Chapter 24

49 2 0
                                    


Aubree.

"Dito tayo maglaro. Maganda dito." aya sa akin ni James.

Si James, ang kauna-unahang naging kaibigan namin ni ate Stella dito sa subdivision. Bukod kasi sa mabait, masipag at matulungin ay cute din siya. Crush ko nga siya eh kahit na bata pa lang ako. Hihi, ako na po malandi.

"Baka malayo na tayo sa atin" sabi naman ni ate Stella.

"Hindi. Memorize ko naman pauwi. Tara dali" sigaw ni James.

Kahit hingal na hingal na kami ay di pa rin kami tumitigil sa kakatakbo para lang mapuntahan ang lugar na sinasabi niya. Nang makarating na kami sa nais niya puntahan ay namangha ako sa ganda ng puno. Nakakabighani ang puno para ba may mga kumikinang dito sa tuwing tinitingnan mo at patuloy ka hinahatak para hawakan ang puno. Sobrang laki ng puno di katulad ng ibang puno, para bang siya ang kakaiba sa lahat.

"Ang ganda" mangha ko ulit sabi.

"Ito ang palantadaan natin for friendship.. forever.." ngiti sabi ni James. Ngumiti din ako sa ngiti ng labi niya pati sa kanya ay nabibighani at naaakit ako. Mahal ko na nga talaga siya. Hays bata pa me!

"Forever.." mahina ko sabi

"Walang iwanan ha" masigla sabi ni James.

"Walang iwanan..." at niyakap namin ang isa't-isa.
.
.
.

"Aubree.. He died.."

Bigla ako napatulala at nabingi sa pangyayari. Teka! Totoo ba 'to? Hindi maaari. Bakit?

Halos di ako makapagsalita. Nakatingin lang ako sa mata ni tita Mary bakas sa kanya ang kalungkutan maski naman ako malulungkot pag nawala ang taong mahal mo sa buhay. Sobrang sakit. Lalo na naalala ko pa ang mga memories noong bata pa kami.

"Three years ago nung namatay siya. Lumaban siya sa sakit niya. Kitang-kita ko kung paano siya lumalaban para lang mabuhay at masakit sa part ko yun na makita na nahihirapan siya di ko kaya.." biglang pumatak ang luha ni tita kaya naman niyakap ko siya at hinimas-himas ang likod niya.

"Di ko kaya.. then one day nakapagsalita siya ng maayos di ko alam na doon na pala ang huling niyang salita. Nagpapaalam na pala siya sa amin akala ko magiging maayos na siya kasi nakakapagsalita na siya ng maayos but I was wrong. He died..." napahagulgol na si tita.

"So-sorry po tita" sorry dahil wala ako sa tabi niyo at ni James. Humiwalay na kami sa yakap.

"Don't be sorry. Ako dapat ang humingi ng tawad kasi umalis agad kami ng walang paalam sa inyo dapat pala sinabi ko sa inyo ang kalagayan ni James edi sana..." yumuko siya sabay hawak sa kamay ko. "Edi sana di na lumala pa ang sakit niya"

Malungkot man isipin pero kailangan tanggapin na wala na talaga siya, pero kasi ilang taon din kami di nagkikita. Di lang ilang taon kundi maraming taon. Masakit sobra. Lalo na wala ako sa tabi ni James noong lumalaban siya sa sakit.

"Aubree bago siya tuluyang mawala binanggit niya ang pangalan mo" ngiti sabi sa akin ni tita "at may tinuturo siya sa kwarto niya na parang may gusto ipakita sayo"

"Ano po 'yun tita?"

"Hindi na niya nasabi kung ano bagay 'yun bigla na kasi siya pumikit at doon na namin napagtanto na.." hinawakan ko naman ang kamay niya para hindi na niya masabi pa ang kataga iyon.

Alam ko kung gaano kasakit lalo na ang sabihin ang katagang 'yun. Mahirap kasi tanggapin ang katotohanan lalo na pag kasali dito ang mga mahal mo sa buhay.

----

Naglalakad na ako pauwi sa bahay, hinatid kasi ako ni tita Mary sa hindi ko bahay. Oo nagsinungaling ako na kunwari bahay ko ang binabaan namin ayoko kasi malaman ni tita kung saan ako nakatira hindi pa ako handa. Basta ayoko lang.

He DiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon