Game Seven

79 1 0
                                    

"Si..."

"ANO? SIYA? BAKIT SIYA?"

Kung ang nasa isip ninyo ay 'yong Ziam na 'yon, pwes tama kayo. Oo, siya nga ang gusto ng best friend ko. Coincidence? Hmm, hindi naman siguro.

(Uy, bakit? Selos ka Majes?)

Miss Author, hindi ba istorya ko 'to? Kaya pwede lang, alis!

(Ang sungit naman nito. Makaalis na nga lang. Byeeee Majesty!)

Aish. Sige Author. Mag-umpisa kana nga lang.

Balik tayo sa main topic which is crush ni Ari si Ziam.

"Oh Ariana, bakit naging crush mo nga si Ziam?" In-open ko na yung topic sa kanya.

"Eh kasi Majes, ganito 'yon."

*Flashback*

Ariana's POV

Wow. First time ko magkaroon ng POV! Thank you Miss BT!

(You're always welcome!)

Okay. Pupunta ako sa bahay ni Majesty ngayon. Ang boring kasi sa bahay namin. Wala si Mommy because of work. Wala si Daddy because of work din. Hindi naman ako nagtatampo sa kanila dahil alam ko naman na ginagawa nila 'to para sakin.

Naligo muna ako of course, baka asarin na naman ako ni Majesty na mabaho ako. Pagkatapos, nagbihis na ako at kinuha ko yung susi ng Ferrari ko. Yes, hindi sa pagmamayabang pero my Daddy gave me the Ferrari and my license narin ako. As I go out, Ate Linda, the Lady Maid here, greet me with a smile.

"Hi Ariana! Saan ka pupunta?" Tanong niya, si Ate Linda na ang lagi kong kasama sa bahay kapag nasa trabaho sila Mommy. Mabait si Ate Linda hindi kagaya ng ibang Maid.

"Ah, Ate Linda kayla Majesty po. Ang boring po kasi dito sa bahay. Sige po, aalis na ako." Sagot ko kay Ate Linda.

"Oh sige. Ingat ka sa pagmamaneho mo ha?" Sigaw habang nagpupunas ng mga pinggan.

Habang nagdri-drive, nakaramdam ako ng gutom. Hindi pa papala ako kumakain simula kanina. Habang nag-iisip ako kung saan ako pwedeng kumain, naglibot muna ako.

"Sa Starbucks na nga lang. Masarap naman don." I decided.
~
~
~
~
~
"Ano pong order niyo Ma'am?" Tanong ni Ate na nasa counter. Tinignan ko muna kung anong pwedeng kainin. Pasasalubungan ko na din si Majes baka gutom din siya.

"Two large mocha frappe please." Sabi ko. Minsan lang mag-English! Push na!

"Okay Ma'am." Sabi ni Ate na nasa counter. Umupo muna ako at naghintay. Sa bahay nalang ako nila Majes kakain. Hindi naman siguro siya magagalit.

Nang tinawag na ako, tumayo na ko habang nakatingin ako sa cellphone ko. "Ay palaka!" Nagulat ako ng may nabangga ako. "I-I'm sorry-- Ziam?" Mas lalo pa akong nagulat ng si Ziam pala 'yong nabangga ko.

"Mag-ingat ka naman! Mga babae talaga." Sabi niya. Pero tinulungan niya ako at nakita ko ng malapitan ang mukha niya. Ang gwapo nga niya!

"Wala kana bang ibang gagawin kundi titigan ako? Tss." Bumalik na ako sa reality at umayos. Nako, baka iniisip niyang mag gusto ako sa kanya. Wag naman sana.

"Sorry! Yabang!" Sigaw ko at kinuha na yung Mocha Frappe ko.

Pagka-alis ko, biglang bumalik sa isip ko -yung mga nangyari. Biglang tumibok 'tong puso ko. Teka, hindi kaya.. may gusto ako sa kanya? Hindi ko naman 'yon ipagtataka kasi may itsura naman si Ziam eh. Pero promise ko sa sarili ko na hindi ako magiging isa sa mga babaeng magkakagusto sa kanya. Hindi ako desperada.

Badminton LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon