Narrator..
Pababa na ng bus si Elaine at biglang nakita muli niya ang isang babaeng nakatitig sa isang poster.
Elaine's Pov.
Teka, parang pamilyar si ate? Pero bago iyon, poproblemahin ko muna ang direksyon ko papunta kina tita. Nasaan ba ako?
Uhmm..ayoko nang magtanong, nakakakaba naman at ang bilis nang paglalakad ng mga tao dito. Ganito ba talaga dito?
Lalapitan ko kaya uli yung babae? Teka, ito yung babae sa Bus na bumaba kanina? Paano siya napunta dito?
Narrator..
Naglakad si Elaine mula sa kanyang kinatatayuan patungo sa babae na kanina pa nakatayo sa harap ng poster.
Mitch's Pov.
Saan kaya ang eskwelahan na ito?
Enrollment na raw sa makalawa at bumaba na ang tuiton fee nila. Malapit sa Manila Capitol....Philippine Normal University... Mukhang maganda dito ahh kaso nga lang ay iisipin ko muna kung umaayon na si Jake sa kagustuhan kong makapag-aral muli.Elaine's Pov.
Miss, hello, ako nga pala yung kanina sa bus. Natatandaan kita nagmamadali ka pa nga pababa. Pwede uli ako magtanong? (Sa isip ko: paano kaya siya napunta dito? Ee, una siyang bumaba saakin?)
Narrator
Tinignan lang ni Mitch si Elaine habang nagsasalita at hindi ito umiimik na para bang nabigla sa isang dyosa na tao na nasa harapan niya.Elaine's pov.
Huyyy!! Miss, miss? Okay ka lang ba? (Nako, pipi ata siya? O nagulat saakin?)
Sorry miss aaaahhh, kailangan ko lang kase malaman kung sasakay ba ako ng tricycle o maglalakad nalang patungo sa address na ito? (Ipinakita ang text ng tita niya)Narrator
Hindi parin umiimik si Mitch, patuloy niya parin tinititigan si Elaine lalo na sa kanyang mga mata.
Elaine's Pov.
Hala! Si ate, wala mang imik. Maglalakad nalang ako at iiwanan nalang kaya sya? Baka baguhan din siya dito sa syudad na ito? Ayy! Ewan.
Narrator
Nagpatuloy na nga sa paglalakad si Elaine at tuluyang iniwan si ate girl na nakatitig parin sa kanya.
Elaine's Pov.
Ano ba iyan, naliligaw na ata ako?
(ring....ring...ring..)Elaine: Hello po tita? Nandito na po ako sa may UP school. Ngunit hindi ko lang ho makita yung eksaktong bahay ninyo? Sa likod ho ba ng eskwelahang ito? Kanan po ba?
Tita Nancy: Oo anak sige lumiko ka sa may kanan makikita mo maraming boarding house diyan tapos may tindahan na nagbebenta ng mga miryenda pasok ka sa kanto na iyon at makikita mo yung unang bahay 25th street. Lalabas ako.
Elaine: Si..sige po tita naglalakad na ho ako pasensya na ho at ginabi na ho dahil hindi ko ho alam ang lugar na ito.
Narrator
At patuloy na sa paglalakad si Elaine hanggang sa makarating na siya sa bahay ng kanyang tita Nancy.
Tita Nancy's Pov.
Naku! anak ang dami mong dala! Buti at nakarating ka na.. Tamang tama at nakapagluto na si Tito Eddie mo ng hapunan natin, kumusta byahe mo? (Habang papasok sila at tinulungan si Elaine na bitbitin ang mga bagahe nito)
Elaine's Pov.
Hayyyy nakuuu tita.. Kanina ho ay di ko na alam kung saan ako pupunta? Kinabahan po ako, akala ko ho ay mapapabalik na ho ako sa Pampanga. 😂
BINABASA MO ANG
MATA
General FictionGenre: fiction and non- fiction, romanticism, supernatural, violence, philosophies-religion and educational. Ito ay isang kuwento ng mga karanasan ng isang kolehiyala sa kanyang mundong ninais niyang galawan at mga iilang pangyayari na binuo lamang...