Game Six

131 2 0
                                    

"Papa..."

Yan ang unang nasabi ko nung nakita ko ang photo album sa drawer ko. Nami-miss ko na si Papa. Parang kailan lang nung siya pa ang Coach at Cheerleader ko.

*throwback*
.
.
.
.
.

"Go anak! Kaya mo yan!"  Sigaw ni Papa habang nakaupo sa bench namin. Naglalaro kasi ako ng badminton. Pero dahil hindi pa ako marunong, tinuturuan ako ni Papa. Ngayon ay tinuturuan niya ako kung pano ang tamang pag-serve ng shuttlecock.

"Isa pa anak! Kaya mo yan! Ganito kasi ang gawin mo."  Pumunta siya sa tabi ko at tsaka ay hiniram ang raketa ko. Si Papa kasi ay player noong kabataan niya. At dahil ako ay isang Papa's Girl, gusto ko ring gayahin si Papa. Kaya eto ako ngayon, nagtre-training kung paano maglaro ng Badminton.

"Hawakan mo muna 'tong raketa mo." Sabi ni Papa. Kinuha niya rin yung raketa niya tsaka nagsimula na. *whip* "Ayun! Gawin mo rin nak!" Ang galing talaga ni Papa. Nag-smash siya pero parang wala lang sa kanya yun.

"Ikaw naman anak. Dali subukan mo." Kinuha ko na 'yung raketa ko. *whip* "AYUN! NAKUHA MO NA RIN ANAK! ANG GALING MO TALAGA!" Sigaw bigla ni Papa. Ibig sabihin... nagawa ko? Nagawa ko mag-smash? "Nagawa ko po ba Papa?" Tanong ko kay Papa.

"Oo anak! Ang galing talaga ng anak ko! Tara, kumain muna tayo. Nagpahanda ako kay Ate Rose ng meryenda." Pumunta na kami sa garden kung saan nandon na nga ang meryenda. Orange juice at Clubhouse sandwich ang inihanda ni Ate Rose.

"Salamat Ate Rose. Oh anak, kain na." Sambit ni Papa at nagsimula na kami kumain.

Ng natapos kami, nagpaalam na muna si Papa. May pupuntahan siyang trip para sa negosyo. Hindi naman ako nagtampo dahil nagkaroon naman kami ng quality time.

"Ba-bye na anak! Magpakabait ka ha? Laging sundin si Mama." Sabi ni Papa at tsaka hinalikan ako sa noo. Nagpaalam na rin siya kay Mama at tsaka pumunta na sa kotse. Pumasok na kami ni Mama sa loob para makapagpahinga ako. Napagod kasi ako sa kakalaro.

"Oh anak, kamusta ang laro mo kay Papa? May natutunan ka na naman ba?"  Biglang nagtanong si Mama. "Opo! Ano nga ba 'yun? Smash ba 'yun Mama? Basta po! Ang galing ko na sa Badminton! Yehey!" Sabay talon ako ng talon at niyakap si Mama. Niyakap naman ako pabalik ni Mama. "I'm so proud of you, anak."

"Thank you po, Mama!" Niyakap ko ulit si Mama ng mahigpit. 

Nandito na ako sa kwarto ko para magpahinga. Hay, nami-miss ko na agad si Papa. Asan na kaya sila? Makatulog nga muna.

*End of Throwback*

"HOY MIKAELA MAJESTY REYES!" Anak ng! Nagdra-drama ako dito eh!

"ANO? BAKIT KA NANDITO? KITANG NAGDRA-DRAMA YUNG TAO EH! HAYST!" Minsan talaga panggulo 'tong si Ariana eh. Bigla nalang pumapasok sa kwarto.

"Alam mo ba yung salitang 'kumatok'? Ha Ari? Papatayin mo 'ko ng maaga sa ginagawa mo eh.

"Sorry na! Hahaha! May sasabihin kasi ako sayo Babae!" Sigaw niya. Huh? Ano naman kaya 'yun?

"Ano naman 'yun? Teka, ano ba yan? Positive o Negative?" Tanong ko.

"Hmmm, hindi ko alam eh. Hahaha! Kaso sinisigawan mo naman ako tsaka ayaw mong marining. Sige wag nalang Majes." Luh? Ano to? Biglang walk out?

"Ang arte mo. Dali na. Ayoko ng naghihintay." Sagot ko na.

"Hindi wag na lang. Sige na, uuwi nalang ako. Bye." Aning talaga to.

"Oo na sorry na! Ano nga kasi 'yun?" Nag-sorry na ko para itigil na niyang kadramahan niya sa buhay.

"HAHAHA. Biro lang! ^_^V Sabi na hindi mo ako matitiis eh. Hihi." -___-" Seriously?

"Oo na. Sabihin mo na ng matapos na. Pinapahaba mo usapan eh."

"May crush ako. Hihihi." Ano? Seryoso ba siya?

"ANO? AYUN NA YUNG SASABIHIN MO?"

"Oo. Hihihi. Gusto mo malaman kung sino?"

"Best friend kita kaya dapat lang na alam ko."

"Si..."

"ANO? SIYA? SERYOSO KA?"

"Oo naman. Hindi ko alam kung bakit eh. Pogi niya kasi."

"Well, hindi na kita pipigilan diyan. Basta wag kang iiyak dahil sa lalake. Hindi sila dapat iniiyakan. Tandaan mo yan Ariana Luciano."

"Yes Ma'am-- este Majesty!"

A/N: HELLOOOOO~ UPDATE PO ULIT! SORRY PO KUNG NAPAKAIKSI. SINO KAYA CRUSH NI ARIANA? HEHE ^_^V

Badminton LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon