Remember!
This story is imagination of author. The names, character, events, places, or anything else is IMAGINATION!
PLAGIARISM IS THE CRIME
READ AT YOUR OWN RISK
Ang aking pangarap, pwede na kayang matupad?
Pwede ko na kayang maiahon ang aking magulang sa kahirapan?
Ito na kaya ang tanging paraan upang ako ay makapagtapos ng pag-aaral?
Paano kung magustuhan ko siya? Pwede kayang maging kami?
Paano kung makikita ko nalang na may kasama siyang iba, ano ang mangyayari?
Yuri P.O.V
MALAKAS NA PALAKPAKAN ang aking narinig mula sa mga taong pinapanood ako na tumutula, at nagsasalita sa taas ng stage.
Malawak ang naging sanhi ng aking ngiti sa bawat nakikita ko. Hindi ko mawari ang saya na naidudulot nila habang ako ay narito, inaalay ang aking tula para sa buong mamamayan.
Bago bumaba ng stage. Yumuko muna ako sa kanila at muling napangiti.
"Salamat sa ating manlalarong Journalist lalo na ang sikat na si Yuri Sevillena mula pa sa eskwelahan nang Del - Valley!"
"Salamat po," masayang sagot ko at muling napayuko. Bumaling ang tingin ko kay Ma'am Cindy na nakatingin rin sa akin na sinamahan pa nang malawak na ngiti. "Ma'am."
" Great job! You did it well!" patiling wika ni Ma'am Cindy sa akin kaya natawa nalang ako.
Nagsimulang na ring umalis ang mga manonood dahil tapos na ang kontes na ito. Kailangan pa nilang pag-botohan kung sino ang mananalo sa aming manlalaro.
Kinuha ko ang aking bag at isinukbit sa aking balikat. Nagsimula na rin akong maglakad patungong labas ng eskuwelahan na kung saan ginanap ang National Journalist Day.
Hindi ko na hinintay pa si Ma'am Cindy dahil alam kong kakausapin niya pa ang mga tao na iboto ako. Gustuhin ko man na sumama ngunit wala na akong oras para roon. Tinawagan ako ni Mama kanina lamang bago ako umakyat sa stage. Kailangan nila ako lalo na nasa hospital ang kapatid ko.
Malakas na buntong-hininga ang aking pinakawalan nang maramdaman ko ang aking dibdib na nagsisimulang sumikip. Hindi ko pa rin maisip na mangyayari ito sa kapatid ko. Mayroon siyang cancer.
Kung sakali man na manalo ako sa kontes na ito. Tiyak kong ipambabayad ko lang ito nang bill sa hospital.
Napayuko ako nang maramdaman ko ang pagtulo nang aking mga luha mula sa aking mga mata.
"Yuri!" Napahinto ako sa paglalakad ng sigawan ako ni Chelsea. Isa rin itong Journalist na galing sa ibang eskwelahan.
Mabilis ang aking ginawa na pagpunas sa aking luha bago siya lingunin.
"B-bakit?" tanong ko kay Chelsea. Huminto muna ito nang makalapit sa akin.
" Kain tayo sa labas," pag-aaya niya.
"Hindi na. Mayroon pa akong gagawin. Siguro next time nalang," mahinang sagot ko.
Kung kakain pa ako tiyak kong papagalitan ako ni Mama dahil late ako na dumating doon. Mayroon pa namang mamaya kaya, kaya ko naman tiisin ito.
Kitang-kita ko ang pag-nguso ni Chelsea na sinabayan pa nang pag-iling. Ito kasi ang unang beses na umayaw ako sa gusto niya na kumain sa labas para na rin sa celebrate.

BINABASA MO ANG
The Last Tears
Novela JuvenilSimple lamang ang buhay ng labing anim na taong gulang na si Yuri Sevillena, isang matalino, mabait, mapagmahal, maalaga, maganda, simple, at hinahangaan ng lahat. Nang mamatay ang kanyang kapatid, ang kanyang buhay ay nagbago. Kailangan niyang m...