Chapter 12: Cupcakes

87 4 2
                                    


[AUBREE POV]

Isang linggo na ang lumipas nang mangyari ang insidente na 'yun. Na Nagpakalayo layo ako para makalimot pero umulan ng malakas at napadpad ako kila Tita Mar, laking pasalamat ko sa kanila dahil pinasilong nila ako doon ng kahit ilang oras lang. Pero si Luke, naiwan sa labas hinayaan na matuyuan ng basa at lamigin kaya ayun nagkasakit siya. Pati ako nagkasakit na din, not physically but emotionally yes.

Sa isang linggo na 'yun, naging maayos na kami ni Luke pero minsan nagiging kakaiba siya. Minsan kasi umaalis siya bigla-bigla ng hindi man lang pinapaalam sa akin, ayoko man isipin pero 'yun yung hinala ko na magkasama sila ni Stella.

Sa isang linggo na lumipas, nagpanggap lang ako na walang alam sa ginagawa niya pero kada aalis siya palagi na lang may kirot sa puso ko. Mauulit na naman ba ang nakaraan?

Sana hindi.

Ngayon, ay ang aming baking contest. Nasa room ako at nakaupo lamang habang nakasuot ng chef's jacket, hairnet at apron. Nakatunganga lang habang abala ang iba sa paghahanda nila.

"Aubree. Mag-uumpisa na daw" sabi ng isa ko klasmate. Tumango lang ako at dinukot ang phone sa bulsa ko.

To: Mahal ko

Nasaan ka ba? Mag-uumpisa na ang baking contest.

8am na pero wala pa rin siya. Heto na naman siya. Kinabahan ako lalo ng wala din dito si Stella. Ito na ba 'yun? Wag naman. Hindi pa ako handa.

Pumunta na ako sa kitchen laboratory at nilabas na ang mga ingredients. Malungkot ako ng hinihahanda ito. Napatingin ako sa mga kasamahan ko buti pa sila may partner ako iniwan na dito.

Nakakainis ka!

"Oh! Baka pumangit yung gawa natin" napatingin ako sa nagsalita. Inaayos niya ikabit ang apron niya at sabay ngumiti sa akin. Bumalik na lang ako sa ginagawa ko.

"Na-late ako ng gising. Sorry" sabay ngiti ulit sa akin.

Nilagay ko na yung ginawa ko cookies sa tray atsaka nilagay ito sa oven. Sinet ko naman sa 5minutes then tumunganga na ako sa harap ng oven.

"Oh bakit cookies gagawin natin? I told you to make a Vintage Jam tarts. It's delicious and Unique."

"Ikaw na gumawa.." narinig ko na bumuntong hininga siya.

Nilingon ko siya, busy sa paghahanda ng Vintage Jam Tarts. Ito kasi ang gagawin namin. Siya ang nakaisip nito, special recipe niya sa magulang niya. Noong bata pa kasi siya mahilig na talaga siya mag-bake at ang una na gawa niya ay ang Vintage Jam Tarts, dahil doon pinangarap na niya maging Bakery King sa sosyaling restaurants. Marami din ang napasarap sa una niya gawa. Maski ako nasarapan sa gawa niya.

But this time, ayoko ngumiti dahil ang dami niya tinatago sa akin. Nakakainis siya.

Biglang tumunog na ang oven hudyat na luto na ang cookies. Sinuot ko na ang gloves at kinuha na ang tray na naglalaman ng cookies. Inilapag ko na ito sa plato at sabay kinain, pampaliwas inis.

Nakikita ko na nakakalima gawa na siya. So naisipan ko naman na gumawa ng Olive cookies, nilagyan ko ng iba't ibang shapes ng animals para mas amaze. Napangiti ako sa gawa ko at kita ko dito na napangiti din siya.

After an hour, natapos din ang presentation namin. Nilagyan din namin ito ng drinks. Nakapila na kami ng pahaba at nasa harapan namin ang iprepresenta sa mga judges na nakalagay sa lamesa.

Isa-isa lumalapit ang Judges sa aming lahat. Isa-isa nila tinitikman ang bawat gawa namin. Nang makalapit na sila sa aming pwesto o lamesa.

"Mr. Molton, ano ang tawag mo dito?" nakangiti sabi ng isa sa aming judges.

He DiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon