Chapter 9

907 23 1
                                    

Nang makarating sa bar ay natigilan halos karamihan ng mga kababaihan nung makita sila Sid.




Mukhang tambay sila sa bar na to.





"Bro!" bati ng isang may itsura rin na lalaki kay Sid. Gym body.




"Yo! Aaron! This is Sachi and Taliana" pagpapakilala ni Sid sa amin.




Nginitian ko lamang ito at ikinalat ang mga mata.



Ang eexpensive ng mga tao dito, di ko kinakaya ang mga kaartehan.




"Dun tayo" turo ni Ron sa dulong part ng bar kung saan exclusive part.




"Ang eexpensive naman ng mga tao dito" sabi ko.




"Yes, because yung karamihan diyan ay mga anak ng mga negosyanteng pamilya, and sa mga sikat na University nag-aaral" pagpapaliwanag ni Ron.


Just like my mom. My mom is a businesswoman he met my dad when she have a flight then si daddy yung pilot.


I remember nung sinabi ko kay daddy yung gusto kong maging job. Hindi na yun natuloy dahil wala na siya, and mas pinush ako ni mommy sa course na to. Architecture.




"Hey! Sachi!" bati ng isang unfamiliar na babae.


What? Kilala rin si Sachi dito?

"Hey! Fritz! Long time no see!" bati nito at nakipagbeso beso.




"Yeah! Naging busy sa acads running for cum laude eh" sabi nito.




Ahh brainy.


"By the way this is my friend Taliana, Taliana this is my high school friend Fritz" pagpapakilala ni Sachi sakin sa kanyang friend.




"Hi! Nice to meet you Taliana!" bati nito at nakipagkamay.



Maya maya'y dumating narin sila Andrea at nasa likod naman si Ryan.



Wow almost complete ah? Anong meron?





"So here they are" sabi naman ni Sachi.




"Heeey! What's up? Hindi naman halatang namiss niyo kame? At ikaw buti di kana nagpumilit?" bungad agad ni Selene.



"No choice nasa tapat na ng bahay" sagot ko naman.





"Anong meron bat nandito tayo?" takang tanong rin ni Ryan.




"May hindi pa kasi sila nalalaman" sagot naman ni Sachi.




"Hoy ano yan? Spill the tea! Chika ba yan?" sagot naman ni Andrea.





"Ay ang chismosa" pagbibiro ko naman.






"Syempre bago yung tea, drinks muna, hindi pa nakakapag-try ng hard drinks to si Taliana paano ba yan?" sabi ni Sid.






"Anong drinks na ba naiinom mo?" tanong ni Ron.




"Ahm.. Red wine lang" sagot ko naman.




"Ay ako rin red wine lang pass sa hard drinks" sabi rin ni Andrea.






"What?! Ang hina niyo naman!" sagot naman ni Sid.



Napansin kong wala si Joaquin kaya naman ay tinanong ko si Sachi at ang sagot ay nag-aaral ito for his midterm.




Maya maya'y dumating na rin yung drinks.




Merong tequilla, wine, and iba pang drinks.





"Kaya niyong ubusin yan?" tanong ko.



"Yes of course sa dami natin dito, pwede ring mag-take out kung gusto ng souvenir" natatawang sabi ni Sid.





Pinagbuksan na lang kami nila Ron ng drinks at nagtoss.





Unang inom mapapa-sh*t na lang ako ibang klaseng wine yung inorder nila.



Ito yata yung wine nakakalasing damn! Ang baba lang ng tolerance ko.




"Oh so ano na nga ang tea?" panimula ni Selene habang nasipsip ng lemon.





"Ahh sakin na to!" pang agaw ng spot ni Sachi.




"Ganto lang yon simple lang, di na kasi kaya ni Sid magpanggap, si Sid is my brother" sabi ni Sachi na ikinagulat ko lang ng slight.






"Weh? Kaya pala sabi ko medyo magkahawig kayo akala ko nung una magjowa kayo nung sa may MOA. Aba'y magkapatid pala" sabi naman ni Andrea.




"Wala fake friend to, kaklase kita girl, tas halos magkasabay tayo sa lahat ng lakad and chismis tapos kapatid mo pala si Sid, kunware ka pa di mo sila kila-" natigilan ako ng may nasasabi na ako na dapat di nila malaman.




Nagkaroon ng konting awkwardness sa lahat pero agad naman iyon binasag ni Sachi.




"Well, kami ni Sid magkaiba kami ng mother but in-accept naman namin yon dahil napag-usapan naman na ng both side and magkasama kami sa iisang house since wala na yung mother ni Sid kinupkop na namin siya ni Daddy" pagpapaliwanag ni Sachi.





"Aww sorry to hear that" sabi naman ni Andrea.






"Pero alam nila?" turo ni Selene kayla Ryan.



"Oo naman magka-team remember?" sagot naman ni Ryan.




"May isa pa" sabi ulit ni Sachi.




"Ang daming tea!" saganang sagot ni Andrea.




"Official single na si Ryan!" sigaw ni Sachi dahil medyo maingay na sa bar nagsasayawan na ang mga tao.




"What?! How?!" gulat naming tanong.




"Ang captain niyo, niloko" sagot naman ni Sachi.




"When it started?" tanong ko.




Napansin kong biglang napatitig sakin si Ryan at tinitigan ko rin ito.




"Kahapon" sagot nito.




Napapalunok ako sa sobrang talim ng pagkatitig nito sa mga mata ko.






"Oh! So May bago siya sa New York? Paano bat ang bilis?" tanong ni Selene para basagin yung intense ng titigan namin sa isa't isa.



He's drunk already.





"She texted me, ang sabi niya ayaw na niya. Ang sabi niya hindi na kami magwo-work then her friend send me a pic of my ex girlfriend enjoying her life in New York together with her ex" natatawang pagpapaliwanag ni Ryan.




But his eyes says everything is fucked up.



"Bro enough na yan! Si Maddie lang yan, marami pang mas better diyan, maraming nakapila sayo bro! Ano gusto mo? Magpost na ko na single kana? Para tadtarin yang messages mo?" panga-aliw ni Sid kay Ryan.





Habang ang mga lalaki ay nag uusap, ako naman ay nakikinig lang sa tatlo na nag-uusap rin.



"Ano tali? Ilakad na ba kita kay Ryan?" sulsol ni Sachi sakin.



"Nagtatampo pa ako sayo tagal kong hinihingi name nila kunwari ka pang di mo kilala kapatid mo naman pala isa sa kanila" sagot ko.




"Ay nagtatampo ang abunjing bunjing! Wag na tampo ako na bahala sa inyo ni Ryan.




"Pass sa reto" sabi ko at uminom.




Maya maya ay biglang nagring yung phone ko. Pagkabukas ko ay may chat.




Si Dave.

Written In the Stars (College Series #2)Where stories live. Discover now