Letter 2

198 17 9
                                    

Dear Yack,

Nagsimula ito sa pagiging fan ko sa iyo, Hanggang sa mas lumalalim. Ang cool mo kasing tingnan, nung una hindi talaga kita kilala eh, pero nung narinig ko ang pangalan mo sa isang babae, na obvious na may gusto sa'yo, napatango ako sa isipan ko.


Magkaiba kasi tayo ng section, kaya hindi kita makausap(Kahit wala talaga akong balak na kausapin ka). Pasulyap-sulyap lang ako sa'yo mula sa malayo. Akala ko nga matatapos ang buong school year ng wala man lang tayong interactions.


Pero, nakakahiya man pero ikaw ang naka notice na baliktad pala iyong pants ko nung PE :'< Gusto ko na ngang kainin ako ng lupa noon. Kaya pala parang hindi ako komportable habang naglalakad. Nakasunod ka lang sa akin nun. Tapos nung malapit na tayo sa paaralan, bigla mong sabi na baliktad pants ko.


Napatakbo ako dahil dun, ang tanga ko kasi. Sa lahat ng mabaliktad, ang pants ko pa!


Akalain mo, iyong pinaka idolize mo na tao nakakita sa iyo na baliktad iyong sinuot mo. Diba nakakahiya? Na parang gusto mong tumalon at kainin ka ng lupa </3 Iyong iyong nararamdaman ko.


Nung gabi, bigla mo kong chinat sa facebook. Pero, tinanong mo lang sa akin ano assignment. Di naman tayo magkaklase. Pero nagpasalamat ako sa iyo dahil sinabi mo sa akin na baliktad, hindi mo ko hinayaang mapahiya.


Pero salamat dahil di mo pinagsabi, iba ka talaga sa kanila. Kaya nga ikaw crush ko eh. <3


Love,

El Jay


x - x

Dear YACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon