Chapter 2: The Preparation.

811 38 14
                                    

*****

Maaga akong nagising. Agad akong lumabas ng bahay para pakainin ang mga ibon. Pagkatapos magpakain ay nagwalis ako sa paligid. Linabhan ko naman ang mga sinuot ng mga Steps ko pati na din ang damit na sinuot ko kahapon.

Abala ako sa paglalaba at paglilinis habang abala naman sila sa pagprepara para sa gaganaping Ball mamaya. Todo-arte sila sa harap ng salamin habang naaaninaw ko naman ang sarili sa kaharap kong tubig-panlaba.

"Cinderella? S'an 'yon mga Gown namin? Kung mamantsahan ang mga 'yon, lagot ka sa 'min!" sigaw ni Liza mula sa loob ng bahay. Tumayo naman ako at iniwan ang gawain. Pumasok muna ako sa loob upang ituro sa kanila ang hinahanap nilang bestido.

"Hmmmm," inamoy ni Lita ang Gown, "Very good, Cinderella!" she cheer. Nagsimula naman silang sukatin ang kani-kanilang mga gown, "Oh?! Anong tinitingin-tingin mo diyan? Bumalik ka na sa trabaho mo!" suway ni Lita sa akin nang nalaman niyang nakatayo pa din ako.

Napatingin na din sa akin ang lahat kaya napayuko na lang ako ng ulo habang naglalakad palabas.

"Cinderella?" napahinto ako. Lumingon ako sa likod at nalamang si Ella 'yon tumawag, "Pwede mo ba kaming ipagluto? Please, sister?"

"Step sister!" pagkoreksyon naman ni Lina. Pero hindi siya pinansin ni Ella. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

Pinagluto ko sila. Inutusan din ako ni Madame na plantsahin ang kanyang Gown. Pagkatapos non ay pumunta uli ako ng kusina sa utos na ipagtimpla ko ng Juice si Lita. I was facing the table when I heared madame complained about her black-colored Gown.

"Cinderella? Ano ba naman 'to! Hindi maayos ang pagkakaplantsa! Pati ba naman ngayon, sisirain mo araw ko?!" aktong haharap na ako sa kanya dala-dala ang gawa kong Juice, nagkabanggaan kami.

Natapunan ko siya ng Orange Juice. Nagulat ako sa bilis ng pangyayari. Napatingin ako sa madrasta at nalamang gulat rin siya dahil pati ang itim niyang bestido, nabasa ng Juice. Nanlilisik na mga matang tumingin siya sa akin. Kung kanina'y galit siya, mas galit na galit siya ngayon.

Pabigla niya akong sinabunotan at mas linapit ang mukha ko, sa mukha niya, "Bwesit ka!" she yell infront of my face then she pulled my hair. I was hurt and was stepped back forcely.

Napangiwi ako sa sakit at napa-upo sa sahig, "Bwesit ka, ang tanga-tanga mo, peste!" hinila niya uli 'yon buhok ko kaya bahagya akong napatayong-aso. Nagmimistulang 'sako' ako kung iguguhit ninyo dahil sa paghila ng madrasta.

"A-aray p-po.." impit na pagmamakaawa ko, "S-sorry po.. A-aray..."

"Sorry? Sorry?!" galit na turan niya at mas hinihigpitan ang pagkakakuyom ng buhok. Napatingin ako sa may pintuan ng kusina at naaninag doon ang apat kong mga kapatid. Tuwang-tuwa ang tatlo habang ramdam na ramdam naman ni Ella ang kasalukuyang nangyayari sa akin. Napapangiwi din siya.

Hinila ng Stepmom ko ang aking buhok at marahas na itinayo at iniharap sa bintana, "Nakikita mo ba 'yan ha?!" galit na tanong nito na kinakabahang ikinatango ko, "Magmula ngayon, hindi mo na masisilayan ang lahat ng iyan!" at pabigla niya akong hinila paatras. Napapasigaw ako sa sakit pero tila bingi ang aking madrasta dahil sa galit na bumabalot sa kanyang sarili.

Tinungo niya ang banyo habang dala-dala pa din ako. Sumunod naman ang apat na magkakapatid. The three of them happily cheered to their Mother like they want to see more of me, undergoing death trill. Habang si Ella naman ay hindi nakisali sa kanila.

When Cinderella Never Left Her Shoe (COMPLETED) #JustWriteItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon