Chapter 4: New Day.

600 38 11
                                    

*****

I was awaken by the tiktak sound of the big old aged clock standing beside my bedsheet. Then a sudden, I realized I was in my room this time. I roll over to examine the clock. It says, 6:30 AM. I glare every space inside my room and then flashback rolls inside my head.

Flashback...

GABI. Nagtago ako  sa likod ng punong iyon. At nang papalabas na ang mga tao, tumungo ako sa parking lot upang humanap ng mapagtaguang sasakyan. Aksidente namang natamaan ng aking bisyon ang sasakyang iyon na tansya ko'y pagmamay-ari ito ng aking madrasta at mga kapatid.

Mabilis ang pagsilay ng ngiti sa aking labi. Nabigyan ako ng hint upang makauwi. Lumapit ako sa likod ng sasakyang iyon at maingat na binuksan ang likoran nito saka ako pumasok. Ilang minuto ang dumaan, nakarinig ako ng yabag ng mga paa na papalapit sa aking direksyon.

"Bwesit! Kainis ang babaeng 'yon! Sinira niya ang gabi ko!" dinig kong reklamo ng Babaeng tansya ko ay si Ella. Kasabay rin dito ang panggigigil niya at ang malakas na pagsipa niya sa gulong na nasa likoran.

"Ha-ha-ha, Ella. Nag-assume ka pa na ikaw ang pipiliin ng prinsipe? How dare you!" suway naman ni Liza.

"Shut up!" —Ella.

"Bakit? Masakit ba tanggapin ang katotohanan? Hahaha!" pagsali ni Lina sa usapan sabay tawa na halatang inaasar itong si Ella.

Sumabat naman si Lita, "Oo nga. Saka, isipin mo na lang na tatanggalin na ng prinsipe ang maskara.. Pero may dumating na dalagang mas maganda! Hahahaha!" anito.

Patuloy ang pag-asar ng tatlo sa kanya. Sa boses ni Ella, malalaman mong napuno na siya dahil sa dagdag na pang-iinsulto ng tatlong magkakambal. Naramdaman ko naman ang bahagyang pagyugyog ng sasakyan at ang tonog bunga ng pagsara ng mga pintuan. At ilang segundo lang.. Nagsimula itong umandar.

End of Flashback.

Bumalik ako sa sarili. Iba pala pag magalit si Ella. Nakakatakot. Tumayo naman ako at nagdesisyong maligo ng mas maaga. Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang banyo. Pagkatapos magbihis ay humarap ako sa salamin. Inayos ko ang sarili at sinuklayan ang buhok. Nabaling naman ang aking mga mata sa diamante na nakalagay sa ibabaw ng lamesa, sa tabi ng manika. Kinuha ko iyon at hinulog sa aking bulsa.

Aktong tatalikod na sana ako nang masaksihan ko ang pagdapo sa bintana ng kulay puting kalapati na 'yon. Napatungo ako sa direksyon ng kalapati at nakita ang dala-dala nitong papel na tulad ng kahapon. Nakarolyo ito. Linapitan ko ang hayop na 'yon at kinuha ang sulat saka binuksan.

Dear Cinderella,

Nakita ko na ang babaeng nagpatibok ng aking puso kagabi.. Pero hindi kita nakita, binibini.

xx Prince.

Napatungo sa harapan ang aking mukha at hindi sinadyang maharap sa salamin. Nakita ko sa repleksyon nito ang aking sarili. Nakangiti. Pero nagbago rin at nawala ang mga ngiti na 'yon. Masaya ako dahil nahulog ang loob niya sa akin. Pero ang problema dito ay paano niya malalamang ako ang babaeng iyon? At ang masaklap pa.. Bilang si Ella ang pagpapakilala ko sa kanya. Errrr. Mali. Mali ang nangyari kagabi. Napasabunot ako ng buhok saka napaupo sa higaan.

"At ngayong gabi, walang tao ang dapat mong pagsabihan na ikaw.. Ay si Cinderella."

"At ngayong gabi, walang tao ang dapat mong pagsabihan na ikaw.. Ay si Cinderella."

"At ngayong gabi, walang tao ang dapat mong pagsabihan na ikaw.. Ay si Cinderella."

Para akong baliw dahil sa paulit-ulit na pagrorolyo ng bilin ng engkantada sa akin. Umuulit ito na para bang nasa tabi ko ang babae habang binubulong ang mga iyon ng paulit-ulit sa tenga.

When Cinderella Never Left Her Shoe (COMPLETED) #JustWriteItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon