Inayos ko ang buhok ko at ngumiwi sa ginagawang cake ni Sheeda. Bumagsak pa ang isang cherry nang magalaw lang ng kaunti.

"So gaano katagal sa kulungan ang hinayupak na Jadell na 'yun?" tanong niya bago dilaan ang whipped cream sa daliri.

Pinaglaruan ko ang tinidor.

"Wala pang sentence pero base daw sa mga hidden deals niya ay paniguradong matatagalan siya," ani ko.

Tumigil si Sheeda sa ginagawa at pinameywangan ako.

"And how was all that possible again?"
Nagkibit balikat ako. I don't want her to know the trouble that I'm in.

"'Yung seryoso kasi! Alam natin parehas na maraming koneksyon sa pulis ang hayop na iyan kaya paanong nakulong siya?! At matatagalan pa?! Spill the beans, Val!"

Tinitigan ko ang tinidor.

He left after the cops came. Nadaplisan siya ng bala dahil ako ang pinuntirya ni Jadell. Levi tried to shield me from it.

Then he told me to call the cops.

Nagsipasukan na ang mga employee sa room dahil sa putok ng baril at lahat ay binantayan si Jadell. Nahiwalay ako kay Levi since he was injured.

Hindi ko rin alam kung anong nangyari after. Basta ay sinakay sa ambulansiya si Levi at dinala si Jadell ng mga pulis. I was trying to get to Levi pero umiling siya. Pinauwi ako pero may hinuha akong he pulled some strings. I guess he really is...capable.

Out of a sudden, fingers flicked in front of me.

"Huy Val! Ano na?! Ano ba talagang nangyari?!" aniya.

Everything is back to normal now. Ni walang alam si Sheeda that her business was used against me. Binantaan ako ni Jadell that he would bankrupt Sheeda's business. Na gagawin niya ang lahat para maghirap ang kaibigan ko.

Wala sa sariling umiling ako. The bastard knows that Sheeda is my only weakness because I don't have anything to lose. No parents, no known relatives, no other friends, no permanent house, no permanent job. I have nothing except Sheeda who became my sister and only friend. Everything except her was taken away from me kaya't gagawin ko ang lahat just to keep her safe.

"Maybe because there are witnesses at kamuntik pa akong masaktan? Walang lusot ang ginawa niya."

Umirap siya at inilapag ang isang platitong may lamang cake.

"Well that's another thing! Bakit ka niya sasaktan kung mahal ka niya? Grabe! May sayad na talaga siya 'no?! That guy's been admiring you since day one! Or baka stalking pa nga!"

"Love does not always mean rainbows and sunshines," ani ko at umalis na lang. Also, I doubt that it's love. I highly doubt that.

Lumabas ako ng condo ni Sheeda at pumara ng taxi.

Isang lugar lang ang pupuntahan ko sa araw na ito. It's been two days at hindi ko alam kung anong nasa isip niya. I thought he wants me to be his...whatever pero ni hindi siya nagparamdam man lang.

Is it because of the bullet? Was he hurt that badly? Well, kung mamatay man siya ay makakalaya ako. Teka! That's better!

I immediately slap my cheeks. Now I'm wishing that the bullet killed him. Ugh! Nababaliw na ako. I'm not that bad.

Bumuntong hininga ako habang tinitignan ang malaking gate. Medyo hapon na at iba ang itsura nito kumpara sa gabi.

Hindi tulad sa gabi ay parang walang buhay ang lugar. Wala rin ang guard na nagbabantay.

Akmang lalapit na ako nang may magsalita. The voice sounded like a recording.

"Name?!" sigaw ng isang lalaki sa linya.
Nakanganga kong inilibot ang paligid.
"Don't try to find me sweety! Anong pangalan mo?"

Locker Jones Society Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon