Last Letter

110 14 2
                                    

Dear Yack,

Ginawa ko ang lahat para iwasan ka.

At hindi ko na namalayan na nung kinausap mo ko, nakatingin na ako deretso sa iyo at hindi na ako nauutal.

"Kaya mo na?" sabi nga ng kaibigan ko. Bigla akong napaisip at napangiti dahil ito na ba ang tinawag nilang, 'naka move on?'

Ito na ba ang huling sulat ko para sa iyo?

Hindi na ba ako mag aaksaya ng luha para sa iyo? Oi, joke lang, hindi talaga kita iniyakan.

Siguro huli na talaga ito, wala na eh.

Tutal may mahal ka na. Congrats pala :)

Akalain mo, ikaw magkaka girlpren? Nice one.

Love is blind nga. Joke lang, mabait ka naman eh. Nadala ka lang sa tropa mo.

Swerte ka sa babae mo.

Pero mas swerte siya sa iyo, nakita ko kasi kung gaano ka ka-loyal sa kaniya. Simula nung nagkagirlpren ka na. Akalain mo iyon, parang naglaho bigla ang mga paasa lines mo.

Oi, iyong mga linya na binibitawan mo noon. Sa kaniya mo na sinasabi nu?

Mahal kasi kita.

Bagay kaya tayo.

Kiss mo muna ako.

At ang huling linya mo, "Ang swerte ko, nakatingin ako sa crush ko ngayon," tapos paglingon ko sa iyo, bigla na lang akong umiwas. Last na iyon ha? Last na talaga iyon.

*punas luha* BUWAHAHA! Joke lang. Seryoso ko kasi.

O, eto, advice lang pre, alagaan mo iyang babae mo, huwag mong pakawalan. Huwag mong lokohin. Kahit first girlfriend mo iyan, huwag mong sabihing try try lang iyan. Seryosohin mo iyang babaeng iyan.

Last na ito ha. Paalam na Yack.

Minahal kita

Love,

El Jay

xx

A/N: O siya nagtatapos na ang ka baliwan ni Otor (choss otor daw)

at. Hindi naman pwede na kay El Jay side lang tayo diba? Dapat din natin malaman ang side ni YACK! so may sequel (kuno) ito entitled, 'FROM YACK.' Nasa works ko

Dear YACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon