chapter 10

41 0 0
                                    

Seth's POV

Hindi pa nagsisimula yung announcement ng Eight Arcanes. Paano kasi missing in action yung Hayuf na Josh na yun! ARRRGH! Asar talaga yun! Babayaran ko pa pala yun! Patay na naman ako nito kay Tita! Sasabihan na naman akong gastusera!

"Seth! SETH!"

"AY HAYUF KA!! ANO BA!" sabi ko.

"Ang lalim ng iniisip mo!" Sabi ni Enella

"Oo malalim! Gusto mong ibaon kita dun!" Sabi ko.

"Eto high blood agad! Tatanungin ko lang kung may load ka! Pa-text!" Sabi niya.

"Low bat na cellphone ko. At sini namang itetext mo aber? Kaharutan na naman?!" Sabi ko.

"Hindi ah! Itetext ko yung sponsor ko sa load. Tatanungin ko kung buhay pa sya. Kasi kung oo pa-loadan niya naman ako" ngumunguso na sabi niya.

"Ahh! Wala kang mahihita sakin! Dun kila Jona panigurado may mga load yun" sabi ko.

"Sige sige. Punta muna ako sa kanila. Reserved na tong upuan na to ha!" Umalis na sya.

Ang tagal naman nito magsimula. Kung saan saan kasi nagsusuot yung hayuf na yun -,-

"Hi"

Napatingin ako sa nagsalita.

"Hello" sabi ko.

"Natatandaan mo ko?" Tanong niya.

"Oo naman! Ikaw si Jem. Sino bang makakalimot sayo!" Sabi ko.

Amputs! Ang gwapo niya talaga sa malapitan!!!!

"HAHA. Buti naman. Ano nga pala pangalan mo?" Tanong niya

"Moriseth. Moriseth Elaine Monteverde" sabi ko.

"Ahh. Your from 2nd year section Adelfa?" Tanong niya.

"Ahh oo." Sabi ko.

"You know what, may kamukha ka" sabi niya.

Pick up line ba ito? HIHIHI!!

"Ganern? Ang alam ko limited edition lang ako mukha ko dopple-ganger?" Sabi ko.

Ngumiti sya. Teka! Yung panty ko! Iaangat ko lang! Nalaglag eh!

"No. I mean kamukha mo talaga sya. It's just that, I don't know her name. But your eyes? You have the same color" sabi niya habang titig na titig sa mata ko.

"Josko! Eh mata lang pala! Marami akong kaparehas ng mata! Ilang taon na ba yun?" Tanong ko. Nakaka curious tong kamukha ko ha!

"I don't know. It's been years since I saw her last." May halong lungkot sa tono ng boses niya.

"Alam mo Jem, nalulungkot ako sayo eh. Pero wag ka mag english! Please lang! Alam kong nasa malayang bansa tayo pero anak ka ng tortang talong! Kulang nalang lagyan ko ng napkin ilong ko eh!" Sabi ko.

Tumawa sya.

"First time kong makakilala ng tulad mo" sabi niya.

"H-ha?" Tungunuuuu!!! Wala na yatang garter panty ko!! >.

"First time kong makakilala ng tulad mo. Yung tipong okay lang kahit anong sabihin mo, masama or kadiri 'man pakinggan. Since nung napa saamin na ni Josh tong Kromwell lahat ng nakakausap kong babae, mahinhin at ingat ingat sa pananalita. Pero nung ikaw na, I saw a real person not hiding in cosmetics product and not using fake smiles. Youre very natural" sabi niya.

Tungunu na talaga! Aaminin ko dati di ko trip si Jem pero nung rumampa na yung Eight Arcanes at tinanong ni Enella kung sino bet ko? RAAAK NA ITUUU!!! CRUSH KO NA SYA!

"Ahh.. Teka, ano oras ba magsisimula to? May gagawin pa ako eh" pang iiba ko ng topic. I'm not a 'Matamis na Tao'. So, ayoko ng awkward.

"Tinatawagan na si Josh. May ka-fling na naman yata yun" sabi niya.

"Hanep din naman yang kakambal mo! Ang abnormal! Baka mapabalita na may nabuntis na yun ha!" Sabi ko

Ngumiti ulit sya.

"Josh is my stubborn twin but doing that? I don't think he can make it" sabi niya. Ingles na naman!

"Ows? Paano mo naman nasabi? Sayo na nga mismo nanggaling na Fling here fling there yang si Josh eh!" Sabi ko

"Playboy sya pero never syang may na halikan na babae sa lips at naka make out" sabi niya.

"Eh? Baka lalaki hanap!! Abnormal talaga kapatid mo!" Sabi ko.

Tumawa sya.

"HAHA. No one knows. HAHA" sabi niya.

"Pero malay mo!" Sabi ko.

Tumawa ulit sya.

Napatigil yung tawa niya ng may bumato sa kanya ng plastic bottle ng mineral water. Sakto sa mukha niya. Buti walang laman.

"Tara na Jem! Mamaya ka na makipag harutan!" Napatingin ako sa nagsalita.

Tengene. Si Hayuf na Josh pala.

"Hindi ako nakikipag harutan" calm na sabi ni Jem

"No one knows Jem, right?" Tumawa si Josh. Demonyo talaga to! Bumaling yung tingin niya sakin "Oh! Ikaw pala yan Miss Doodle! Ipapaalala ko lang sayo, bayaran mo ako mamaya" ngumisi sya

Sumabat si Jem. Naguguluhan yata.

"Hey! Anong sinasabi mong bayaran?" Jem

"Never mind Jem. Hindi ka kasali. Kami lang ni Miss Doodle, right?" Kumindat sya sakin.

Sa inis ko kumuha ako ng kahit ano sa bag ko. Tapos binato ko sa mukha si Josh. Sapul sa noo mga 'fre! BULLS EYE! HAHAHA!!

"What the F*ck? What's your problem? Bakit mo ako binato ng kutsara?" Sabi niya habang sapo sapo yung noo niya.

"Wala naman. Gusto ka lang ma-meet nung kutsara ko pati nga nung tinidor ko eh! Buti nalang napigilan ko! Ayan na smack ka tuloy nung kutsara!" Sabi ko.

Were making scene here. Naka tingin lang samin si Jem papalit-palit nga eh.

"Oh, I see. Kahit pala kutsara at tinidor gusto ako ma-meet? Well si Little Josh gusto ka din ma-meet" ituturo niya sana yung 'you know' niya pero nabato ko sya ng tinidor

"Ouch! Ano ba! Kanina ka pa ah!" Sabi niya.

"Oops! Sorry! Nakikipag shake hands lang yung tinidor!" Sabi ko. Tumayo ako at umalis, di pa ako nakakalayo sumigaw yung hayuf na yun

"Miss Doodle, san punta?" Tanong niya

"Tapon basura?! Isama kita? AALIS NA AKO! HINAYUPAK KA! MAMAYA MAKUKUHA MO DIN YUNG BAYAD!" sabi ko.

"That's good. Come on Jem, let's start this" umakyat na sila sa stage.

Habang paalis ako ng

My Peymut BoyprenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon