Chapter 3: The Big Night.

650 41 8
                                    

*****

Manghang mangha ako habang naka-upo sa loob ng kalesa. Nakalabas ng bahagya ang aking ulo habang kami'y lumilipad sa ere. Nakikita ko ang magagandang tanawin sa di-kalayuan mula dito. Natatanaw ko rin ang iba't-ibang uri ng kabahayan. May pang-mayaman, may pang-mahirap. Ang ganda tignan ng mga ilaw na nagsiliwanag ngayong gabi.

Nakadaan kami sa lugar kung saan maraming kabahayan. Wala namang nakapansin sa amin. Pagkatapos, sa kagubatan naman ang aming nadaanan. Matataas ang mga kahoy dito at maaaninag mo rin ang magagandang tanawin dito gamit ang sinag ng buwan.

Napatungo naman ang aking mata sa may harapan. Kahit malayo pa kami ay matatanaw na mula rito ang napakalaking palasyo. Bumalot naman sa paligid ang tunog ng kampana na nagsasabing pumasok na ang lahat upang simulan ang orasyon.

Ilang minuto pa ang paglakbay ng kabayong may mahiwagang pakpak at sungay sa noo. Ilang minuto pa rin akong umupo sa loob ng kalesa habang dumadagundong naman ang aking puso sa loob ng aking dibdib. Kinakabahan.

Nang marating namin ang harap ng napakalaking palasyo, namangha ako sa yaman ng may-ari nito. Ang laki. Dahan-dahan namang bumaba ng patago ang kalesa sa likod ng malaking puno. Napapitlag ako nang may dalawang lalaki ang sumulpot mula sa kung saan at pinagbuksan ako ng pintuan. Inalalayan nila akong makababa hanggang sa naapakan ko na ang lupa.

Nagpaalam sila sa akin habang nakangiti. Humarap naman ako sa palasyo. Dahan-dahan ang aking paglabas mula sa mga malalaking halaman na pinagtaguan ng kalesa. Pumikit muna ako at bumuntong hininga saka naglakad.

"This.. Is.. It.." at nagsimula akong maglakad uli. Ginala ko ang aking paningin sa paligid at nalamang ako na lang ang nasa labas. Nang marating ko ang harap ng hagdan ay napatingin ako sa unang hakbang hanggang sa dulo- sa itaas. Parang panaginip lang itong kasalukuyang nangyayari. Napangiti ako. Para lamang akong nananaginip. Totoong nananaginip.

Marahan kong sinabunot ang aking bestido at hinila pataas upang mas madali ang aking paghakbang. Nang makarating, ngumiti ang dalawang gwardya sa akin at sabay na binuksan ang napakatangkad na pintuan ng palasyo. Pansin kong ang mga ito ay parehas ng suot ng mga lalaking nagtatanong sa bawat kanto ng bahay kahapon.

Nang pihitin ng dalawa ang pinto, bumalot sa loob ang ingay na dahilan para mapahinto ang lahat at mapatungo sa aking direksyon. Huminto ang musika. Marami ang namangha sa nakita at maraming babae ang nanghead-to-toe sa akin. May mga babaeng natuwa sa akin pero kadalasan, nakabusangot habang inaninaw ako ng maigi.

Sinampal ako ng hiya. Napahawak na lang ako sa kwentas at napatingin sa sahig. Bumalik naman ang musika. Binalot ng napakagandang nota ang paligid. Tumabi ang mga tao at binigyan ako ng daan. Dahan-dahan naman akong naglakad doon sa iniwang espasyo ng mga tao- sa Aisle.Ginala ko ang mga mata sa paligid upang hanapin si Prince na siyang pakay kung bakit ako pumunta dito. Aksidente namang napatingin ako sa harap at naaninag sa 'di kalayuan ang isang lalaki na nagakasuot ng magarang damit pang prinsipe habang nakamaskara ng kulay itim.

Nakatingin sa akin ang prinsipe. Binitawan niya ang kamay ng babaeng kasayaw niya at napahakbang ng tatlo upang humarap sa akin. Namangha siya nang makita ako. Napabaling rin ang tingin ko sa babae at nasaksihan ang pag-iba niya ng aura. Mula masaya, hanggang sa naging pamatay ang tingin niya. Sinampal rin ako ng realisasyon. Si Ella ang babaeng iyon. Ang kapatid ko.

Pinanlisikan niya ako ng mata saka inirapan at bumalik doon sa grupo niya. Hinatid ko siya ng tingin. Nakita ko ang tatlong kambal na nagbubulong-bulongan habang pabaling-baling sa akin ang matatalim na titig ng mga ito. Nasa likod naman ng tatlo ang madrasta na nakatutok lang ang mga mata sa akin habang walang karea-reaksiyon na animo'y sa utak ako pinatay.

When Cinderella Never Left Her Shoe (COMPLETED) #JustWriteItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon