chapter 11

34 2 0
                                    

AN: MAHABA PO ITO! SWEAR!!

Seth's POV

Umagang umaga ay badtrip ako. Super!!

Paano ba naman kasi yung tooth brush ko nalaglag sa CR-inidoro to be exact. Kabadtrip noh!! Buti nalang at may mouth wash pa. Kaya ayun nag mouth wash lang ako.

Tapos kagabi nung tinawagan ko si Tita tapos sinabi ko yung about dun sa binayaran ko na uniform nung hayuf na Josh na yun, tinadtad ako ng sermon. Kesyo ang gastusera ko daw! Hindi daw ako nag iingat! Ano daw pumasok sa isip ko bat ko daw ginawa yun.

Sinabi ko na bang mag isa lang ako dito sa bahay? Yeah, mag isa lang ako. Patay na nanay ko eh. Tapos yung tatay ko na magaling hindi ko alam kung saan nag sususuot kasi iniwan niya lang ako sa Tita ko na mapera. Buti medyo mabait ng konti kaya pinaaral ako at sa isang sikat pa na school. Oha!!

"So, busangot na mukha mo niyan?"

"AY INIDORO!" Sa sobrang gulat ko na sabi ko tuloy yun. Nakakahiya.

"HAHA. So inidoro pala yung iniisip mo? Gross ka!" Sabi niya

"Ay, close tayo?" Sabi ko.

Napasimangot naman sya.

"Bakit? Hindi ba?" Tanong niya ng naka nguso.

"Actually, Clyde may gunting ako dito. Kayang kaya kong putulin yang nguso mo" pananakot ko.

"Aww, ang bad mo! Dapat close na tayo kasi sinalo kita kahapon nung tinabig ka ni Josh diba?" Pag papaalala niya.

"Ang bading mo! Porket sinalo mo ko gusto mo close na tayo agad?! Aba! Ayos ka rin e, noh?"

"Syempre, gwapo ko kaya!" Nag pogi sign pa.

"Eh? Talaga? Bat ganun, di ako na inform?" Bara ko sa kanya.

"Ang bad mo talaga! Buti nga kinakausap ka ng isang Clyde Kromwell eh! Samantalang yung ibang babae, halos itapon na sa mukha ko yung panty nila" sabi niya

"Fame ka kasi! HAHA. Pero sige, dahil may utang na loob ka, friends na tayo"

Namilog mata niya. Aww, Clyde! Why so cute?

"Ehhh??? Labyu na Seth Seth!!!" Aakbayan niya sana ako ng siniko ko sya

"Friends lang, pero di tayo close" bawi ko. Nagusot yung mukha niya

"Hala naman eh!"

"Hehe. Joke lang. Kawawa ka naman!!" Sabi ko.

"Ayiiee~ Bait bait ni Seth-seth"

Nagkukulitan lang kami habang naglalakad. I told you malawak ang school namin -_-.

"MORISETH ELAINE MONTEVERDE!! Bat mo kasama asawa ko ha?! Akala ko ba kaibigan kita! Pero... pero!! Inagaw mo sya! Ahas ka! Ha- ARAY! Joke lang!" Sabi niya

"Lumayas layas ka nga, baka mahampas ko sayo tong mga libro" nababanas na sagot ko.

"Hala hala! Joke lang talaga promise! Pero medyo hurt talaga ako kasi kasama mo asawa ko!" Nagmamaktol na sabi niya.

"Tigilan mo nga ako!" Sabi ko

"Tse!! At ikaw! Bakit mo kasama tong babaeng to?! Sya ba! Sya ba ha! Sya ba ang pinalit mo sakin! Ano ba ang pagkukulang ko Clyde?! Sabihin moooo!!! Nagkulang ba ang kanin sa bahay?! Kulang ba yung mga brief na ibinigay ko sayo matapos kong labahan? Pasensya na, nasama sa mga damit ko! Pero, Clyde! Bakit?!!!" Umiiyak si Enella.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Peymut BoyprenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon