila si Jadell! Do you honestly think na tutulungan ka nila?! Ha?!" inis niyang tanong.

Umirap ako kahit pa hindi niya nakikita at sinipa sipa ang can ng sodang nakakalat.

"I don't believe them. I'm just...waiting for a chance to get out," I lied.

I want to at least grab this chance. Ayoko nang mandamay ng iba. I don't want Sheeda to lose her shop too kaya kahit maliit na tsansa ay papatulan ko na.

"Oh my gosh! That's it! I am calling the police!"

Agad kong pinigilan si Sheeda.

"Sa tingin mo ba tutulong sila? Kung makakatulong ang mga pulis na iyan ay sa kanila na ako lumapit pero ilang beses na nila akong tinalikuran. At ngayon sa kanila ka hihingi ng tulong?" paliwanag ko at agad na nakarinig ng pagkadismaya sa kabilang linya.

Napatingin ako sa pinto at nakita si Señorita na palabas.

"Sige na. Don't do anything stupid. Uuwi rin ako," ani ko at ibinaba na ang tawag.

Tinignan ako ni Señorita. "Are you done calling your friend?" Tumango ako at sumenyas siya na pumasok na ulit ako.

Hindi tulad ng elevator kanina ay hagdan ang ginamit namin. Sa likod iyon patungo. Sa dulo ay isang pintong gawa sa metal. Binuksan niya iyon at tumambad sa'min ang isang bridge na gawa rin sa metal. Napapalibutan ito ng halaman. Sa ibaba ay isang garden. Sa gilid ay mataas ding mga gusaling nagtatago sa lugar na ito.

"I seriously do not understand!" iritang sabi ni Señorita sa kawalan. Bigla niya akong nilingon. "Kilala mo ba si Levi?"

Ngumiwi ako at umiling. Levi who?

Pahisterya naman niyang ginulo ang buhok niya. "Then why?! Bakit ka niya papapuntahin sa kwarto niya? Type ka ba niya?" gulong tanong niya sa'kin. "But that's impossible!" agad niyang sagot sa sarili.

Gulo ko siyang tinignan. "Hindi ko siya kilala," tanging nasabi ko lang.

"Exactly!"

I silently snorted. Sandaling katahimikan ang namayani bago nagsimula na naman siyang magsalita ng mga hinuha niya.

Kinunot niya ang noo. "Or baka dahil maganda ka lang? Eh pero maganda rin naman sina Lisa at Kylie. Even our client yesterday? She's smoking hot with her curves pero hindi naman niya pinatawag sa kwarto niya. Ugh!" gulo pa rin niyang sinasabi sa kawalan habang naglalakad kami.

Eh? Akala ko nagseselos siya. Pero...I guess parehas lang kaming nalilito kaya ganyan siya kung maka-react.

Nang makarating sa kabilang dulo ay binuksan niya ang pinto at pinanliitan ako ng mga mata. "Who are you?" mahina at mabagal niyang tanong, hindi binibitawan ang doorknob.

"I don't know a guy like him," mariin kong sagot at agad siyang tumayo ng maayos.

"Hmp! Whatever. I'll know it soon anyway. Dumiretso ka lang." Umirap siya at ginalaw ang buhok.

Akmang pasara na ang pinto nang muli niya iyong binuksan.

"Kapag may narinig ka palang mga bell, umakyat ka sa mas mataas na lugar or better yet, hide. Just get away from those bells," aniya at tuluyan nang sinara ang pinto.

Medyo madilim ang kwarto dahil kulob ito. Namumuo sa ilong ko ang amoy ng mga halaman at nakaramdam ako ng pagkalma. The smell of alcohol, drugs, and sex made me feel sick earlier.

Locker Jones Society Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon