Letter 3

157 16 2
                                    

Dear Yack,


Iyon lang ang tangi nating interaction sa buong school year. Kaya siguro, iniidolo lang talaga kita. Wala nang iba.


Alam mo, lumipas ang mga buwan akala ko tapos na. Hindi pa pala. Naging magkaklase kasi tayo, sa susunod na taon.  Nung una wala lang, kasi akala ko tuluyan nang nawala ang pakiramdam ko sa iyo.


Pero bumalik lahat nung nagkatabi tayo sa isang subject. Puro asaran, at biro lang naman ginawa natin. Minsan tinitigan pa tayo ng guro, pero usap lang tayo ng usap.


Alam kong hindi dapat ako nagpadala nun, pero di ko naiwasan sa tuwing, sasabihin mo na "Mahal kasi kita," bumibilis kaagad ang tibok ng puso ko na para bang may nagkakarera na mga kabayo sa loob.


Alam kong biro lang ang lahat, pero ang lakas ng epekto mo sa akin. Oo, bwsit ka. Dahil iyan tuloy, bumalik lahat ng naramdaman ko.


Love,

El Jay


x - x

Dear YACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon