Game Three

165 5 3
                                    

"San ba kasi yun? Kanina pa ako naglalaka-- AAAAAHH!" Ano ba itong nakikita ko ngayon! Nakakakilabot naaaaaaaaa!

"Hoy babae. Wag ka ngang magsisi-sigaw diyan. Ngayon ka lang ba nakakita ng lalaki?" Sabi niya. Juice colored.

"Hindi. May kapatid akong lalaki. Dalawa. PERO NGAYON PALANG AKO NAKAKITA NG LALAKING NAKA-HUBAD! AAAAHH!" Sigaw ko. Oo. Ngayon palang talaga ako nakakita ng lalaking nakahubad habang nakahiga sa damuhan!

"Jusko po Lord. Patawarin mo po ako. Wala po akong kasalanan. Hindi ko po sinasadya ito. Patawarin niyo po ako. Waaaaa!" Sabi ko. Kanina pa ako nagdadasal dito. Promise, ngayon lang ako nakakita ng lalaking nakahubad >.<

"HOY! ANG OA MO! ETO NA NAKADAMIT NA AKO! MASYADO!" Nagulat ako nung sumigaw siya. Ako naman na kanina pa nakapikit, eh dumilat na. Oo nga, nakadamit na siya.

"Hay salamat." Bulong ko. Nako, yun pa naman yung iniiwasan kong gawin. Ngayon lang talaga ako nakakita ng lalaking... NAKAHUBAD!!! 

"Ulol ka ba?" Nagulat ako nung bigla siyang sumigaw. "Ano ba namang klaseng tanong yan?" Sabay umirap ako sa kanya.

"Hahaha. Palibhasa VIRGIN." Nakatakip na ang mukha ko ng bigla siyang nagsalita ulit. "ANONG SABI MO?!" Nagulat siya at parang naiinis pa nung sinigawan ko siya. Anong sabi niya?! VIRGIN?! AKO?! "Sabi ko VIRGIN ka." Ay talagang! "MANAHIMIK KA NA LANG NGA DIYAN! WALA KA NG SINABING MATINO!" Palibhasa manyakis 'to eh! Maka-alis na nga! Bwisit. Na-istorbo tuloy yung pagpapahinga ko. "Makaalis na nga!" Pagpaparinig ko.

"A-aray..." Maglalakad na sana ako nung narinig ko siya. Huh? Ano daw?

"A-aray…" Yan na naman siya. Ano ba to. Kakatapos lang niya akong bwisitin tapos ganyan siya?! "Galing mo umarte!" Sigaw ko tsaka tumuloy na sa paglalakad. "A-aray, t-tulungan mo ako please."

Teka, mukhang seryoso na siya ah? Tumigil na ako sa paglalakad at humarap ulit ako sa kanya. Pagkaharap ko, hala! Ina-atake ata 'to sa puso ah? 

"Uy, tara na sa Clinic. Baka kung ano pa mangyari sayo diyan. Ako pa magkakasala eh. Lagot ako sa mga Fangirls mo." Paga-aya ko sa kanya. Nakatayo lang ako sa harap niya. Ano? Kailangan alalayan ko pa 'tong hinayupak na to?

"Ano ba, kita mo na ngang nanghihina na ako diba? Alalayan mo ako please." Eh? "Hoy! Pagkatapos mo akong asarin diyan at tawagin pa akong VIRGIN? Ako pa tutulong? Huh! Ano ka? Sinu-swerte? Doon ka sa mga Fangirls mo na mukhang clown magpa-tulong!" Sinermonan ko siya. Bakit? Totoo naman diba? Inaasar niya ako diyan tapos ako pa tutulong? Mangarap siya!

"Makonsensya ka naman oh. Please, tulungan mo ako."

"Wala akong konsen--" Natigil ang pagsasalita ko. Mukha ngang nanghihina na siya. "Oh sige na nga! Pasalamat ka, may konsensiya ako. Kung hindi, kanina pa kita pinabayaan diyan. Tss." Kaasar talaga!

"Hoy! Ano ba? Ayusn mo naman!" Bulyaw ko sa kanya. Ayaw pa kasing tumayo eh. Pa-VIP masyado. Tss -_-

"Paano ako tatayo? Eh kita mo namang masakit na dibdib ko diba?" Luh. EH KUPAL PALA TO EH! Ipakita ba naman yung Abs niya sakin?! Argh! KAASAR TALAGA! ANG YABANG! 

"HOY! MANYAK KA! IBABA MO NGA YAN! BASTOS!" Habang nakatakip ang mata ko, sinisigawan ko siya. Eh pano ba naman? Ipag=yabang ba naman yung Abs niya sakin?! BWISET TALAGA! 

"Hahaha. Gusto mo din namang makita yung Abs ko eh." Huh? "HOY! HINDI KO PINANGARAP NA MAKAKITA NG ABS! KAHIT KAILAN! NAKAKAINIS KA! TARA NA NGA SA CLINIC!" Paga-aya ko. Baka kung saan pa mapunta yung usapan dito. "Ang bagal mo naman!" Masyado talaga siyang pa-VIP eh no? 

Ako naman, dahil sa sobrang inip na, lumohod na ako. Jusko, Ang kinis pala ng Mukha netong nilalang na to. DELETE! Wag kang magpapa-apekto Majesty! 

"Hoy! Bakit ka nakatitig? Kung maka-titig ka parang may gusto kana sakin ah. Hahaha" Ano?! "HOY! HINDI AH! ANG KAPAL MO!" Bwiset na araw to! "Tara na!" Ng biglang...

*tsup*

0_o?!

A/N: Hi! Sorry ngayon lang napakapag-UD! Sobrang busy po kasi eh! Anyway, sana po magustuhan niyo ang UD ko :) 

Badminton LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon