Elaine's Pov.
Magandang hapon po tito. Nakabalik na ho ba si Tita Nancy?
Tito Eddie's Pov.
Hindi pa anak, mahaba raw ang pila ngayon sa may Center. Marami ang naghihingi raw ng gamot para sa mga bata at sumabay na rin daw yung mga libreng nagpapatuli operation nila.
Elaine's Pov.
Okay po tito, pasok na ho ako.Narrator
Umakyat si Elaine sa kanyang kwarto at saglit muna itong humiga. Habang siya'y nakahiga kinuha niya ang isa sa paborito nitong aklat at nagsimula na itong magbasa.
(1 message received)
Nang biglang may nagtext sa kanya at dali dali nitong kinuha ang kanyang cellphone at binasa ang mensahe mula sa di pamilyar na numero.
Message: Iha, free ka ba bukas? Maari ba tayong magkita sa may quezon ave. Malapit sa Will Tower, mayroon doon sa right side ng isang kapehan na ang pangalang ay "Kapehan ng Malayang Diwa." Mga alas-otso ng umaga. See you.--Jau
Elaine's Talking mind.
Jau? Sino tong Jau na 'to at bakit alam niya ang numero ko? (Sobrang nagtaka)
Jau? Teka..teka... (Inaanalisa ang mga nakilala sa mga nakaraang araw at kanina lang) hindi kaya ito ang ale kanina na naglalaho nalang (at napatawa ng kaunti si Elaine) nakikipagkita? Saakin? Quezon ave.? Saan yun? nakuuu..di man lang niya alam baguhan ako dito. Hala! Pupunta ba ako? Nakakakaba...Tita Nancy's Pov.
Elaine!!!!! Iha, Elaine...kakain na anak. Bumaba ka na riyan..Elaine....
(Biglang bumalik sa sarili si Elaine at ibinaba ang cellphone at aklat na hawak nito)
Sa hapag kainan....
Tita Nancy's Pov.
Anak, kamusta naman ang pagpapasa mo ng requirements paper sa UP school?
Elaine's Pov.
Maayos naman po tita, nakapag bayad narin ho ako ng half of my tuition tita ngunit kailangan ko pa pong ipasa yung isa pang hinihingi nila yung good moral certificate ko raw po tita.
Tito Eddie's Pov.
Aba iha! Itawag mo nalang iyon kay mama mo sa Pampanga, ipasabay mo na kay Kuya Jay mo yung papel na iyong kailangan kung sa kali ehh dadaan din naman siya doon manggaling ito sa Bataan, malapit lang naman ang Bataan sa Pampanga. I-text mo nalang siya anak.
Elaine's Pov.
Oho tito, sige po.
Tita Nancy's Pov.
Siya nga pala anak, papalahanin lang kita sa iyong paglabas labas dito sa Maynila. Lagi ka mag-iingag ahh, iba-iba na ang tao dito. At yung iba ehh, namamantala na sila o kaya'y sindikato na pwede ka nilang salisihan, ingatan mo rin mga gamit mo iha ahh.. Maganda ng nag iingat iha nakuuu...kapag may nangyari saiyo lagot ako kay Ate..kay mama mo...
Elaine's Pov.
Oho tita, ang weird nga po tita ng mga taong nakasalubong ko kanina at yung kahapon din tita.. May isang babae tita, Jau raw ang pangalan nya, binigyan ako ng bracelet. Tapos bigla nalang nawawala. Nag text nga siya sakin tita, nakikipagkita bukas sa may Quezon Ave. Saan po iyon tita?
Tita Nancy's Pov.
Iha, iyan ba ay kilalang kilala mo ba talaga? Magdadalawang araw ka palang dito iha.. Saakin lang ehh, gusto ko lang mag-ingat ka.. Bukas anak lalabas ang tito mo ng maaga at ipapagawa niya yung taxi na ipinaparenta na niya kay Mang Poldo. Pwede ka sumabay sa kanya at magpadaan ka nalang sa pupuntahan mo.
Elaine's Pov.
Pwede ho ba tito?
Tito Eddie's Pov.
Oo naman anak. Sumabay ka na saakin.
BINABASA MO ANG
MATA
General FictionGenre: fiction and non- fiction, romanticism, supernatural, violence, philosophies-religion and educational. Ito ay isang kuwento ng mga karanasan ng isang kolehiyala sa kanyang mundong ninais niyang galawan at mga iilang pangyayari na binuo lamang...