Chapter 3: The way

130 2 0
                                    


[Aubree POV]

"Kanina ka pa niya hinahanap..."

"Tss. Edi sana naisipan niya ako balikan dito" irita ko sabi

"Inutusan niya ako puntahan ka dito.."

"Bakit di siya kasama? Dahil ba ayaw na niya sa akin? Dahil mahal na niya si Stella? Ganon ba 'yun? Tsk magsama sila!" Inis ko sabi

"...at pagbalik ko sa bahay niyo dapat kasama na kita" dugtong niya

"Maya na tayo umuwi" at tumayo na ako.

"Sabi mo maya na tayo umuwi?" Takang tanong ni Sophie.

"Di tayo uuwi may pupuntahan lang. Ayoko naman magstay dito kung saan nagiistay ang halimaw"

"Bitter ka pa rin" at tsaka kami nagtawanan.

Pumunta kami sa convienence store na medyo malayo na sa Condo ni Stella. Bumili kami ng makakain at pumwesto don sa natitira pang upuan.

"Ano ba nangyari sa inyo?" Pagsisimula ni Sophie.

"Nilalandi kasi siya"

"So hahayaan mo na lang?"

"Bumalik ako para pigilan sila kaso nahuli ako wala na pala si Luke dun" then hinigop ko ang drinks ko.

"Ah kaya pala"

"Ha? Bakit?"

"Sumugod kasi sa bahay at hinahanap ka. Tumawag sa akin si yaya na pumunta sa bahay natin kaya ng makarating hinanap ka sa akin"

"Tss. Nakakainis siya! Bakit di siya sumama sayo?"

"Hahaha sabi ko kasi na ako na ang maghahanap sayo. Baka kasi gusto mo lang magpalamig kaya ako na gumawa"

"Nakakainis ka! Inaantay ko siya na balikan ako at inaantay ko na magsorry siya. Tsk"

"Hahaha pabebe alert!"

"Eh bakit ba? Siya rin naman may kasalanan" sabay subo sa chips na kinakain ko

"Nako. Umuwi na tayo at pag-usapan yan"

"Mamaya konti" tumingin ako sa relo ko 5:00pm na pala so ang haba pala ng iglip ko sa lobby.

Tahimik lang ako habang kumakain. Di ko muna kinausap ulit si Sophie at gayun din siya sa akin. Alam niya kasi na gusto ko mag-isip-isip.

Bakit ba ang manhid pa rin niya?

6:00pm, naisipan ko na umuwi na sa bahay namin. Pero...

"Wala ba si papa at yung kabit niya dun?" Sabay sabi ko kay Sophie.

"Wala. Buti nga wala e kundi yari ako" natatawang sabi niya

"Mas yare ako" malungkot ko sabi

Alam ko nakatingin sa akin si Sophie pero di na niya ako kinausap pa. Alam niya kasi kung gaano kabigat ito.

*--*

"Babe, saan ka ba napadpad ha?" Bungad na sabi sa akin ni Luke.

"Bakit ka pa pumunta dito?"

"I thought you here"

"Alam mo naman di ako babalik sa bahay na to" bigla ko hinatak palabas si Luke sa bahay na ito. Masyadong maraming nangyari sa loob ng bahay at ayoko na maalala ito.

Dinala ko siya sa park. Buti wala masyadong tao dito

"Teka, ano ba problema mo?" pagpigil niya sa akin

"Wala" tanggi ko

"Babe kung nagseselos ka don't worry di ko naman papatulan 'yun."

"Hindi ako nagseselos" mahina ko sabi

He DiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon