Isang umaga sa may tindahan ng UP School

13 0 0
                                    

Narrator

     Maagang nagising si Elaine upang tulungan ang kanyang tita sa paglilinis ng kanilang bahay. Bumaba ito at nakita nag kanyang Tita Nancy na nagluluto ng kanyang ipinamalengkeng gulay.

Elaine's Pov.

    Magandang umaga po tita, ang aga po ninyong namalengke. Saan po si tito?

Tita Nancy Pov.

     Magandang umaga naman anak, nandoon sa may atik natin pinalinis ko ito upang ang iyong mga ibang gamit ay mailagay mo doon para hindi masikip sa kwarto mo anak sa biyernes pa kase ang uwi ng Kuya Jay mo ehh.

Elaine's Pov.

   Hala! Tita, dapat ho akona po ang naglinis doon nakakahiya po kay Tito.

   Tita Nancy's Pov.

     Iha, ayos lang iyon at sanay naman ang tiyuhin mo sa paglilinis ng mga kwarto at mamaya niyan ay maghahalaman naman sa may likod. Wala ka bang lakad ngayon anak? Alam ko bukas na ang UP para sa mga bagong estudyante na nais mag-aral sa semestre na ito.

Elaine's Pov.

    Mamaya pong alas-nuwebe Tita, tulungan ko po muna kayo sa pagluluto po.
....
Sa may labas naman.....tao po! tao po! tao po!

Narrator

   Lumabas si Tita Nancy nang marinig niya ang isang babaeng tumatawag.

   Tita Nancy's Pov.

      Ano po iyon?

Mitch's Pov.

     Dito po ba nakatira si Jay? Ako po si Mitch, kaklase niya po ako noong hayskul po kami Tita at ngayon ay magkaibigan parin po kami kasama po ng mga ktrabaho po niya.

Tita Nancy's Pov.

     Halika anak, pumasok ka muna, siya nga pala wala ngayon si Jay. Biyernes pa ang uwi niya iha. May kailangan ka ba sa kanya?

Mitch's Pov.

   Ayyy..hindi na ho ako papasok tita. Nais ko lang ho sana sya makausap tungkol kay Jake kasama po niya sa trabaho. Tinatawagan ko po sila ngunit hindi sila sumasagot.

Tita Nancy's Pov.

  Ganun ba anak. Alam ko ay nagpalit ng numero si Jay..teka, eto ibibigay ko saiyo. 0975....890

Mitch's Pov.

    Maraming salamat po tita, babalik nalang po ako tita, pasabi nalang po kay Jay dumalaw po ako.

Narrator
  Nang makaalis na si Mitch, nakasilip pala si Elaine sa may bintana at bakas sa mukha niya ang pagtataka sa babaeng nakausap ng kanyang tita.

Elaine's Pov.

   Sino po iyon tita? Mukhang pamilyar po siya saakin. Hindi ko lang po matandaan kung saan ko po siya nakita. Di bale na po tita, maliligo na ho ako tita. Naigisa ko na ho pala tita yung gulay po, pahinaan nalang po yung apoy po, salamat po tita.

Narrator

   At naligo na nga si Elaine, ilang saglit lang ay palabas na ito ng bahay. At dali daling nagpaalam sa kanyang tiyahin.

Elaine's Pov.

     Alis na ho ako tita. Babalik din ho agad ako tita!

Narrator
  
    Habang naglalakad si Elaine sa may daan patungong eskwelahan nakita niya ang isang babaeng naka upo sa isang silong ng isang malaking puno na may tindahan sa tabi.
    Ang babae ay may katandaan na ngunut hindi bakas sakanya ang kanyang edad na kwarenta anyos na. Ang babae ay may hawak na baraha at mayroong dala dalang mga iba't ibang kulay na bag.

Elaine's Pov.

     Excuse me po ale, maari po ba akong tumabi rito? May nakaupo po ba sa upuan na ito?

Jau's Pov.

   Wala iha, ayos lang.

Elaine's Pov.

     Salamat po.

Jau's Pov.

    Iha, ang ganda ng aura mo. Ikaw ay mayroong kulay na berde na aura. Luntian ang puso, masiyahin at may sensitivity sa iyong nararamdaman.

Elaine's Pov.

    Ano ho? Aura? Ano ho iyon ale? Luntian? Masiyahin? opo, sensitive po, tama po kayo. Paano niyo po ito nalaman?

Jau's Pov.

    Nakita ko lang saiyong mukha at sa iyong mata. Sige iha, mauna na ako saiyo, eto ang bracelet saiyo na ito, isa ito sa mga koleksyon ko saiyo na lang iha.

Elaine's Pov.

   Teka po ale, ale! Ano po ang pangalan niyo? Para saan po itong bracelet na ito? Teka po....ale!!!!
   Hala! Ang bilis naman maglakad ni ate girl..nagmamadali ata siya.. Nakakapagtaka naman bakit kaya niya ako binigyan ng bracelet? Ang weird ng mga tao dito hah! 😂

MATATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon