001

12 2 0
                                    

Fri. sep. 10

Pag patak ng liway-way...

Bumugad sakin ang mabaho kong hiningaㅡeste ang amoy ng masarap na lutuin.

Amoy liempo~

Pagbangon ayos na sana, kung di lang natapat yung mata ko sa salamin na nakatayo sa harap ko.

Bakas sa mga Mata ko ang pagod na para bang buhat buhat nito ang mundo pati narin yung patong patong na eye bag.

Galing no? Yung eye bags ko may eye bag din

Lumapit ako sa kama para ligpitin ito nang mapansin kong basa ang gilid ng unan.

Nanaman?..di naman siguro ako umihi no?

Masyado nakong malaki at maganda para dyan--

Pagkatapos magligpit tumingin ulit ako sa salamin

"Tsk!" saka hinimas himas ang mga natuyong tila tubig sa mga pisngi

Inayos ko muna ang sarili ko bago kumain. Kasi mahirap na mamaya utosan ako ni mama bumili ng pandesal tapos may shawty na maka salubong.

Imbes na love at first sight, mandiri pa saken eh

Pagbaba tinuro ni mama kung nasan ang almusal ko.

Kadalasan late nako gumising kaya nauuna na sila, si papa maaga yan may trabaho kasi, si mama linis naman agad ang inaatupad. Only child lang ako di na naka habol ang papa

Sa tita ko overprotective kamo.

“offlotion mo magpahid ka na, gabi na”

“mag pajama ka pag lalabas ka!”

“yung tubig mo! Dapat di kana pinapa alalahanan malaki ka na eh”

“matulog kana elle, tignan mo nga yung oras!”

“yan tayo! Pinabayan kita sa gusto mo maglaro, mag selpon, idisiplina mo naman yung oras at sarili mo! Ewan ko sayong bata ka!”

“wag kanang kakain ng mga process food hija”

“oh mainit ka! Magpalit ka don at magpapa check-up tayo, kasi naman kung ano ano pinanggagawa mo!”

Lahat naman ito nakakabuti pero yung iba...sobra na.

Pero! Aaminin ko naman minsan ako ang may kasalanan, gawa ng kulang sa disiplina.

Minsan nakakalimutan ko o lumalabas lang sa kabilang tenga, kaya ending?

Wala, supal-pal lang naman sa bibig aabutin ko. Maliit na bagay heh

Pagkatapos mag almusal, which is by the way palabok na may liempo at pandesal naligo nako at pumunta na sa labasan

Pang third year..

Dalawang buwan pagkatapos ng pasukan.

Naalala ko nga nung first year ako kasama ko si papa mag enroll, pagkatapos ma fill up-an yung form, may pinabasa sakin yung teacher edi binasa ko tapos parang na concious ako sa boses ko saka nahihiya kasi ako sa mga bagong tao kaya nag waver unti sa mga unang stanza ng kwento pero normal naman na hanggang dulo.

Sabi ni teacher maayos daw pero ang kulang ay emosyon.

Kaya ayun tinapon nila ako sa isang classroom na una kong naging pamilya sa panahon ng highschool life days ko.

Doon yung tipong di nagtuturo yung homeroom teacher nyo tapos nakakuha ka pa ng 96 sa English.

What kind of abracadabra shit is that?!

WORTHLESSWhere stories live. Discover now