Game Two

203 5 0
                                    

A/N: Hi! Chapter 2 na po! ^_^ sana po subaybayan niyo ang magulong kwento ng ElZi! ( Mikaela + Ziam. alam ko po corny :3) So eto na po ang UD :)

Majesty's POV

"Ngayon, contestant number 26, anong sagot mo?" Sabi ng nagtatanong sakin. Nako, Isang bilyon nakataya dito. Dapat manalo ako.

"Letter A po." Sagot ko. Nako sana tama ako *cross fingers*

"At ang tamang sagot ay..." Ito na. Sasahibihin na nung host! Sana manalo ako!

"Ang tamang sagot ay... HOY! MIKA! GUMISING KA NA! LATE KA NA NAMAN SA SCHOOL MO!" Huh? Ano daw? Late na ako? Sa school? Eh ang pagkaka-alam ko, teka, 0_o?! LATE NA NGA AKO! NANANAGINIP LANG PALA AKO! MALAS NAMAN!

"Ano bayan Mommy eh! Mananalo na ako sa sinalihan kong contest eh! Ginising mo lang ako!" Sabi ko sa Mom ko.

"Anung mananalo? BUANG! LATE KANA NGA OH! BUMANGON KANA DIYAN! MAHUHULI KA NA NAMAN!" Bulyaw niya. Ako naman natatawa. Haha. Oo, ganyan ang Mommy ko. Parang kapatid ang turing ko sa kanya. Hay, maka-ligo na nga.

.

.

.

.

.

Pagkatapos kong maligo, bumaba na ako para kumain ng almusal. Nagmamadali na nga ako dahil late na ako.

"Mommy alis na po ako! Ba-bye! I love you po!" Sabi ko kay Mom. Nasa kusina pa kasi siya.

"Ok anak! Ba-bye! I love you too!" Narinig ko namang sagot ni Mommy.

*school*

At andito narin ako sa school. Nako, mukang late na nga ako. Wala nang masyadong tao dito sa ground eh. Maka-akyat na nga.

Agad akong tumakbo sa building kung saan ang room ko. 3rd floor pa naman yung aakyatin ko. Kaya mo yan Majes! Go go go!

*takbo, takbo, takbo*

Whew! wa-poise! Nakaka-hingal! Sana wala pa yung prof namin.

"Okay so-- oh, Ms. Reyes, why you are late?" Tanong nung prof ko. Buti nalang mabait siya.

"I'm sorry, Ma'am." Sagot ko. "Oh sige, take your sit." Sabi ni Ma'am Estrella. Ang bait talaga niya.

Ako naman ay umupo na upuan ko. Haaay! Ang lamig talaga dito! Ang sarap matulog!

"Uy Majes, bakit ka late?" Naudlot naman ang kasiyahan ko nung bigla akong tinanong ni Ari. "Nanaginip ako eh. Nanalo daw ako ng 1 billion." Haaay. Kung naging totoo lang sana yun. "Hahaha! Ikaw talaga Majes." Sabi ni Ari. Tumawa nalang din ako at nakinig kay Ma'am Estrella.

"Okay class, tayo ay magkakaroon ng isang dual project." Ay? Project agad? Ano bayan. "Ang project niyo ay..." Hindi na ako nakinig. Itutulog ko nalang to. Nakakasawa naman ang puro project eh.

.

.

.

.

.

*break*

"Uy Majes, gising na. Break na oh." Sabi ni Ari. Huh? Ang bilis naman ng break. Hay hayaan na nga.

"*unat* Ay sige Ari sandali lang. Ano nga pala yung project?" Tanong ko kay Ari. Natulog nga kasi ako diba?

"Ah yung project? Ganito kasi yun..." Sabi ni Ari.

"ANO?! BAKIT GANUN? DUAL? BAWAL GROUP?" Pagmakaktol ko kay Ari. Ang hirap naman ng project na yan!

"Ang OA mo naman Majes. Ay nga pala, sorry. Dapat ikaw ang kasama ko kaso sabi ni Ma'am E. wag daw kasi tulog ka." Sabi ni Ari. Waaaa >.< Ang unfair naman!

"Ang daya! Eh sinong Partner ko?" Sagot ko kay Ari. Nako, masama ang kutob ko dito ah.

"Si…" Ano?! Siya?! BAKIT SIYA?! "ANO?! BAKIT?! ANG DAMI-DAMI NATIN SIYA PA NAPILI NI MA'AM?" Sigaw ko kay Ari. Bakit kasi siya pa?!

"Eh kasi pareho daw kayong tulog eh." Ano?! Porque parehong tulog ipagpa-partner na?!

"Bwiset naman! Ang malas ko! Nakaka-inis!" Nakaka-asar! talaga!

"Mag-move on kana nga diyan Majes. Ang OA mo rin eh." Sabat ni Ari. "Sino ba namang hindi maiinis kung siya yung partner mo?! Ako lang ba?!" Bulyaw ko. "Oo. Lahat nga naiingit sayo at parang gusto ka ng patayin ng mga classmates nating babae nung nalaman nila na ikaw yung partner niya eh. Kaya wag ka ng mag-inarte diyan. Maswerte ka pa nga eh." Sabi ni Ari. Huh? Maswerte? Ako? At gusto pa akong patayin ng mga classmates namin na babae? "Teka, bakit naman ako papatayin? Ang sama naman nila. Tsaka, ako? Maswerte? Bakit?" Punong-puno na ng tanong ang isip ko.

"Eh kasi, matalino yun." Simpleng sagot ni Ari. "Porque matalino maswerte na ako? Bakit? MATALINO RIN NAMAN AKO AH!" Pagmamalaki ko sa sarili ko. Eh kasi totoo naman eh! Pogi pa! *insert pogi sign here*

.

.

.

.

.

Nakaka-boring naman ang buhay ko dito. Kain chocolate dito, kain chocolate diyan. Ganun nalang lagi. Hindi ko kasi kasama si Ari ngayon. May pinuntahan sila. Haaaay. Maka-punta nga sa may damuhan dito sa school. Gusto kong matulog.

Ng nakarating ako dito sa may damuhan, agad akong humiga. Ang sarap sa pakiramdam. Nakaka-relax.

*kuskus*

"Huh? Ano yun?" Bigla kong nasabi. May parang kaluskos akong narinig.

*kuskus*

"Mukhang hindi lang ako ang tao dito ah. Oy! May tao po ba diyan?"

*kuskus*

Ano ba naman to. Babangon na nga at matignan. Istorbo naman. Kainis.

*lakad lakad*

"San ba kasi yun? Kanina pa ako naglalaka-- AAAAAHH!"

Sorry po ngayon lang naka-UD. Nag-aaral po kasi ako eh. Sana po hindi sabaw sa inyo :))

Badminton LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon