"You're insane!"

Padabog ko siyang tinalikuran at nagmamdaling maglakad para makalabas dito.

I knew it! Everything comes with a price at sa hinihiling kong mangyari ay malamang na malaki rin dapat ang kapalit.

Mahahawakan ko na sana ang doorknob nang naramdaman ko ang kamay niya sa palapulsuhan ko. It was warm and tight. Sa lakas niya ay napabalik ako sa harap niya.

"Bitiwan mo ako! You monster!" sigaw ko at pilit na tinanggal ang hawak niya sa'kin.

But he's too strong for me. Ni hindi siya natinag kahit pa pinagtutulakan ko na siya.

"Get off!"

"Little bird, you're inside an illegal den. What do you expect?" mahinang paliwanag niya sa mapaglarong tinig.

Ramdam ko ang inis niya nang kaladkarin niya ako pabalik sa living area at padabog na pinaupo sa sofa. Napasalampak ako at ramdam ko ang sakit sa pwet at palapulsuhan ko.

Masama ko siyang tiningala. Nagpameywang siya at seryoso akong tinignan.

"That stupid pig is not just a client. You need to give me a good price kung gusto mong tulungan kita. In your state, you don't have enough money and you're desperate. You're lucky I have a good offer."

"Anong good sa offer mo?! You jerk! You want me to be...your...whatever! You want me to help you run this illegal den?!" sigaw ko at buntong hininga lang ang isinagot niya. "Hindi na lang!"

"Equal. I need a queen..." simpleng pagtatama niya na ikinangiwi ko.

"I am backing out. Hindi ko na kailangan ng tulong niyo!" sigaw ko at akmang tatayo na nang harangan niya ako at marahang itinulak para mapaupo ulit.

Napasandal ako sa sofa. Itinukod niya ang mga kamay sa magkabila kong gilid at inilapit ang mukha sa akin.

"You have no choice. The deal is done. I just broke our contract with that stupid pig," paliwanag niyang nagpalaki ng mga mata ko.

"What?! You made this deal on your own! Ni hindi mo man lang sinabi muna sa'kin that that was your contract with him. You play dirty!"

So that was it! Kaya hindi siya nagsasalita kanina. He was taking advantage of me while my mind is preoccupied with the fire and his eyes! Madaya siya!

He laughed evily.

"Veronica Adelyn Lancheco. This is an illegal den. We don't pray here. We do stuff you can hardly imagine." Pinagkrus niya ang mga braso. The veins in his forearms became evident.

Lumayo siya at muling pinagkrus ang mga braso sa harapan ko. Damn it! Napaimbestigahan na niya ako?!

"Look, I'm getting bored at nagsasawa na ako sa mga mukha ng tauhan ko. Consider this a great opportunity. You don't have to pay a hefty price, you just have to be...beside me," he languidly said and I hissed.

"Like I care! Mas gugustuhin ko pang ibayad ang lahat ng pera ko kaysa sa tumabi sa'yo!"

He looked at me like I'm sort of a joke. Na para bang hindi sya naniniwalang aayawan ko siya. This mad man!

"You can't even buy yourself decent clothes but you are willing to give me all your money? Magkano? One hundred pesos? And you do care. In less than four hours, I believe kakailanganin mo nang kitain ang tangang iyon. He would never take no for an answer and with just one word from him, you lose everything."

Nagpantig ang tainga ko sa narinig. Sinilip ko ang relo niya at tama nga siya. It's already ten twenty six in the morning! And he's right, wala nga akong magagawa dahil tapos na ang panugit na ibinigay ni Jadell para magdesisyon ako.

Locker Jones Society Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon