Chapter 1: Cinderella.

1.6K 52 23
                                    

Please. Do not expect too much in the story. :))

*****

Kasalukuyan akong nasa labas ng Castle. Walang katao-tao dito dahil nasa loob na ang lahat. Eksaktong alas dyes na ng gabi.

I was wearing my blue gown and my blue shimmering shoe beneath the earth. Marahan kong hinila pataas ang kulay asul kong bestido as I walk on the Red Carpeted Staircase.

Nang marating ang pintuan, magkasabay na binuksan ng dalawang gwardya ang napakataas na pintuan ng palasyo. Huminto ang musika sa loob. Napatungo sa akin ang direksyon ng mata ng mga tao. May mga lalaking napanganga at mga babaeng bumagsak ang panga.

Tumabi sila at binigyan ako ng daan habang ako'y naglalakad sa gitna. Naging Aisle mismo ang iniwang espasyo ng mga tao. May mga matandang nakangiti habang hinahatid ako ng kanilang tingin. May mga babae ring kumunot ang noo habang nakikipag-usap sa kanilang katabi. Alam kung ako ang kanilang paksa. Sa mga mata pa lang nila na pabalik-balik sa direksyon ko, halata na.

Naaninag ko rin sa isang tabi ang tatlong babae na animo'y magkakambal dahil sa hulma ng kanilang mukha na magkapareha. Nasa likod nila ang kanilang madrasta. Nanlilisik ang mga mata nila habang nakatingin sa akin. Awkward kung silay tignan kaya lumihis ako ng tingin.

Pagtingin ko sa harap, bumungad sa aking paningin ang napakagwapong lalaki na nakangiti sa akin habang nakasuot ng itim na maskara. Ningning ang kanyang mga mata habang kurba ang kanyang mga labi. Dahan-dahan naman niyang tinanggal ang nakatabon sa pang-itaas niyang mukha. Pero,

*****

"Cinderellaaaaaaaa!"

Nagising ako nang dumapo sa aking pisngi ang napakabigat na palad ng babaeng nakatayo sa aking tabi. Napasapo ako sa mukha at mabilis na napa-upo mula sa pagkakahiga.

"Tanghali na, bakit tulog ka pa?! Nakalimutan mo na bang may trabaho ka pang dapat asikasuhin?! Napakatamad mo, bwesit ka! Hala, bangon!"

Napatingin ako sa orasan. Alas siete pa ng umaga. Tinignan ko naman ang aking Stepmom pero inirapan niya lang ako.

"O-opo.. L-lalabas na po ako." sagot ko habang sapo ang pisngi kong natamaan. Padabog naman siyang lumabas ng kwarto at malakas na isinara ang seradura. Nagbihis ako sa loob ng kwarto. Humarap ako sa salamin at inaninaw ang aking pisngi.

Kung hindi lang namatay si Mama at 'di nag-ibang asawa si Papa, siguro hindi ako maging katulong sa bahay na ito. Namatay kasi si Mama nang masagasaan siya ng kotse habang namamalengke. Napabaling ako sa Barbie doll na binigay ni Mama sa akin noong araw mismo na namatay siya. Naiiyak na lang ako kapag naiisip ko uli ang mga nangyari sa kanya.

Flashback...

Labin-isang taong gulang pa lang ako. Maaga kaming namalengke ni Mama sa pamilihan ng mga gulay. Ako ang taga-sabi sa susunod na aming bibilhin. Ako rin ang taga-marka sa aming nabili na. Kung ilan, at kung kulang.

Pagkatapos mamili, bitbit niya ang malalaking plastik ng gulay habang sa akin naman ang maliliit at magagaan.

Habang kami'y naglalakad, ginala-gala ko ang aking mata sa paligid hanggang sa aksidenteng naispotan ko ang tindahang may nakasabit na mga laruan.

"Mama.." napalingon siya sa akin na abalang-abala sa pagtingin ng Barbie doll, "Bili tayo, please?" pagmamakaawa ko sa kanya. Ngumiti naman si Mama saka tumingin sa tindera. Hindi ako nagkamali. Binilhan talaga ako ni Mama.

When Cinderella Never Left Her Shoe (COMPLETED) #JustWriteItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon