10

997 30 0
                                    


"Eat this first. I'll get some medicine."

Nilapag ni Marco ang maliit na tray sa higaan bago lumabas ng kwarto niya. Nakaligo at bihis na ako ng pambahay na kinuha niya sa apartment ko.

I regret breaking down in front of him because I knew he grew really worried about me. Hindi pa nga siya nakakabihis dahil inuna niyang asikasuhin ako. I don't even think he drank water yet.

"Water, Beau." I reach my glass out to him when he returned.

"Sa 'yo iyan. Uminom na ako sa baba kanina," imporma niya at nilapag ang gamot sa tray. He sat on the floor and cleaned the papers scattered there. It had different illustrations.

"Maligo ka kaya muna," nag-aalalang sabi ko sa kaniya at nagsimulang hipan iyong soup para lumamig.

"Don't worry. Hindi ako magkakasakit. Sanay akong maligo sa ulan." He sounded proud, laughing softly.

Napailing ako. "Still, huwag kang kampante. Tumatanda tayo, mas nagiging weak ang system natin and prone to sickness," I reminded him.

Tumingin siya sa akin at nagtaas ng kilay. "Pakunwari hindi ko iyon alam." That made me laugh. I saw relief crossed on his face when he saw my the change of my mood.

I gave him a closed-lip smile before eating my soup in silence. Nagpatuloy siya sa pagligpit ng mga gamit niya at nilagay iyon sa desk. Nag-ayos pa siya ng iilang gamit doon at pinunasan ang lamesa kahit na wala akong makitang dumi. This clean freak!

Nagpaalam siyang maliligo. When I was done with my soup, I went out of bed and carried the tray before going down to the kitchen. Nakita ko si Ares na tulala sa coffee table, nakasapo sa ulo niya. Ang daming papel sa lamesa.

"Okay ka lang?" Tumigil ako sa paglalakad. Natauhan siya bigla. "Tulala ka, ah?"

"Ayaw ko na mag-aral," he replied in such a stressed tone.

I laughed at him before proceeding to the kitchen. I washed the dishes, then went to their ref to find for some refreshments, if they have any.

"May gusto ka?" I heard Marco's voice behind me, his hand snaking on the back of my waist.

"Juice sana," sagot ko.

"Naubos na yata. Gawa na lang ako. Ano'ng gusto mo?" Yumuko siya para sumilip sa loob, nagtutuyo ng buhok gamit ang maliit na tuwalya. "Shake na lang. Pili ka." Tinuro niya iyong mga prutas.

Kinuha ko ang sipi ng saging. "Banana milkshake. Kaya mo?" I asked him, walking to the counter and placing the banana there. Kaya ko naman gumawa noon.

He scoffed. "Tanong pa ba iyan?" nanghahamon niyang tanong sa 'kin.

"Okay, genius. You don't have to get all challenged there. I retreat." I raised both my hands, accepting my fake defeat.

Natawa siya nang marahan bago hinanap ang blender nila para ihanda iyon. I was about to help him but he raised a brow. Ganoon palang alam ko nang sinesenyasan niya akong pumirmi.

"Palagi na lang akong walang ambag," I told him, rolling my eyes.

"Required bang mag ambag?" He looked confused for some reason.

"Oo, parang sa inuman, naga-ambagan. It's like that as well when you do house chores. Hati kayo ng mga kasama mo," I tried to make a logic.

"Ah, ganoon? Ambagan pala sa bahay. Parang hindi na inform si Ares, eh," sabi niya habang naglalagay ng gatas sa blender, laughing softly.

"Ares na naman!" sigaw kaagad noong isa.

"Seriously, gaano katalas pandinig niyan?" Namangha ako.

"Sanay kasi iyan tumakas sa police noong sa isla pa kami dahil palagi nacu-curfew. Kaya kahit kaluskos sa kabilang kanto, rinig niyan." Natawa ako. "Seryoso ako!"

Drowning Emotions (Isla Series #5)Where stories live. Discover now