Letter 7

83 12 2
                                    

Dear Yack,


Salamat at di mo na ako binabanatan ng Paasa lines mo. Siguro natauhan ka na, di na ako mafa-fall sa patibong mo.


Naawa na ako sa kaibigan ko, dahil kagay ng ginawa mo sa akin, pinaasa mo din.


Para lang kaming mga damit eh, pagkatapos mo kaming gamitin, tinatapon mo kami. Dun ka na naman sa isa kong kaibigan na halata namang may gustong iba.


Gusto mo talaga ang machallenge ka nu? Ako lang ba ito o lumalaki talaga ang ulo mo, dahil ba maraming nagkagusto sa iyo?


Leche ka, totoo nga ang kasabihan na people change.


O dahil ito sa katropa mo? Ika nga, "Sabihin mo sa akin sino ang kabarkada mo, at sasabihin ko sa iyo kung sino ka."


Nagbago ka talaga, big time. Basta malaman mong may gusto iyong tao sa iyo. Lalapitan mo tapos paasahin, at sa huli iiwan mo sa ere.





Pwes, ibahin mo ko, kahit gaano kita kamahal noon, hinding hindi na ako magpapaloko sa iyo.


Love,

El Jay

xx

Dear YACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon