Chapter 14:

73 2 0
                                    

Bumalik na sa normal ang lahat, yung tipong palagi na kami sweet ni Luke at wala na ako nararamdaman na kakaiba sa kanya. Naging maayos na din ang pakikitungo ko sa kanya. About kay Stella, di ko na inisip kung may relasyon ba talaga sila o wala. Kasi naging ok naman na kami ni Luke.

Speaking of Stella, everyday ko napapansin sa room namin na palagi siya wala. Panay na ang absent niya. At naiinis ako dahil nawoworied ako sa kanya. Kung ano ba nangyayari sa kanya bakit siya palagi absent at minsan kapag nakikita ko naman siya na naglalakad sa quadrangle. Malalim ang kanyang isip at parang may dinadala na problema.

"Hayaan muna siya" bigla sabi ni Sophie.

Nandito kami sa cafeteria, kumakain habang nagrereview for summative test. Nainis kasi sa amin yung prof kaya ayan may summative kami ngayon.

"Sabagay, di ko rin naman siya bati"

Nung simula na inampon namin si Sophie doon lang ako natauhan sa mga pinaggagawa sa akin ni ate. Yes, ate ko si Stella. But today never na. Naging katuwang ko siya sa lahat ng bagay pero nagbago ang lahat sa amin ni Ate at 'yun ang hindi ko alam.

"Bakit kaya bigla nagalit sa akin si Stella dati?" Bigla ko na lang natanong kay Sophie.

"Envy. Jealous. Anything na wala sa kanya"

"Pero parang may iba pang dahilan"

"Aubree, sa nakikita ko ayun lang ang dahilan kung bakit ang laki ng galit sayo" sabay subo niya sa chocolate.

Bumuntong hininga ako. Bumalik na naman kasi ang sakit. Di talaga nawawala sa isip ko kung bakit o anong dahilan niya kung bakit siya galit na galit sa akin eh nung una maayos naman kami.

Matapos ang review nagsibalikan na kami sa room. As usual, magkatabi kami ni Luke sa upuan. Dahil sa kalandian ng lalake ito nasita kami at bawas pa sa grade. Hanep naman nun. Siguro nagseselos kasi inaagaw ko sa kanya yung Papa niya.

Natatawa ako sa iniisip ko kasi naman halata sa bakla namin prof na may gusto siya dito kay Luke. Nakikita ko naman sa prof ko na kumukunot yung noo pag sweet kami ni Luke. Alam naman ni Luke ang bagay doon kaya naisipan niya pagselosin. Hahaha grabe talaga.

"Ba't ka natatawa?" Bulong sa akin ni Luke.

Kasalukuyan na kami sumasagot ng summative test. Tahimik. Pero bumulong naman tong kumag na ito.

"Wala" ngiti ko sabi

"Baka minamanyak mo na ako sa isip ha" matawa tawa nito sabi bigla ko naman siya pinalo. Napaaray siya kaya't sumigaw ng malakas.

"What's your problem Luke?" Malandi sabi ng prof namin. Sa pandinig ko lang.

"Sir. Ang hirap po kasi ng test na ito. Hindi ko po kaya" at nakita ko na ngumiti ito.

"What are you doing?" taka ko sabi. Kinindatan niya lang ako.

Napatingin naman ako sa prof namin at kumindat ito kay Luke. Aba! May something ito.

"Kaya mo yan Luke. Matalino ka" sabi ng prof namin.

Ngumiti lang si Luke at nagkukunwari na sumasagot sa test. Hindi ko na lang siya pinansin bagkus tinapos ko na lang ang summative test. Matapos ang madugong labanan, nilabas na ang mga score namin. At sa di malaman dahilan ang pinakamataas sa amin ay si Luke. At ako? Ayun kolelat ang abot. Sabunutan ko yung bakla na yun eh. Tama naman ako. Asar.

"Nakakainis yung bakla na 'yun. Nagreview naman ako" sabi ko habang kumakain kami ni Luke dito sa cafeteria.

"Ang lakas kasi ng appeal ko"

"Madaya ka. Akin yung papel na binigay sayo"

"Hindi ha."

"O baka may hinihingi siya kapalit sayo?"

He DiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon